Share

Chapter 1

Author: Missyykookey
last update publish date: 2026-11-08 12:33:41

Third Person's POV

"What are you doing?"

Hindi na natuloy ni Kyla ang tangkang pagkuha ng dahon sa mukha ng amo nang dumilat ito.

Napalunok na lamang siya nang ilang beses, bago dahan-dahang ibinaba ang kamay

"Sorry po. May dahon po kasi na nahulog sa mukha niyo."

"Tsk"

Naabutan niya ang amo na nakapikit habang nakaupo sa mga upuan sa hardin kaya ang akala niya ay tulog ito.

"Ayos lang kayo, sir? Narinig ko po ang usapan ng mga kasama ko, sinisi raw po kayo ni Ma'am Isabela."

Tumaas naman ang kilay ni Ezione.

"So you're talking behind my back?"

Agad naman s'yang umiling bilang pagbawi. "Naku hindi po, sir. Sadyang nagkataon lang 'yun kanina."

"What are you doing here?"

"Nagpapahangin po. Tapos na kasi ang mga trabaho namin sa kusina."

"Then you should sleep. Hindi 'yung nakikipag-chismisan pa kayo."

Napakamot naman sa ulo si Kyla. Ang judgmental naman ng amo niya, chismis agad? 'Di ba pwedeng usapan lang.

"Luh, si sir. Hindi kaya ako nakikipag-chismisan sa kanila. Judgemental ka masyado."

"Kakasabi mo pa lang. You know what? Leave, ayaw ko sa madaldal."

Inilagay naman ni Kyla ang kamay niya sa dibdib at kunwaring nasasaktan.

"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita, sir."

"Wala akong oras sa drama mo, Kyla. Leave, baka mainis pa ako at tanggalin kita ngayon. Wala ang kapatid ko para ipagtanggol ka."

"Sir, malapit na po ninyong maubos ang bote na 'yan. Hindi po nadadaan sa alak ang problema."

Matagal na s'yang nagsisilbi sa mansion pero ngayon niya lang nakausap nang matagal si Ezione. Masyado itong focus sa trabaho kaya minsan lang din umuwi ng mansion.

"Sit down, Kyla."

Bahagyang nagulat si Kyla sa sinabi ng amo.

"Sige po. Hindi ba mababawasan ang allowance ko nito, sir?"

"Hindi pero kung hindi ka tumahimik, baka pati scholarship mo tanggalin ko."

Banta ni Ezione. Napanguso naman si Kyla sa sinabi ng amo, "Si Sir naman, ang seryoso sa buhay."

Nang tingnan siya ni Ezione na kunot ang noo ay agad s'yang umupo sa medyo may kalayuang pwesto.

Tumaas naman ang kilay ng amo, "Mukha ba ako nangangagat para umupo ka ng ganyan kalayo?"

"Ay hehe, sorry po."

Lumipat siya sa bakanteng upuan malapit kay Ezione at tahimik na naghintay sa sasabihin ng amo. Hindi niya alam kung mauuna ba s'yang magsalita o tumahimik nalang din.

"I have a question."

"Sige po? Basta hindi math, game ako."

"Tsk! What would you do if your grandfather asked you to get married?"

Napakurap si Kyla at nilingon ang amo na pinaglalaruan ang hawak na baso.

"Depende po siguro."

Kakamot-kamot na saad niya sa amo. Hindi niya rin alam ang isasagot dahil gaya kay Ezione ay hindi pa ito pumapasok sa isipan niya. 21 pa lang siya at magtatapos pa sa kolehiyo sa susunod na taon.

"Depende saan?"

"Kung sino po ang pakakasalan ko. Kung si Jungkook po siguro baka pumayag ako agad."

Sumama naman ang tingin ni Ezione sa kanya. Tila walang ni katiting na ka-seryosohan sa katawan ng babae.

"Can you be more serious?"

"Si Kyla po ako, hindi po pwedeng maging serious."

"Joke! Joke lang, sir. Pinapatawa ko lang po kayo. Nakakapangit po ang masyadong seryoso."

"Well, it's not funny."

Muli silang natahimik at ilang sandali pa ang lumipas bago muling nagsalita si Ezione.

"Lolo, wants me to get married."

Napatigil si Kyla. "Talaga po? Edi maganda."

Tumango si Ezione at sumimsim ng alak mula sa basong hawak niya. "He wants me to settle down. Sabi niya gusto n'yang makita akong ikasal habang buhay pa siya."

Sa pagkakaalam niya ay napakayaman ng pamilya Varzerossi. Maraming babae ang nangangarap at nagkakandarapa kay Ezione kaya hindi ito magkakaproblema sa paghahanap.

Sino nga ba ang hindi? Bilyonaryo ito at may-ari ng iba't ibang negosyo sa mundo. Nananalaytay pa sa dugo nito ang dugong kastila kaya papasang model ang itsura at height.

"Siguro po, gusto lang ng lolo ninyo na makita kayong masaya."

"Masaya?"

"Opo. Baka gusto niyang makita kayong may sariling pamilya bago siya mawala."

Hindi siya sumagot. Sa halip, inilapag niya ang kanyang baso sa mesa at sumandal sa upuan.

"I don't want to get married. Pumayag lang ako dahil guilty ako sa nangyari kanina."

"Kung ako ang nasa sitwasyon mo, Sir, gagawin ko ang hiling ng lolo mo. Iniisip niya lang po ang kapakanan mo. Baka 'yun lang din ang makakapagpasaya sa kanya habang nandito pa siya."

Bahagyang humito si Kyla. "Matanda na ang lolo mo Sir. Baka last will and testament niya na rin 'yun," pabirong saad niya sa amo

Imbis na matuwa ay lalong sumama ang ni Ezione sa kanya Halos magpang-abot na ang dalawang kilay nito.

"Biro lang, sir."

Muli s'yang napatingin sa hardin bago tumingila sa langit.

"Hindi po maibabalik ang buhay, Sir. Kahit ilang bilyon or trilyon pa ang pera mo, hindi nito mabibili ang buhay at kasiyahan."

Hindi niya alam kung ano ang naging epekto ng mga sinabi niya kay Ezione pero ramdam niya ang titig ng amo niya sa kanya.

"Siguro po, mabibili niyo lahat ng material na bagay pero hindi ang kasiyahan ng lolo mo."

"Kahit hindi mo alam kung sino ang papakasalan mo? Kahit hindi mo mahal?"

"Siguro po, hindi naman kailangang magmadali. Pwede namang kilalanin muna ang isa't isa."

Tumango si Ezione nang bahagya.

Sa totoo lang, mas sanay si Kyla na makitang tahimik at seryoso ang amo. Pero iba ang ipinakita ng amo niya ngayon gabi, isang simpleng apo na iniisip ang kalagayan ng kanyang lolo.

"Thank you, Kyla."

"Para saan po?"

"For listening."

Napangiti si Kyla sa sinabi ng amo. Hindi niya alam na marunong palang magpasalamat ang amo niya. Ang akala niya ay puro pagsusungit at pag-uutos lang ang alam nito.

"May natitira pa po palang kabaitan sa inyo, sir. Akala ko puro pagsusungit, utos at sigaw lang ang kaya niyo."

"You're getting into my nerves, Kyla. Boss mo pa rin ako."

Agad namang tumayo si Kyla "Sorry, sir. Alis na ako, ciao!"

Agad itong nagmadaling umalis kaya hindi niya napansin ang pagsunod na titig ni Ezione.

"Kyla Jade Herrera Varzerossi."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 10

    Nagulat ako nang pagpasok namin ni Ezione sa company niya ay naging aligaga ang mga tao at kanya-kanyang iwas sa kanya. Ang iba naman ay yumuyuko at bumabati sa amin."Zion, parang takot yata sila sa atin," mahinang bulong ko habang naglalakad."Tsk, let them."Ang laki ng kompanya niya at ang taas ng palapag. Papunta kaming 58th floor ngayon dahil doon ang opisina niya. Nakasakay naman kami sa pribadong elevator.Nagtaka pa ako kanina dahil walang sumabay sa aming dalawa, 'yun pala ay para lang kay Ezione ang elevator na 'yun."Good morning, Boss. Good morning, Miss," magalang na bati ni Blake sa labas ng elevator.Nang ilibot ko ang paningin ko, ay tatlo lang ang silid sa buong floor. Parang hinati lang sa tatlo kaya sigurado akong malaki ang bawat silid. Glass wall ang dalawang silid samantalang ang isa ay hindi makita ang loob."Walang ibang opisina dito, Miss. Kay boss lang saka 'yung akin, ang isa naman ay conference room."Tumango-tango naman ako saka sumunod sa kanila. Pumasok

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 9

    "Nagmamakaawa ako sayo, Mr. Varzerossi, I really love this job. Please," umiiyak na pakiusap ni ma'am kay Ezione pero nanatili lang ang malamig na titig niya dito"Pack your things, I don't want you here. Out now!"Umiling naman si Ma'am at bagsak ang balikat na tumalikod kay Ezione. Hindi ko alam na pwede pala s'yang magpaalis ng mga professor dito."Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Mr. Varzerossi. Babagsak ka rin pagdating ng panahon.""Alright, hihintayin ko ang panahon na 'yun but it's not today so better pack your things and get out of my sight."Tuluyan namang lumabas si Ma'am habang umiiyak. Nang lingunin naman niya sina Chloe ay namutla ito."You too, I don't want to see your face here. Find another university.""What? I own 8% of this university, my daughter have the right to study here."Nagulat ako nang tumawa si Ezione, tawang puno ng sarkasmo at tila nanunuya sa sinabi ni Mr. Villabrola."Really? 8% and you think you own this f*cking university? Funny.""Mr. V

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 8

    Tahimik ako habang nasa guidance office. Wala pang 8AM pero nandito na ako para sa gagawing usapan mamaya.Maaga naman umalis si Ezione papuntang opisina, 6am pa lang ay umalis na siya. Ang sabi niya ay may mga kailangan s'yang pirmahan muna tapos susunod na siya rito."Miss Herrera, ikaw lang mag-isa? Hindi ba't sinabi ko parents or guardian?" Saad ni Ma'am Leonor, ang umawat sa amin kahapon at ang nagtuturo sa subject naming Architectural Design."Pupunta si Ezione, Ma'am. May pinirmahan lang saglit sa opisina, " sagot ko sa kanya."Well, it's already 7:48AM. Lets start at exactly 8AM"Pareho kaming napatingin nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Chloe kasunod ang dad niya, ang CEO ng Villabrola Hotel. Ngumiti naman ito nang mapang-asar nang makitang ako lang ang nakaupo."Aww? Ikaw lang? Opss sorry, nakalimutan kong ulila ka na pala. How about Mr. Varzerossi? Of course hindi siya pupunta sa mga walang kwentang bagay.""That's enough Miss Villabrola. Sir, you may sit down."Igina

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 7

    "Jusko!"'Yun nalang ang nasabi ko at humawak sa dibdib ko nang bumungad sa akin si Zion na kakalabas lang sa walk-in-closet. Galing kasi ako sa banyo kaya hindi ko na napansin na nakauwi na pala siya. Nang tiningnan ko ang maliit na orasan sa bedside table ay malapit na pala mag 7P.M. Nakakapagtaka dahil nong nasa dating mansion pa lang kami ay minsan lang siya umuwi nang maagad. Kadalasan ay hating-gabi o mga 10P.M."Stop drinking too much coffee.""Nakauwi ka na pala. Ang aga mo ngayon Zion."Tinaasan naman ako nito ng kilay na tila ay nagtatanong. "Why? Ayaw mo bang umuwi ako? I get it, gusto mong ma-solo ang buong mansion."Agad naman akong umiling. "Wuyy hindi, sa dating mansion kasi hating-gabi ka na umuuwi or mga 10PM.""How did you know?""Kapag may project kami or need magpasa ng plates, nagpupuyat ako kaya napapansin ko kapag dumating ka na dahil magkakasunod ang sasakyan."Tumango-tango naman siya nang bumaba ang tingin niya sa tuhod ko ay muling bumalik sa pagkaseryoso a

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 6

    Kyla's POV"I said who did that to you?"Nanatili akong tahimik at pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko. Pinilit ko namang tumayo sa lapag saka pinagpag ang palda ko.Paglapit niya ay pinasadahan niya ako ng tingin. Nakakahiya, nakita niya pa 'ko sa ganitong sitwasyon. Akala ko nasa kompanya na siya kasi siya ang naghatid kanina sa'kin sa university."Do I need to repeat myself?"Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo ni Ezione, halos magpang-abot na rin ang dalawang kilay niya. Sign na galit na naman siya.Agad namang lumapit si Blake at tumabi kay Ezione."Boss, hayaan mo muna siguro s'yang magbihis.""Fine, clean yourself first."Tumango naman ako sa kanya kahit na kinakabahan na ako kapag nalaman niya na nakipag-away ako kanina sa campus at sa kaibigan pa ni Victoria."Where's that godd*mn towel?"Nagulat ako nang sumigaw siya kaya bahagya ako napatalon. Nakita ko naman kung paano magpigil ng tawa si Blake sa tabi niya."Ma'am, towel po."Nagmamadaling binigay naman ng m

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 5

    Kyla's POV "You're late, Miss Herrera. Hindi porke't hinatid ka ni Mr. Varzerossi ay ayos na sa akin na late ka. Yumuko naman ako at humingin ng paumanhin sa kanya pero ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko. "Sit down. Ayaw ko nang maulit ito. Scholar ka pa naman." "Yes, ma'am. Sorry po." Agad akong umupo sa upuan ko sa likod. Nagpatuloy na rin si ma'am sa pagtuturo ng architectural design. Nasa last row ako nakaupo at walang katabi. Wala kasi akong masyadong kaibigan dito. Puro mayayaman ang mga estudyante kaya walang nakikipagkaiban sa akin. "For your final project for this semester, I want you to make a design. A house, building, shop, anything. Ipasa niyo ang plates niyo next week then sa last week ng month ang miniature." "Ma'am, dalawang final project?" "Yes, plates then 'yun din ang miniature na gagawin niyo." May project din kaming design sa isang subject, nadagdagan pa ng dalawa kaya naririnig ko na ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Lumabas na rin ako ng room nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status