Share

Maid To Billionaire's Wife
Maid To Billionaire's Wife
Author: Missyykookey

Prologue

Author: Missyykookey
last update publish date: 2026-11-08 12:33:37

Sunod-sunod ang murang pinakawalan ni Ezione habang hinihintay na lumabas ang doktor na nag c-check sa lolo niya.

"Anong nangyari, Ezione? Anong nangyari kay Dad?"

Magkakasunod na tanong ng tita niya. Dumating ito kasama ang mga pinsan at mga kapatid ng dad niya.

"I don't know, we just had a small argument. Pagtalikod ko bigla nalang s'yang nanghina."

Napahilot na lamang sa noo ang tita niya at masama ang tingin na ipinukol sa kanya.

"His heart is weak. Mahina na ang puso ni Dad at hindi na pwedeng operahan dahil sa edad. Sana manlang inisip mo 'yan bago ka makipagtalo sa kanya."

"I already said I didn't know. Isinali niya si Grace sa usapan, that's why I got triggered."

Naiinis na sagot niya sa tita na halatang sinisisi siya sa nangyari.

"Syempre hindi mo alam. Sarili at kompanya lang naman ang laging iniisip mo."

"Enough! Hindi ito ang tamang oras ng pagtatalo."

Saway ng isa pa n'yang tito.

Saktong lumabas naman ang doktor galing sa silid kung saan naka-confine ang lolo kaya natahimik silang lahat.

"He's stable now. Please, iwasan n'yong sumama ang loob ng pasyente. Mahina ang kanyang puso, mas lalo lang lalala ang kalagayan niya kapag may naramdamang matinding stress."

Pagkatapos magsalita ng doktor ay agad silang pumasok sa loob ng kwarto.

Nadatnan niya ang kanyang lolo na nakahiga sa hospital bed habang may aparatus na nakakabit sa katawan. Ngumiti naman ito nang makita si Ezione na pumasok.

"Ezione, apo."

Lumapit naman siya sa tabi ng kama nito at umupo.

"I'm sorry, Lo. I didn't know."

Ngumiti naman ang lolo niya at hinaplos ang braso ni Ezione na nakahawak sa headboard ng kama.

"It's fine, apo. Hindi mo kasalanan, sadyang humina na ang lolo mo. Hindi na kayang maghanap ng chicks."

Napailing na lamang siya sa naging pahayag nito. Talagang nakuha pa nitong magbiro sa gitna ng kalagayan.

"Pero apo, 'yung hiling ko. Pwede bang tuparin mo? Gusto ko munang masilayan ang kasal ng paborito kong apo. Hayaan mo na si Grace, marami pang iba d'yan."

Ito na naman, Grace again.

"Lo, maayos na ako. Pwede bang huwag na natin s'yang pag-usapan. It's been 6 years, nasa negosyo na ang atensyon ko."

"Ang paboritong apo na wala nang ginawa kundi pasamain ang loob ni lolo."

May halong sarkasmo na sagot ng isa sa mga pinsan niya na nagpatigil sa kanilang pag-uusap. Ngumisi naman nang palihim si Ezione bago tumayo at pinantayan ng tingin ang pinsan.

"Mad? No, scratch that, are you jealous?"

Nanunuyang tanong ni Ezione sa pinsan.

"Jealous? Saan? Sayo? Kal*okohan."

"Come on, Josh. Alam naman nating masama pa rin ang loob mo dahil sa akin ipinangalan ni lolo ang ari-arian niya sa Visayas. O baka naman hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tanggap na ako ang pinili ng babaeng nagugustuhan mo—"

Hindi na natapos ni Ezione ang sasabihin nang sinugod siya ng pinsan at hinawakan sa magkabilang kwelyo.

"Anong sabi mo?"

"Don't you dare put your dirty hands on me."

Galit na tinanggal ni Ezione ang pagkakahawak ng pinsan niya sa kwelyo niya at sinamaan ng tingin ang pinsan. Bahagya naman itong napaatras sa kinatatayuan.

"Tama na 'yan! Ano ba? Kakasabi pa lang ng doktor ni lolo na bawal siyang ma-stress, nakuha niyo pang mag-away sa harap niya."

"Paano nalang kaya kapag nawala na ako, baka magp*tayan na kayong lahat. Hindi niyo na 'ko nirespeto."

Napapailing at dismayadong pahayag ng lolo ni Ezione.

"Ito kasing paborito n'yong apo. Akala mo lahat ng tao luluhod sa kanya."

Kinuyom na lamang ni Ezione ang kamao niya at piniling manahimik.

Kung wala lang ang lolo niya ay siguradong papatulan niya ang gustong mangyari ng pinsan.

"Lo, I'm going. Babalik ako sa kompanya."

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna 'yan, Ezione? Nasa hospital si Dad."

"I have so many things to do. Marami akong papeles na naiwan sa kompanya, pati ang meeting na dapat ay kanina pa tapos."

Nauubusang pasensyang sagot niya sa tita.

Gusto n'yang makasama ang lolo pero kung nandito ang mga ito, tiyak na iinit lamang ang ulo niya.

Simula nang mamatay ang dad niya ay naging mainit ang dugo ng mga ito sa kanya. Of course, sa kanya lang naman ipinamana ang lahat. Wala itong ibinilin sa mga kapatid.

"Sige na, apo. Bumalik ka na roon, hayaan mo na ako dito."

Pagpapakonsensya ng lolo.

Tumahimik siya ng ilang minuto para mag-isip. Buo na ang desisyon niya, gagawin niya ang hinihiling nito.

Ayaw n'yang siya ang maging dahilan ng stress ng kanyang lolo. Ito nalang ang natitirang kakampi niya, baka habang buhay n'yang pagsisihan kapag may nangari rito.

"Fine"

"Fine, what?"

Huminga siya nang malalim, bago sumagot.

"I'll get married as soon as possible. I will find a wife."

Ang pagkagulat sa mukha ng lolo ay napalitan nang malapad na ngiti.

"At sinong papakasalan mo?"

Hindi niya pinansin ang tanong ng pinsan at tuluyan nang lumabas ng p***o. Wala s'yang oras para patulan ang pinsan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 10

    Nagulat ako nang pagpasok namin ni Ezione sa company niya ay naging aligaga ang mga tao at kanya-kanyang iwas sa kanya. Ang iba naman ay yumuyuko at bumabati sa amin."Zion, parang takot yata sila sa atin," mahinang bulong ko habang naglalakad."Tsk, let them."Ang laki ng kompanya niya at ang taas ng palapag. Papunta kaming 58th floor ngayon dahil doon ang opisina niya. Nakasakay naman kami sa pribadong elevator.Nagtaka pa ako kanina dahil walang sumabay sa aming dalawa, 'yun pala ay para lang kay Ezione ang elevator na 'yun."Good morning, Boss. Good morning, Miss," magalang na bati ni Blake sa labas ng elevator.Nang ilibot ko ang paningin ko, ay tatlo lang ang silid sa buong floor. Parang hinati lang sa tatlo kaya sigurado akong malaki ang bawat silid. Glass wall ang dalawang silid samantalang ang isa ay hindi makita ang loob."Walang ibang opisina dito, Miss. Kay boss lang saka 'yung akin, ang isa naman ay conference room."Tumango-tango naman ako saka sumunod sa kanila. Pumasok

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 9

    "Nagmamakaawa ako sayo, Mr. Varzerossi, I really love this job. Please," umiiyak na pakiusap ni ma'am kay Ezione pero nanatili lang ang malamig na titig niya dito"Pack your things, I don't want you here. Out now!"Umiling naman si Ma'am at bagsak ang balikat na tumalikod kay Ezione. Hindi ko alam na pwede pala s'yang magpaalis ng mga professor dito."Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Mr. Varzerossi. Babagsak ka rin pagdating ng panahon.""Alright, hihintayin ko ang panahon na 'yun but it's not today so better pack your things and get out of my sight."Tuluyan namang lumabas si Ma'am habang umiiyak. Nang lingunin naman niya sina Chloe ay namutla ito."You too, I don't want to see your face here. Find another university.""What? I own 8% of this university, my daughter have the right to study here."Nagulat ako nang tumawa si Ezione, tawang puno ng sarkasmo at tila nanunuya sa sinabi ni Mr. Villabrola."Really? 8% and you think you own this f*cking university? Funny.""Mr. V

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 8

    Tahimik ako habang nasa guidance office. Wala pang 8AM pero nandito na ako para sa gagawing usapan mamaya.Maaga naman umalis si Ezione papuntang opisina, 6am pa lang ay umalis na siya. Ang sabi niya ay may mga kailangan s'yang pirmahan muna tapos susunod na siya rito."Miss Herrera, ikaw lang mag-isa? Hindi ba't sinabi ko parents or guardian?" Saad ni Ma'am Leonor, ang umawat sa amin kahapon at ang nagtuturo sa subject naming Architectural Design."Pupunta si Ezione, Ma'am. May pinirmahan lang saglit sa opisina, " sagot ko sa kanya."Well, it's already 7:48AM. Lets start at exactly 8AM"Pareho kaming napatingin nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Chloe kasunod ang dad niya, ang CEO ng Villabrola Hotel. Ngumiti naman ito nang mapang-asar nang makitang ako lang ang nakaupo."Aww? Ikaw lang? Opss sorry, nakalimutan kong ulila ka na pala. How about Mr. Varzerossi? Of course hindi siya pupunta sa mga walang kwentang bagay.""That's enough Miss Villabrola. Sir, you may sit down."Igina

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 7

    "Jusko!"'Yun nalang ang nasabi ko at humawak sa dibdib ko nang bumungad sa akin si Zion na kakalabas lang sa walk-in-closet. Galing kasi ako sa banyo kaya hindi ko na napansin na nakauwi na pala siya. Nang tiningnan ko ang maliit na orasan sa bedside table ay malapit na pala mag 7P.M. Nakakapagtaka dahil nong nasa dating mansion pa lang kami ay minsan lang siya umuwi nang maagad. Kadalasan ay hating-gabi o mga 10P.M."Stop drinking too much coffee.""Nakauwi ka na pala. Ang aga mo ngayon Zion."Tinaasan naman ako nito ng kilay na tila ay nagtatanong. "Why? Ayaw mo bang umuwi ako? I get it, gusto mong ma-solo ang buong mansion."Agad naman akong umiling. "Wuyy hindi, sa dating mansion kasi hating-gabi ka na umuuwi or mga 10PM.""How did you know?""Kapag may project kami or need magpasa ng plates, nagpupuyat ako kaya napapansin ko kapag dumating ka na dahil magkakasunod ang sasakyan."Tumango-tango naman siya nang bumaba ang tingin niya sa tuhod ko ay muling bumalik sa pagkaseryoso a

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 6

    Kyla's POV"I said who did that to you?"Nanatili akong tahimik at pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko. Pinilit ko namang tumayo sa lapag saka pinagpag ang palda ko.Paglapit niya ay pinasadahan niya ako ng tingin. Nakakahiya, nakita niya pa 'ko sa ganitong sitwasyon. Akala ko nasa kompanya na siya kasi siya ang naghatid kanina sa'kin sa university."Do I need to repeat myself?"Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo ni Ezione, halos magpang-abot na rin ang dalawang kilay niya. Sign na galit na naman siya.Agad namang lumapit si Blake at tumabi kay Ezione."Boss, hayaan mo muna siguro s'yang magbihis.""Fine, clean yourself first."Tumango naman ako sa kanya kahit na kinakabahan na ako kapag nalaman niya na nakipag-away ako kanina sa campus at sa kaibigan pa ni Victoria."Where's that godd*mn towel?"Nagulat ako nang sumigaw siya kaya bahagya ako napatalon. Nakita ko naman kung paano magpigil ng tawa si Blake sa tabi niya."Ma'am, towel po."Nagmamadaling binigay naman ng m

  • Maid To Billionaire's Wife   Chapter 5

    Kyla's POV "You're late, Miss Herrera. Hindi porke't hinatid ka ni Mr. Varzerossi ay ayos na sa akin na late ka. Yumuko naman ako at humingin ng paumanhin sa kanya pero ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko. "Sit down. Ayaw ko nang maulit ito. Scholar ka pa naman." "Yes, ma'am. Sorry po." Agad akong umupo sa upuan ko sa likod. Nagpatuloy na rin si ma'am sa pagtuturo ng architectural design. Nasa last row ako nakaupo at walang katabi. Wala kasi akong masyadong kaibigan dito. Puro mayayaman ang mga estudyante kaya walang nakikipagkaiban sa akin. "For your final project for this semester, I want you to make a design. A house, building, shop, anything. Ipasa niyo ang plates niyo next week then sa last week ng month ang miniature." "Ma'am, dalawang final project?" "Yes, plates then 'yun din ang miniature na gagawin niyo." May project din kaming design sa isang subject, nadagdagan pa ng dalawa kaya naririnig ko na ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Lumabas na rin ako ng room nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status