Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong
Zuletzt aktualisiert : 2026-11-20 Mehr lesen