ANMELDENNasa kampo sina Arraine habang Ng sasanay at ang mga sundalong sasanayin niya. Pagbaril, karate, at kung paano mag baril sa sampung metro Ang layo . kaalaman sa militar ang ituturo niya. Ramdam ng lahat na iba si Arraine. Hindi siya puro salita lang.Isang machine gun ang pinaputok ni Arraine sa target paper. Asintado agad ito. Gitnang-gitna ang tama. Natuwa ang mga estudyante. Nagpalakpakan sila. Hindi nila akalain na ganun kagaling ang isang babae humawak ng baril.Binaba niya ang baril niya at gusto niyang bumaril din ang mga ito. Gusto niyang sila naman ang sumubok.Sige, ihanda. Isa, dalawa, tatlo, sigaw niya. Hawakan ng maayos, utos niya. Huwag kayong kabahan.Habang abala ang lahat sa pagsasanay, biglang may sumigaw mula sa likuran nila.Arraine! sigaw ni Thalia.Lumingon ang lahat. Nandoon si Thalia, kasama si Marco. Galit ang mukha ni Thalia.Anong karapatan mong pagbawalan kami, asik nito, na gamitin ang bagong baril? Pareho lang tayo ng posisyon.Pareho tayong bagong tagapa
Pagkauwi nina Marco at Thalia sa bahay ng mga Reyes, agad na bumalot ang mabigat na katahimikan sa buong kabahayan. Hindi pa man sila nakakaupo ay ramdam na ramdam na ang galit na nangingibabaw sa hangin.Sobrang galit si Lola Conching kay Arraine. Agad nitong hinampas ang tungkod nito sa sahig, at ang malakas na tunog niyon ay umalingawngaw sa buong sala. Hindi ito makapaniwala na si Arraine pala ay may sariling kasosyo sa negosyo.Ano, sigaw nito, nanginginig ang boses sa galit. Ang Arraine na iyon, nakikipag-negosyo pala sa mga dayuhan, saad ng matanda, habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa poot.Ang matanda ay hindi lamang galit, nasaktan din ito sa pride. Sa buong buhay niya, siya ang nasusunod sa pamilya Reyes. Siya ang nagdidikta kung sino ang karapat-dapat at kung sino ang hindi. Ngunit ngayong gabi, sa harap ng napakaraming tao, si Arraine ang naging bida. Si Arraine ang pinag-usapan, at si Arraine ang pinuri. Para kay Lola Conching, iyon ay isang malaking kahihiyan na hi
Nasa taas sila ng terrace at tanaw na tanaw nila ang buong bulwagan sa baba. Kitang-kita ang mga bisitang nagkakasiyahan, nag-uusap at nagtatawanan habang may hawak na baso ng alak. Ang mga ilaw ay kumikislap, ang musika ay marahang tumutugtog, at ang hangin ay mabigat sa tensyon. Sa terrace ay naroon sila Heneral Velasco, Marco, at si Thalia, kasama si David na nakikipagtagayan sa kanila. Alam ng bawat isa na hindi ito basta simpleng inuman lang dahil may mahalagang usapan na magaganap."Tagay!" aniya ni Marco at ininom ang laman ng baso nito kahit halata ang tensyon sa mukha niya."Heneral Velasco," saad ni David sa ama ni Heneral Lucian, maingat ang boses niya. "Ang dalawa mong tauhan ay bihasa sa mga armas, hindi ba?" panimula nito sa usapan."Sila?" tugon ng matandang Heneral habang sumisimsim ng alak. "Ang mga nakapag-aral sa ibang bansa." Sila ang pinakamagagaling na mayroon kami at hindi basta-basta ang kanilang pinagdaanan."Ginoong David," saad ng Heneral, "kung papayag kayo
Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong

Pagkalabas ni Arraine sa baba, agad na nakuha ng malambing na tunog ng piano ang atensyon niya.Nakaupo si Thalia sa harap ng puting piano sa gitna ng bulwagan. Nakasuot ito ng eleganteng bistida, nakangiti, at tila sanay na sanay sa atensyon ng lahat. Bawat pagpindot niya sa mga tecla ay sinusundan ng papuri mula sa mga bisita.Ang galing talaga ni Thalia. Hindi nakakagulat na siya ang paborito sa pamilya.Napakaganda ng piyesa niya. Parang anghel ang tumutugtog.Halos lahat ng bisita ay nakapaligid sa kanya, nakikinig at humahanga. May ilan pang kumukuha ng video at larawan, na para bang isang concert ang kanilang pinapanood.Hindi pa man nakakalapit si Arraine ay agad na siyang nakita ni Ivy. Mabilis itong lumapit at hinarangan ang daan niya.Arraine, huwag mong isipin na dahil lang sa maganda ang bistida mo ay malalamangan mo na ang karisma ni Ate Thalia, wika ni Ivy na may halong pang-iinsulto.Napatingin si Arraine sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Alam niyang simula pa lang it