Hindi nakatulog nang maayos si Liana buong magdamag. Paulit-ulit niyang binabasa ang mensahe ni Gabriel. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang pangalan ni Bianca ang simula ng lahat.Kung may dapat siyang malaman tungkol sa kapatid niya, bakit hindi iyon sinabi ni Hugo?Tatlong katok ang narinig niya sa pinto.“Come in.”Pumasok si Adrian, ang personal assistant ni Hugo.“Good morning, Mrs. Villareal. Maaari na po kayong umuwi ngayong umaga. Inayos na ni Sir ang mga kailangan ninyo.”“Where is Hugo?”“Nasa ibaba po. May inaasikaso lang.”Tumango siya, ngunit bago pa makalabas si Adrian, muli niya itong tinawag.“Adrian, may itatanong ako.”“Po?”“Masaya ba kami ni Hugo?”Nag-atubili ang lalaki.“Marami po kayong pinagdaanan, Ma'am. Mas mabuting si Sir na lang po ang magpaliwanag.”Maging ang assistant ay tila may alam na ayaw sabihin. Hindi niya alam kung kanino pa siya maaaring magtanong. Pakiramdam niya, bawat sagot ay may kasunod na mas mahirap na tanong.Makalipas ang ilan
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-18 อ่านเพิ่มเติม