Nang marinig ni Jasmine ang mga salitang iyon ay parang tinamaan siya ng kidlat. Akala niya ay nakaligtas na siya mula sa kamatayan pero heto at mukhang mamamatay din siya.Hindi siya makagalaw, halos mamanhid ang buong katawan niya. Hindi niya namalayang napatawa na pala siya sa harap ng mga ito.Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Theo nang makita niya ang babae na nakasalampak sa harapan niya. Para itong nababaliw, ngunit ang mga mata nito ay walang emosyon. Hindi ito tumatawa dahil masaya ito o nahuli, there was more he was sure.Nagtagis ang mga bagang niya. Sa totoo lang, simula nang magising ito ay sinabihan na niya si Jax na paalisin na ito pero hindi siya nito pinakinggan. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang tiwala rito kahit na gaano pa kaamo ang mukha nito. Those type of face can be deceiving sometimes.“I… I just want to live…” mahina nitong bulong na ikinakunot ng noo niya lalo. “Ano bang nagawa kong mali para, para maranasan ko ang lahat ng ito?”Pa
最終更新日 : 2026-11-19 続きを読む