MasukHalos dalawang linggo simula nang magising si Jasmine. Dalawang linggo na. Medyo naging maganda na ang pakiramdam niya. May ilang pasa pa ring hindi gumagaling sa katawan niya pero ang mahalaga ay nakakalakad pa rin naman siya.
Sa dalawang linggong iyon ay hindi na niya muling nakita pa ang lalaking nagpakilalang si Jax. Malawak ang bahay kung nasaan siya at napansing niyang matataas ang mga pader na nakapalibot dito na para bang takot ang mga itong makita sila ng ibang tao. Idagdag pa na napansin niya ang ilang lalaking palakad-lakad sa paligid, tila nagbabantay. Bukod pa doon, sa tuwing nasa loob siya ng kanyang silid pakiramdam niya ay palaging may nanonood sa kaniya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba iyon o ano. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging susunod na hakbang niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi na siya pwedeng bumalik pa sa bahay nila dahil anong gagawin niya doon? Magpapakamatay? Kung nagawa nila noon na gawin iyon sa kaniya, paniguradong magagawa nila ulit lalo na kung malalaman nilang buhay pa siya. Tiyak na nagsasaya na ang mga ito sa pag-aakalang nawala na ang tinik sa buhay nila. Malaya naman siyang maglakad-lakad kaya lang ay pinagbabawalan siya na pumunta sa kabilang side ng bahay which is may maliit ba gate patungo sa main mansion. Maging ang lumapit man lang doon ay hindi niya sinubukan dahil sa mahigpit na bilin sa kaniya ni Janna. Natatakot siya na baka kung anong mangyari sa kaniya kapag sinuway niya ito. Pero noong gabing iyon ay hindi siya makatulog kaya naglakad lakad na muna siya lalo na at marami din siyang iniisip. Habang naglalakad ay hindi niya namalayang dinala na pala siya ng kanyang mga paa sa gate na gawa sa bakal na naghihiwalay sa dalawang bahay. Nang marealize niya na hindi siya dapat nandoon ay hindi na siya makaatras pa lalo na at nagka interes siyang sumilip. Nagulat siya nang makita ang eksena. Sa malawak na bakuran ay kitang-kita niya ba ilang lakaki ang nakaluhod sa harapan ng dalawang lalaki. Si Jax ang isa at ang isa naman ay, napatigil siya. Nagsitayuan ang mga balahibo niya habang nakatitig sa walang ekspresyon nitong mukha. Nang bumaba ang mga mata niya sa taong nasa harap nito ay kaagad niyang namukhaan ang isa, it was her ex-husbands friend. Sa pagkakaalam niya, he was so powerful and rich pero noong mga oras na iyon ay nakaluhod lang ito sa harap ng lalaking hindi niya pa nakikilala. Halos manginig ito sa takot. “Please Mr. Mondragon… kapag pinakawalan niyo kami ngayon, pinapangako naming susundin namin ang mga utos niyo basta—” Hindi pa man nito natatapos ang sinasabi ay dumagundong na ang malamig na boses ng lalaking nakatayo sa tabi ni Jax. “Do you think you have the right to negotiate with me huh?” Kasabay nito ay ang pagyuko nito at bigla na lang diniinan ang magkabilang pisngi ng lalaki. Napalunok siya sa takot. Gusto na niyang umalis doon dahil baka kapag nahuli siya ay baka kung ano lang ang mangyari sa kaniya pero halos ayaw gumalaw ng mga paa niya na para bang napako na siya sa kanyang kinatatayuan ng wala sa oras. “Please Mr. Mondragon. I’m begging with you…” nag-umpisang manginig ang boses nito. Hindi niya akalaing ang lalaking napakayabang ay magmamakaawa ng ganito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magtaka at ma-curious kung sino ang lakaking katabi ni Jax, kung gaano ito kama kapangyarihan para matakot ang kagaya ng lalaking ito na walang ibang ginawa kundi ang magyabang. Sino ito para katakutan nito? “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ng isang tinig sa likuran niya. Halos mapalundag siya sa gulat ng wala sa oras. Dahan-dahan siyang lumingon. Nakita niya ang dalawang lalaki na nakatayo sa likod niya at bago pa siya makasagot, bigla na lang siyang hinawakan ng mga ito sa magkabila niyang kamay at hinila. “Teka bitawan niyo ako! Ano bang—” nanlaki ang mga mata ni Jasmine nang buksan ng dalawa ang gate. Ang lahat ng taong nasa bakuran ay biglang napalingon sa kaniya. Kahit na hindi naman mainit noong mga oras na iyon, pakiramdam niya ay para siyang nasa hot seat. Lumabas ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo at ang kanyang mga palad ay namasa na rin sa takot at kaba. Halos hindi siya makahinga. Kung noon nakaligtas siya mula kay Brandon, mukhang dito ay hindi na siya makakaligtas pa. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Higit pa roon ay ang mga tauhan ng lalaking nasa harap niya ay mukhang mga armado. Katulad ng kaibigan ng dati niyang asawa ay pinaluhod siya sa harap nito. Nakita niya kung paano nito sinenyasan ang mga tauhan at sa sumunod na sandali ay tinakpan na ang mga ulo ng dalawang lalaki. Binalingan siya ng tingin ng lalaking matabi ni Jax. Halos hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito sa takot. Ang bawat titig nito ay halos umabot hanggang sa kaibuturan niya. Bakit ba kasi hindi na lang siya nakinig? Bakit hindi niya na lang nakayang pigilan ang sarili niya? E di sana ay wala siya doon. E di sana ay malaya pa siyang nakakagalaw ngayon. Nanatili siyang nakayuko sa harap ng dalawa. Hindi alam kung anong gagawin. Maging ang huminga ay halos hindi niya magawa sa sobrang takot niya. Kahit na hindi niya sinasalubong ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ay ramdam na ramdam niya pa rin iyon. “Do you know what I hate the most?” Malamig at walang emosyong tanong nito sa kaniya. Boses pa lang nito ay nakakapanginig na sa totoo lang. Sunod-sunod ang naging paglunok ni Jasmine. “It’s when a rat was on the loose. I think I need to catch it before it can pester me.” Namilog ang mga mata niya at mabilis na tumingala. “I—I’m sorry… I, I didn’t mean to—” ngunit bago niya pa matapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang itong yumuko at hinawakan siya sa magkabila niyang pisngi. Kung anong nakita niyang ginawa nito kanina sa mga lalaking nakaluhod at ganun din ang ginawa nito sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng poot at halos lamunin na siya sa sobrang galit. Hindi niya alam kung bakit pero, mas natakot pa siya noong mga oras na iyon kaysa noong halos patayin na siya ni Brandon. Awtomatikong nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata at nanginig ang buong katawan niya. Maging ang mga kamay niya ay nanginginig na ng wala sa oras sa sobrang takot niya. Tumaas ang sulok ng labi nito, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon sa mukha nito. “Tell me, sino ang nag-utos sayo? Sino ang nag-utos sayo na pumunta rito?” Mas diniinan pa nito ang pagkakahawak sa pisngi niya at halos tumulo na ang luha niya dahil sa takot. Hindi niya maibuka ang bibig niya sa takot. Hindi niya maipaliwanag ang sarili niya. “Theo tama na. You’re frightening her.” Hinawakan ni Jax ang balikat ng lalaki, sinusubukang pigilan ngunit mas lalo lang nagdilim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Pabagsak siya nitong binitawan at natumba siya sa damuhan. Pakiramdam niya ay nadurog na ang nga buto niya sa mukha. “Didn’t I told you it’s better to ler her die there? Now look. She was now making her move.” Muli nitong ibinalik ang tingin sa kaniya bago nagsalita. “Dispose her now or better yet, kill her.”Nang marinig ni Jasmine ang mga salitang iyon ay parang tinamaan siya ng kidlat. Akala niya ay nakaligtas na siya mula sa kamatayan pero heto at mukhang mamamatay din siya.Hindi siya makagalaw, halos mamanhid ang buong katawan niya. Hindi niya namalayang napatawa na pala siya sa harap ng mga ito.Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Theo nang makita niya ang babae na nakasalampak sa harapan niya. Para itong nababaliw, ngunit ang mga mata nito ay walang emosyon. Hindi ito tumatawa dahil masaya ito o nahuli, there was more he was sure.Nagtagis ang mga bagang niya. Sa totoo lang, simula nang magising ito ay sinabihan na niya si Jax na paalisin na ito pero hindi siya nito pinakinggan. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang tiwala rito kahit na gaano pa kaamo ang mukha nito. Those type of face can be deceiving sometimes.“I… I just want to live…” mahina nitong bulong na ikinakunot ng noo niya lalo. “Ano bang nagawa kong mali para, para maranasan ko ang lahat ng ito?”Pa
Halos dalawang linggo simula nang magising si Jasmine. Dalawang linggo na. Medyo naging maganda na ang pakiramdam niya. May ilang pasa pa ring hindi gumagaling sa katawan niya pero ang mahalaga ay nakakalakad pa rin naman siya.Sa dalawang linggong iyon ay hindi na niya muling nakita pa ang lalaking nagpakilalang si Jax. Malawak ang bahay kung nasaan siya at napansing niyang matataas ang mga pader na nakapalibot dito na para bang takot ang mga itong makita sila ng ibang tao.Idagdag pa na napansin niya ang ilang lalaking palakad-lakad sa paligid, tila nagbabantay.Bukod pa doon, sa tuwing nasa loob siya ng kanyang silid pakiramdam niya ay palaging may nanonood sa kaniya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba iyon o ano.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging susunod na hakbang niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.Hindi na siya pwedeng bumalik pa sa bahay nila dahil anong gagawin niya doon? Magpapakamatay?Kung nagawa nila noon na g
Akala ni Jasmine ay hindi na siya muling gigising pa. She thought she was dead ngunit buhay pa pala siya. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay ang puting kisame ang una niyang nakita.A faint smile curved into her dry and pale lips. Ang kanyang mga mata ay naging malamig at napuno ng poot. Those bastards, they tried to kill her. Ni hindi man lang pinigilan ng mga magulang niya si Brandon. They really want her dead.What a shame.Akala niya ay doon na lang matatapos ang buhay niya, but God gave her another chance at sinisiguro niyang hindi niya na sasayangin pa ang pagkakataong iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae na naka uniform, hindi pang nurse kundi pang kasambahay na medyo ipinagtaka niya.Nagulat ito nang makitang gising na siya. “May masakit pa ba sa inyo Miss?” tanong nito ng makalapit ito sa kaniya.Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Masakit pa rin ang katawan niya at halos hindi niya pa rin maigalaw ang katawan niya p
“What is it?” Walang emosyon ang mukha ni Theo habang nakatingin sa mga tauhan niya.“We found someone sir.” sagot ng isa na ikinakunot lang niya ng kanyang noo.Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinalikuran ang mga ito. “Wasting my time just for that?” Inis na tanong niya at humakbang ngunit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang narinig niya ang sigaw ni Jax sa likod niya.“She’s still alive! We can still save her!”Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. “Are you out of your mind? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ibang tao? And we are too busy—”“Kunin niyo siya at dalhin sa ospital!” Sigaw ni Jax sa mga kasamahan at ni hindi siya pinansin.Kaagad na napakuyom ang mga kamay ni Theo. Kailan pa siya nito pinangunahan? For pete’s sake, hindi iyon ang ipinunta nila doon.Sinundan niya ng tingin ang mga tauhan niya samantalang siya ay nanatili sa kung saan siya nakatayo. Ang kanyang mukha ay madilim at walang ekspresyon.Para sa kanya, walang dapat masayang na kahit ilang mi
“Tell me… ang lahat ba ng panahon na magkasama tayo…”“Ang lahat ng mga pangako mo…”“Ang lahat ng matatamis na salitang binitawan mo sa akin ay kasinungalingan lang ba lahat?”Halos magkaroon ng bara ang lalamunan ni Jasmine habang nakatitig sa asawa niya. For three whole years ay naging mabuti siyang asawa. For three whole years ay pinagtiisan niya lahat at sinunod ang lahat ng sinabi nito sa kaniya.Ipinaramdam din naman nito ang pagmamahal na akala niya totoo at tunay pero hindi naman pala.Ngayon ay nalaman niya ang totoo. She was never his wife. Their marriage was fake. Her whole life was fake.Hilam na ang mga mata niya sa luhang nakatingin dito. Ang mga mata nitong dating puno ng pagmamahal na nakatitig sa kaniya, ngayon ay wala pawang poot at pandidiri ang nakapaloob.Ayaw niyang maniwala, hindi niya gustong paniwalaan ang lahat pero halos sampalin na siya ng katotohanan.Nahuli niyang may babae ito. Hindi lang basta babae kundi ito ay ang kapatid niya mismo. Ang pinaka worst







