ログイン“What is it?” Walang emosyon ang mukha ni Theo habang nakatingin sa mga tauhan niya.
“We found someone sir.” sagot ng isa na ikinakunot lang niya ng kanyang noo. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinalikuran ang mga ito. “Wasting my time just for that?” Inis na tanong niya at humakbang ngunit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang narinig niya ang sigaw ni Jax sa likod niya. “She’s still alive! We can still save her!” Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. “Are you out of your mind? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ibang tao? And we are too busy—” “Kunin niyo siya at dalhin sa ospital!” Sigaw ni Jax sa mga kasamahan at ni hindi siya pinansin. Kaagad na napakuyom ang mga kamay ni Theo. Kailan pa siya nito pinangunahan? For pete’s sake, hindi iyon ang ipinunta nila doon. Sinundan niya ng tingin ang mga tauhan niya samantalang siya ay nanatili sa kung saan siya nakatayo. Ang kanyang mukha ay madilim at walang ekspresyon. Para sa kanya, walang dapat masayang na kahit ilang minuto lang sa oras niya dahil napakahalaga nito pero heto siya at hinihintay ang mga ito. Ilang minuto rin bago bumalik si Jax sa harapan niya. “What the hell is your problem?” Inis na tanong niya rito at naunang naglakad. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. “She’s still alive. Nakakaawa naman kung hahayaan na lang natin siyang mamatay doon.” Mas lalo pa siyang napasimangot ng wala sa oras dahil sa narinig. “The hell you care about that woman? You don’t even know her. Hindi mo na lang siya hinayaan doon.” inis na usal niya pa rin. Narinig niya ang mahinang pag-ismid nito. “Hindi mo naman ako kagaya na walang puso Theo.” Gumalaw ang mga muscles niya sa mukha. Harap-harapan siya nitong pinasasaringan pero para hindi na humaba pa ang pagtatalo nila ay hindi na lang siya sumagot at dumiretso sa mamahaling sasakyan na naghihintay sa kanila. Pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay nanatili siyang walang ekspresyon. Pumikit lang siya at sumandal sa kanyang kinuupuan bago humalukipkip. “Those bastards, hindi man lang sila sumunod sa usapan.” Rinig niyang sabi ni Jax ngunit wala siya sa mood na sumagot. Badtrip na siya kanina pa at mas lalo pa siyang nainis nang aksayahin pa nito ang oras niya sa paghihintay para iligtas ang taong iyon kahit na hindi naman nito kilala. Helping others is not his cup of tea lalo na at lumaki siya na wala siyang ibang inaasahan kundi tanging ang sarili niya lang. Well, maswerte siya na may tumayong ina sa kaniya kahit maaga siyang naulila pero hindi pa rin naging madali ang buhay niya. He was born to rule his father’s empire. Pagkatapos nitong mamatay kasama ng kanyang ina dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitang siyang akuin ang lahat ng responsibilidad. Isama na rito ang pagpapatakbo sa kanilang mga negosyo. Kung ang ibang mga bata noon ay naglalaro at ini-enjoy ang mga buhay nila, siya ay hindi. Masyado siyang abala para magsanay. “What’s your plan now?” Muling untag ni Jax sa kaniya pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. May usapan kasi sila ng nagpakilalang Henry na isang asset daw ng kilalang tao at ibubunyag daw nito ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng mga magulang niya. Alam niya sa sarili niya na it was not an accident. Sinadyang pinatay ang mga ito lalo na ay ganun ang linya ng negosyo nila. “Alamin mo kung sino ang nag-utos sa kaniya na kontakin tayo. Mukhang may binabalak na naman silang masama.” Ilang segundo itong hindi sumagot bago niya narinig ang isang mahabang buntong hininga mula rito. “Mukhang magiging busy na naman tayo sa mga susunod na araw.” Nagmulat na siya ng kanyang mga mata. “Kaya kung ako sayo ay idispatsa mo na ang babaeng iyon.” Sinamaan lang siya nito ng tingin. “No. Baka pwede natin siyang pakinabangan since may utang na loob siya sa atin.” Napamulat siya bigla ng kanyang mga mata. “What the hell is your problem?” Angil niya rito. “Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Alam mo na hindi pwedeng basta basta tayo magpapasok ng kung sino-sinong tao na hindi natin alam ang background. What if she was their spy and this is their plan?” Napailing naman ito. “Masyado kang overthinker Theo. Chill okay. Malalaman natin ang sagot sa mga tanong natin kapag nagising na siya okay?” Hindi na lang ulit siya sumagot at nanatiling tahimik lang. Kung siya lang ang masusunod, dapat hinayaan na lang nito ang babaeng iyon doon dahil wala naman talaga silang pakialam dito o sa kung anuman ang mangyari rito. ~~~~~ “Naitapon niyo ba?” Tanong ni Brandon sa mga tauhan niya pagbalik ng mga ito. Nagsitanguan naman ang mga ito. “Good.” sabi niya bago sinenyasan ang mga ito na umalis na. Ilang beses siyang bumuntong hininga bago tumayo habang hawak ang kanyang baso na may lamang alak. Ilang taon na rin simula noong maging mag-asawa sila ni Jasmine. Wala itong ibang ginawa kundi ang maging perpektong asawa niya pero ang totoo? He was just using her for his own desires. Kailangan niya ang mana nito kaya niya rin napiling ipapatay ito. Hindi ito tunay na anak ng mga kinagisnan nitong magulang kundi isang matandang lalaki ang nagpakilala bilang ama nito na may daang milyong pamana para kay Jasmine. Nakipagkasundo siya sa pamilya nito na huwag nilang sabihin ang totoo rito, kasama na rin sa naging plano nila ang pagpatay rito para makuha nila ng buo ang lahat ng perang mamanahin nito. At ngayon nga ay wala na ito kaya wala na siyang problema pa. Ngayon ay maililipat na sa pangalan niya ang lahat. Wala na rin namang maghahabol dito dahil patay na ang matandang lalaki na nagpakilalang ama nito. Ilang sandali pa ay bumukas ang p***o. Hindi siya lumingon. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang may pumulupot sa beywang niya at niyakap siya mula sa likuran. “Finally, we are free.” Masuyong bulong nito sa kaniya. Mabilis siyang umikot at ibinaba ang kanyang hawak na baso tyaka hinawakan ang baba ni Kelly pagkatapos ay yumuko para halikan ito. “Of course babe and we need to celebrate. From now on, you will be my wife for real.” Nagningning ang mga mata nito sa saya bago tuluyang tumingkayad para halikan siya. “I love you…” bulong nito sa pagitan ng halik.Nang marinig ni Jasmine ang mga salitang iyon ay parang tinamaan siya ng kidlat. Akala niya ay nakaligtas na siya mula sa kamatayan pero heto at mukhang mamamatay din siya.Hindi siya makagalaw, halos mamanhid ang buong katawan niya. Hindi niya namalayang napatawa na pala siya sa harap ng mga ito.Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Theo nang makita niya ang babae na nakasalampak sa harapan niya. Para itong nababaliw, ngunit ang mga mata nito ay walang emosyon. Hindi ito tumatawa dahil masaya ito o nahuli, there was more he was sure.Nagtagis ang mga bagang niya. Sa totoo lang, simula nang magising ito ay sinabihan na niya si Jax na paalisin na ito pero hindi siya nito pinakinggan. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang tiwala rito kahit na gaano pa kaamo ang mukha nito. Those type of face can be deceiving sometimes.“I… I just want to live…” mahina nitong bulong na ikinakunot ng noo niya lalo. “Ano bang nagawa kong mali para, para maranasan ko ang lahat ng ito?”Pa
Halos dalawang linggo simula nang magising si Jasmine. Dalawang linggo na. Medyo naging maganda na ang pakiramdam niya. May ilang pasa pa ring hindi gumagaling sa katawan niya pero ang mahalaga ay nakakalakad pa rin naman siya.Sa dalawang linggong iyon ay hindi na niya muling nakita pa ang lalaking nagpakilalang si Jax. Malawak ang bahay kung nasaan siya at napansing niyang matataas ang mga pader na nakapalibot dito na para bang takot ang mga itong makita sila ng ibang tao.Idagdag pa na napansin niya ang ilang lalaking palakad-lakad sa paligid, tila nagbabantay.Bukod pa doon, sa tuwing nasa loob siya ng kanyang silid pakiramdam niya ay palaging may nanonood sa kaniya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba iyon o ano.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging susunod na hakbang niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.Hindi na siya pwedeng bumalik pa sa bahay nila dahil anong gagawin niya doon? Magpapakamatay?Kung nagawa nila noon na g
Akala ni Jasmine ay hindi na siya muling gigising pa. She thought she was dead ngunit buhay pa pala siya. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay ang puting kisame ang una niyang nakita.A faint smile curved into her dry and pale lips. Ang kanyang mga mata ay naging malamig at napuno ng poot. Those bastards, they tried to kill her. Ni hindi man lang pinigilan ng mga magulang niya si Brandon. They really want her dead.What a shame.Akala niya ay doon na lang matatapos ang buhay niya, but God gave her another chance at sinisiguro niyang hindi niya na sasayangin pa ang pagkakataong iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae na naka uniform, hindi pang nurse kundi pang kasambahay na medyo ipinagtaka niya.Nagulat ito nang makitang gising na siya. “May masakit pa ba sa inyo Miss?” tanong nito ng makalapit ito sa kaniya.Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Masakit pa rin ang katawan niya at halos hindi niya pa rin maigalaw ang katawan niya p
“What is it?” Walang emosyon ang mukha ni Theo habang nakatingin sa mga tauhan niya.“We found someone sir.” sagot ng isa na ikinakunot lang niya ng kanyang noo.Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinalikuran ang mga ito. “Wasting my time just for that?” Inis na tanong niya at humakbang ngunit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang narinig niya ang sigaw ni Jax sa likod niya.“She’s still alive! We can still save her!”Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. “Are you out of your mind? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ibang tao? And we are too busy—”“Kunin niyo siya at dalhin sa ospital!” Sigaw ni Jax sa mga kasamahan at ni hindi siya pinansin.Kaagad na napakuyom ang mga kamay ni Theo. Kailan pa siya nito pinangunahan? For pete’s sake, hindi iyon ang ipinunta nila doon.Sinundan niya ng tingin ang mga tauhan niya samantalang siya ay nanatili sa kung saan siya nakatayo. Ang kanyang mukha ay madilim at walang ekspresyon.Para sa kanya, walang dapat masayang na kahit ilang mi
“Tell me… ang lahat ba ng panahon na magkasama tayo…”“Ang lahat ng mga pangako mo…”“Ang lahat ng matatamis na salitang binitawan mo sa akin ay kasinungalingan lang ba lahat?”Halos magkaroon ng bara ang lalamunan ni Jasmine habang nakatitig sa asawa niya. For three whole years ay naging mabuti siyang asawa. For three whole years ay pinagtiisan niya lahat at sinunod ang lahat ng sinabi nito sa kaniya.Ipinaramdam din naman nito ang pagmamahal na akala niya totoo at tunay pero hindi naman pala.Ngayon ay nalaman niya ang totoo. She was never his wife. Their marriage was fake. Her whole life was fake.Hilam na ang mga mata niya sa luhang nakatingin dito. Ang mga mata nitong dating puno ng pagmamahal na nakatitig sa kaniya, ngayon ay wala pawang poot at pandidiri ang nakapaloob.Ayaw niyang maniwala, hindi niya gustong paniwalaan ang lahat pero halos sampalin na siya ng katotohanan.Nahuli niyang may babae ito. Hindi lang basta babae kundi ito ay ang kapatid niya mismo. Ang pinaka worst







