Beatrice Zafra's POVLimang taon akong hindi umuwi sa Manila. Limang taon kong sinubukang buuin ulit ang sarili kong buhay sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin, walang nagtatanong tungkol sa nakaraan ko, at higit sa lahat, walang nagpapaalala sa akin sa mga bagay na matagal ko nang gustong kalimutan.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng malaking glass building ng de Vera Corporation, hawak ang leather folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangan ko para sa unang araw ko bilang Marketing Director.I should be excited. At excited naman talaga ako. Ilang buwan din akong naghintay para makakuha ng ganitong klaseng opportunity. Hindi madaling makapasok sa isang established company, lalo na sa executive position na may malaking responsibility. Kailangan kong dumaan sa ilang interviews, presentations, at evaluations bago nila tuluyang aprubahan ang application ko.Hindi ito basta trabahong nakuha ko lang dahil may kakilala ako. I worked for it, and I intended to prove th
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-20 อ่านเพิ่มเติม