ELISE POVHindi ko kailangang magustuhan ang isang tao para makatrabaho siya. Pero kung may isang bagay akong hindi kayang palampasin, iyon ay ang taong akala niya puwede niyang maliitin ang trabaho ng iba dahil lang mas mataas ang posisyon niya.Kaya nang sabihin ng lalaking nakatayo sa harap ko na hindi niya nakikita ang halaga ng proposal na ilang linggo naming pinagpaguran, kailangan kong pigilan ang sarili kong hindi siya sagutin nang pabalang."With all due respect, Mr. Arrieta, hindi po basta-basta ginawa ang proposal na ito. We conducted market research, studied the target audience, and considered the long-term positioning of your brand. Hindi ko alam kung anong part ang hindi malinaw sa presentation, pero I'm willing to explain it again."Bahagyang umangat ang isang kilay niya.Nasa isang exclusive business event ako sa isang five-star hotel sa Makati. Isa ako sa mga kinatawan ng company namin na inimbitahang dumalo sa private gathering ng mga investors at business executives
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-20 อ่านเพิ่มเติม