Celine’s POVHindi na ako nagtagal sa opisina matapos marinig ang boses ni Vanessa sa loob. Halos wala akong naintindihan sa natirang bulungan nila sa dulo—tanging ang bigat ng linyang "Ikaw ang ama, Rafael" ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa dibdib ko habang binabagtas ko ang pasilyo patungo sa executive elevator para umuwi.Sapat na ang nakita at narinig ko ngayong araw. Ang malamig na babala ni Doña Carmen tungkol sa Velasco Project, ang biglaang paglitaw ng pangalan ni Lucas, at ngayon ito. Hindi ko kailangang makisawsaw sa drama ng iba—lalo na sa gulo ng lalaking matagal nang nakasarado ang kabanata sa buhay ko.Ding.Pagpasok ko sa loob ng makintab at salaming elevator, pinindot ko agad ang button para sa ground floor. Huminga ako nang malalim, isinandal ang likod sa gilid, at pinilit pakalmahin ang mabilis na tibok ng dibdib ko. Habang bumababa ang numero sa screen, humahabol ang pagod sa buong katawan ko.Pero bago pa tuluyang maglapat ang dalawang bahagi ng makintab na gint
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-25 อ่านเพิ่มเติม