Huminga nang malalim si Devon bago dahan-dahang inilabas ang hangin. Bahagya lamang ang paggalaw niya, sapat para hindi mahalata ni Kai ang kaba niya sa mga sandaling iyon.“Galing ako sa hotel, Kai,” sagot niya sabay ngiti nang bahagya.Nanatiling malamig at matalim ang tingin ni Kaizer. “So, sa hotel ka pala nagpalipas ng gabi? Pagkatapos mong makipag-sex sa lalaking inihanda ko, may iba ka na namang sinamahan?”Nanlaki ang mga mata ni Devon sa gulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Kai. Hindi ko gagawin ’yon.”“Kung gano’n, bakit hindi ka umuwi kagabi? Hinihintay na sana kita—” Napahinto si Kaizer. Lalong tumigas ang panga niya.“Hinintay kita sa bahay. Nag-aalala ako na baka may makakita sa’yo kaninang umaga! Kapag nabuking ka, damay rin ako!”Dahil sa mapanuyang tono nito, napayuko si Devon. Mabigat siyang napalunok habang pilit na kinokontrol ang paghinga.“Hindi, Kai. Hindi talaga. Ako… ako lang ang nakasama ng lalaking inihanda mo,” mahina niyang sagot, halos pabulong.Marahan
Zuletzt aktualisiert : 2026-11-26 Mehr lesen