“Dito ka na umupo, Mommy,” magalang na sabi ni Kaizer habang hinihila ang upuan para sa kanyang ina.Tatlong upuan ang bakante sa hapag-kainan nang gabing iyon. Ang mga upuan nina Rafael, Silas, at Devon.Napansin iyon ni Susan kaya hindi niya napigilang magtanong.“Nasaan ang mga may-ari ng mga upuang iyan?” Salit-salitan niyang tiningnan sina Ivy, Farrah, at Kaizer.“May trabaho po si Silas ngayong gabi, Mommy. Biglaan daw po siyang umalis papunta sa ibang probinsya,” paliwanag ni Farrah sa kanyang biyenan.Sumunod na lumipat ang tingin ni Susan kay Ivy.“Overtime po si Rafael ngayong gabi,” sagot nito.At ang huli ay si Kaizer.“Si Devon din po, Mommy. Kasama niya si Kuya Rafael. May bago raw silang client na dumating galing abroad kaninang hapon. Kaya pinag-uusapan nila ang trabaho habang naghahapunan sa labas.”Hindi na nagtanong pa si Susan. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain, na sinundan naman ng iba pang miyembro ng pamilya. Walang sinumang nangahas na maunang kumilos ha
Zuletzt aktualisiert : 2026-11-26 Mehr lesen