This story is about a woman named Maria, who is trapped and tortured inside of her own Manor. Every night they heard her screaming in agony from the intolerable pain they didn't know. They believed that Maria was tortured, raped and eventually murdered by someone but that was only their beliefs because they didn't know what really happened.Until a man name Thaddeus Ambrosio arrived at the Belle Veu Manor, he was forced by his father to check the Manor because he is the one who inherited the Mansion given by his grandmother, he has nothing to do with it. But his father was so persistent that's why he give it a try.But when he is in Belle Veu Manor his simple and peaceful life was changed when he saw a diary, the diary was owned by a woman named Maria.Will he unravel the truth of Maria's painful past and sufferings ? Will he able to help her to change the past? Or will he move on and mind his own business.But what if he will fall in love to that woman named Maria? Can love wins against the devil who cause Maria's sufferings?
View MoreYear 1946
Isa sa pinakamayaman na pamilya ang mga Ibañez sa Legazpi Albay. May malaking Rice Mill ang mag asawang Senyora Erlinda at Senyor Luis Ibañez na siyang pangkabuhayan nila. At bukod pa sa Rice Mill ay may malaki rin silang palaisdaan sa seaport ng Legazpi. Ang pamilya nila ang nag eexport ng mga isda sa iba't ibang kalapit lungsod sa Albay at Bicol.
Sila lang din ang may pinakamalaki, pinakamalawak at pinakamagandang tahanan sa lugar nila.
Bitbit ni Erlinda ang isang malaking bouquet ng mga pulang rosas pagkalabas niya sa kanyang silid. Dahan dahan siyang bumaba sa enggrandeng hagdanan, may nakalatag na pulang carpet sa gitna ng bawat baitang ng hagdan simula sa taas hanggang sa baba.
Pag-kababa ay nagtungo siya agad sa kusina, busy ang mga katiwala niya sa bahay sa paghahanda ng pagkain at pag aayos ng hapag-kainan.
"Melinda, pakiayos nga nitong mga rosas, pakilagay sa vase." Utos ni Erlinda sa isa sa mga katulong niya sa Mansyon. Ang bulaklak na iyon ay galing sa butihin niyang asawa, iniwan sa silid nila bago ito umalis papunta sa trabaho. Ngayong araw na ito ay pang pitong taong anibersaryo ng kanilang kasal.
"Opo, Senyora." Sagot ni Melinda, pansamantala itong tumigil sa ginagawa saka kinuha ang malaking bouquet na rosas sa bisig ng amo.
"Si Maria?" Tanong ni Erlinda rito, magtatanghalian na pero hindi niya pa nakikita ang anak.
"Naku senyora nasa harden na naman naglalaro." Sagot ni Melinda, napabuntong hininga si Erlinda, iniisip niya na madumi na naman ang bestida ng anak dahil sa kakalaro. Kung bakit ba kasi laging naglalaro sa harden ang anak, inaabot ng tanghali roon at gabi.
"Puntahan ko po ba Senyora?" Muling turan ni Melinda.
"Huwag na,Melinda ako na ang pupunta." Sabi nito, tumango lamang si Melinda at tiningnan ang among papalabas na ng kusina, napapailing siya dahil sa edad na kuwarenta anyos ay iisa pa lang ang anak ng maganda niyang amo, at walang iba iyon kundi si Maria, ang nag iisang anak na babae ni Senyora Erlinda, katulad ng Senyora ay maganda rin ang anim na taon gulang na bata. Ipinagpatuloy na niya ang pinag uutos ng Senyora.
Samantala si Maria naman ay busy sa kakalaro sa harden, kaharap niya ang malaki at magandang puno na nakatayo sa gilid ng Gazebo. Sa sobrang kapal ng mga dahon nito ay halos natabunan na ang kalangitan at siguradong hindi ka mauulanan o maiinitan kapag sumilong ka roon.
"Ano ba kasing pinapakalkal mo sa akin dito sa may ugat ng bahay mo." Mahinang sabi ni Maria habang panay ang kalkal sa lupa, may hawak siyang maliit na stick na siyang ginagamit niya pangbungkal ng lupa.
"Hmmm, oo nga ikaw nga ang kaibigan ko diba?" Muling turan ni Maria sa mahinang boses. Nagkalkal na siya sa lupa gamit na ang kamay, mas lalo niyang binilisan dahil napaka apurado ng taong nag uutos sa kanya.
"Bakit naman kasi rito mo pa inilagay, ano ba kasi iyon?" Reklamo ng batang si Maria hanggang sa may nakita na siyang kumikinang sa ilalim ng lupa kaya mas lalo niyang binilisan.
"Oh ayan na!" Bulalas ni Maria sa masayang boses, sabay kuha sa isang napakagandang kuwentas, nilinis niya pa ito gamit ang suot niyang bestida para mawala ang putik na nakadikit.
Isa itong gintong kuwentas na napapalibutan ng maliliit na diyamante ang gold chain nito. Ang pendant naman ay isang malaking bato na kulay pula. Bilog ang hugis ng kulay pulang bato at sa gilid naman ay napapalibutan ng maliliit na diyamante.
Nakanganga pa rin ang bibig ni Maria habang tinitingnan ang kuwentas, lagi kasi niyang pinaglalaruan ang mga mamahaling alahas ng ina kaya alam niya na mamahalin ito, hindi niya lang alam kung anong klaseng bato ang kulay pula na pendant, ang alam niya lang kasi ay diyamante at perlas dahil maraming ganoon ang mama niya.
"Napakaganda naman nito! Saiyo ba ito?" Bulalas ni Maria sa nanlalaking mga mata. Mas lalo siyang napasinghap ng tumango ang kaibigan niya.
"Saiyo nga? Ano? Gusto mong ibigay sa akin?" Muling saad ni Maria, kumikinang pa ang mga mata niya dahil sa tuwa, ni minsan wala pa siyang mga alahas, ayaw kasi siyang bilhan ng mama niya kasi masyado pa raw siyang bata para magkaroon ng mga alahas.
"Ang ganda! Salamat, iingatan ko talaga ito." Masayang turan ni Maria, idinikit pa nito ang kuwentas sa dibdib na animo'y niyayakap.
Malayo pa lang si Erlinda ay natatanaw na niya ang anak na parang may kinakausap, masayang masaya pa itong tumitingala sa malaking puno habang sinasapo ang dibdib at may kung anong bagay ang hawak nito.
"Maria!" Malakas niyang tawag sa anak at nagpatuloy sa paglapit dito. Para naman itong nataranta dahil sa malakas na boses niya, nahagip niya pa sa pandinig ang mahinang sinabi nito.
"Umalis ka na baka makita ka ni Mama." Bulong nito kaya napakunot ang noo ni Erlinda, hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ng anak kaua binalewala niya nalang ito.
"Mama!" Agad na tumayo si Maria sa kinauupuang malaking ugat ng puno saka hinarap ang ina na ngayon ay nakapamaywang na.
"Marumi na naman iyang bestida mo, tanghali pa lang marumi na Maria! Naku batang ka! Hali ka na nga sa loob." Litanya nito sa anak sabay abot ng kamay rito, masaya namang tinanggap ni Maria ang kamay ng ina.
"Mama, tingnan mo? Ang ganda diba?" Sabi ni Maria sa ina, itinaas pa nito ang hawak na kuwentas, naningkit ang mga mata ni Erlinda na sinipat ang hawak nitong kuwentas.
"Saan mo ito kinuha?" Tanong nito kay Maria.
"Ibinigay po ng kaibigan ko kanina." Nakangiti nitong sagot.
"Tigil-tigilan mo nga ako Maria, baka isa ito sa mga alahas ko. Akin na nga iyan." Galit na sabi ni Erlinda sa anak saka kinuha ang kuwentas, matagal niyang tinitigan ito sa palad, alam niyang wala siyang ganitong klaseng alahas, kakaiba kasi ang kuwentas na ito.
Ang malaking bilog na pendant nito ay isang ruby na napapalibutan ng diyamante. Wala siyang interes sa kuwentas pero interesado siya kung saan ito nakuha ng anak, bukod sa kakaiba ang nararamdaman niya sa kuwentas na iyon may kung anong kilabot siyang nararamdaman.
"Hali ka na, pumasok na tayo sa loob at ng makapagbihis ka na rin." Mahinang sabi ji Erlinda sa anak at mabilis na hinila ang anak papasok sa loob pero lumingon pa talaga si Maria sa malaking puno saka kumaway roon.
Ganoon nalang ang kilabot na naramdaman ni Erlinda ng makita niya kung sino ang kinakawayan ng anak. Nanlaki ang mga mata niya at halos matulos siya sa kinatatayuan niya.
Hindi na siya nakapagsalita pa at dali dali ng hinila ang anak papasok sa loob ng bahay. Magmula noon ipinagbawal na niyang pumunta ng harden ang anak.
"Sinabi ko naman saiyo na huwag ka ng pupunta sa harden diba?!" Galit na singhal ni Erlinda kay Maria, ilang araw na ang nakakalipas ay ngayon lang ulit bumalik ang anak sa harden.
"Patawad po Mama, hindi na po mauulit." Umiiyak na sabi ni Maria.
"Senyora, huwag niyo na pong pagalitan si Maria, kasalanan ko po hindi ko po siya nabantayan ng maayos." Sabi ni Terry, ang isa sa mga nag-aalaga kay Maria.
Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ng Senyora na papuntahin ang alaga sa harden, hindi na siya nag usisa pa at sumunod nalang siya sa pinag uutos nito.
"Sa susunod, bantayan mo ng mabuti iyang si Maria,Terry! Ka bilin bilinan ko sa inyo na bawal na siyang magtungo sa harden diba? Nakikinig ba kayo?!" Singhal ni Erlinda sa lahat ng mga katiwala na nandoon sa sala, ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita nilang galit na galit ang Senyora na para bang may kinakatakutan ito sa harden o ano.
"Magtigil ka! At ilang beses ko bang sinasabi saiyo na huwag mong kukunin ang kuwentas na ito sa kuwarto ko?!" Singhal ni Erlinda kay Maria saka kinuha ang suot na kuwentas.
"Hindi ko po kinuha iyan Mama, ibinalik lang po sa akin. Sa akin naman po talaga iyan eh." Ungot ni Maria sa ina. Natutop naman ni Erlinda ang sariling bibig.
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng anak. Hindi talaga maganda ang nararamdaman niya sa kuwentas, itinago na niya ito sa pinakasulok ng aparador niya pero bakit napunta pa rin kay Maria?
"Terry, dalhin mo na si Maria sa silid niya." Nanghihinang utos nito sa katiwala. Agad naman itong sumunod at iginiya na si Maria paakyat sa taas.
"Naku batang ka! Bakit mo ba sinasagot ang mama mo ng ganoon? Mainit ang ulo ng mama mo kasi ilang araw na hindi umuuwi ang papa mo." Saad ni Terry kay Maria ng makarating sila sa silid nito, hinahanapan na niya ito ng bagong masusuot na bestida sa lagayan ng mga damit nito.
"Bakit po? Nasaan po ba si papa?" Inosenteng tanong ni Maria kay Terry.
"Aba hindi ko alam, huwag mo nalang isipin iyon basta huwag mo nalang bigyan pa ng stress ang mama mo."
Sagot nito kay Maria, narinig niya kasi kanina na usap usapan sa mga katiwala rito sa Mansion na nasa kanyang kabit daw si Senyor Luis kaya ilang araw ng hindi umuuwi kaya siguro mainit ang ulo ng Senyora kasi may hinala na.
"Oh maligo ka na para makapagbihis ka." Muling saad ni Terry saka nilingon si Maria, hindi niya namalayan na nagtungo na ito sa terrace at nakadungaw sa harden.
May terrace kasi ang silid nito, kaharap ang harden. Nandoon nakatayo si Maria habang kumakaway at impit na tumatawa. Wala sa loob na nilapitan niya ito habang nakakunot ang noo niya.
"Senyorita Maria, sinong kinakawayan mo?" Tanong niya rito ng makalapit siya.
"Ang kaibigan ko po, ayon siya oh!" Sabi ni Maria sabay turo sa malaking puno na nasa gilid ng Gazebo. Oo nga't nag aagaw na ang liwanag at dilim pero wala talaga siyang nakikitang tao roon, nagsitayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan.
" 'ku batang ka! Kung ano anong nakikita mo, hali ka na sa loob." Saway ni Terry sa alaga.
"Meron nga po akong kaibigan,ate Terry, ayon oh! Nagagalit nga siya kasi kinuha ni mama ang kuwentas, sa akin nga iyon. Ibinigay niya sa akin." Ungot ni Maria kay Terry na ngayon ay nakakaramdam na ng lamig sa buong paligid.
"Pumasok na tayo sa loob, bilis na." Seryoso niyang sabi kay Maria, atubili itong pumasok pero sumunod na rin. Isinarado ni Terry ang wooden sliding door na nakapagitan sa terrace at silid ni Maria.
Hindi niya alam pero biglang lumamig ang buong silid, wala na namang hangin ang nakakapasok dahil sarado na ang terrace, hindi na makakapasok ang hangin. Nakaramdam siya ng takot pero isinantabi niya nalang iyon at tinulungan ng maligo si Maria.
Kinabukasan pagkababa ni Maria galing sa taas napansin na niya ang malaking mga maleta na nasa bukana ng main door nila. Nasa harapan kasi ng enggrandeng hagdanan nila ang main door ng bahay.
"Kanino po itong mga maleta, ate Melinda?" Wala sa loob na tanong ni Maria sa katiwala nila sa bahay.
"Sa mama mo po Senyorita." Magalang na sagot nito sa kanya, mas matanda si Melinda kaysa kay Terry.
"Bakit po?" Maang niyang tanong, sasagot na sana si Melinda pero narinig niya ang boses ng Senyora kabababa lang nito sa hagdanan.
"Nandiyan na ba lahat ng mga maleta ko?"
"Opo, Senyora." Sagot ni Melinda.
"Mama, saan ka po pupunta? Hindi mo ba ako isasama?" Naiiyak na sabi ni Maria.
"Saglit lang ako anak, susundan ko lang ang papa mo sa Amerika pero babalik din ako agad." Paliwanag nito sa anak.
"Pero bakit ayaw mo akong isama?" Nangingilid na ang mga luha nito sa mga mata.
"Importante ang sadya ko roon, anak. Magpakabait ka rito, huwag kang mag alala nandito ang mga katiwala saka papupuntahin ko ang tiyahin mo rito."
"Pero mama gusto kong sumama, huwag mo po akong iiwan." Umiiyak na si Maria, gustuhin man niya itong isama pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang makita nito na may iba ng pamilya sa Amerika ang ama niya. Kaya tutungo siya roon para ayusin ang lahat sa kanila ni Luis kung may maayos pa ba.
"Basta tandaan mo ang habilin ko saiyo ha? Huwag na huwag ka ng pumunta sa harden, maliwanag?" Paninigurado ni Erlinda sa anak, tumango naman si Maria.
Hanggang sa tuluyan ng umalis ang Mama niya, hindi niya alam kung kailan ito babalik pero lumipas nalang ang ilang taon ay hindi na ito nakabalik pa.
Naiwang mag-isa at malungkot si Maria, tanging sa harden lang siya naglalagi para mapawi ang lungkot na nararamdaman.
***
Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments