RSolace95
Akala ni Samantha, sapat na ang pagmamahal para iligtas ang isang kasal pero nagkamali siya.
Bilang asawa ni Terrance, isang lalaking cold at makapangyarihang CEO ng Reyes Holdings, tiniis ni Samantha ang isang relasyong hindi mo masasabing gugustuhin mong magkaroon, hanggang sa dumating ang sukdulang pagtataksil. Hindi lang mula sa asawa niya, kundi mula sa sarili niyang kapatid na si Althea.
Durog man at sobrang wasak ang puso, iniwan ni Samantha ang lahat, ang apelyido, ang yaman, at ang lalaking minsan niyang minahal. Umalis siya dala ang tanging kayamanan niya, ang lihim na hindi kailanman nalaman ni Terrance.
Limang taon ang lumipas, bumalik si Samantha sa Pilipinas bilang isang respetadong doktor, tahimik na namumuhay kasama ang anak niyang si Sevi—ang anak na hindi alam ni Terrance na sa kaniya pala.
Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Ayaw na niyang humingi ng kahit ano. Laluna sa lalaking minsang sumira sa kaniya.
Pero hindi marunong makisama ang tadhana.
Sa muling pagtatagpo nila dahil sa may sakit na lola ni Terrance, unti-unting bumabalik ang mga alaala, at mga katotohanang matagal nang nakabaon.
Ngayon, habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim, mapipilitan si Terrance na harapin ang mga desisyong minsan niyang tinakasan.
Samantala, kailangang pumili si Samantha, kung gaano kalayo ang kaya niyang gawin para protektahan ang buhay na binuo niya… at ang anak na ipinangako niyang hindi mawawala sa kaniya.
Sa mundong puno ng kapangyarihan, pagtataksil, at pagmamahal na hindi tuluyang nawala, may mga tanong na hindi na kayang takasan.