Mooncaster
Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO.
Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin.
Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap?
O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?