Ely
Hindi pinili, hindi paborito at itinakwil
Mula sa mayamang pamilya, 4 na magkakapatid na puros babae.
Panganay si Renzy sa magkakapatid, hindi gaanong matalino, pero maabilidad, mabait, malapit sa mga mahihirap, masakripisyo at mataas ang EQ
Unang pagkakamali, umibig sa isang lalaking mas matanda sa kanya ng 10 taon, isang lalaking accountant, pero dahil sa talino nito, minamanipula niya ang lahat sa buhay ni Renzy.
Mula sa kanyang pagkatao, paraan ng pananamit. Pagpili ng mga kaibigan.
Unti unti na niyang tinatalikuran ang lahat. Ang sabi niya silang dalawa lang ay sapat na para mabuhay
Pinipilit niyang makuha na agad ang mana ni Renzy. Tuso siya.
Pero hindi pumayag si Don Ezekiel. Alam niya ang masamang pakay ng nobyo ni Renzy.
Gusto niyang balang araw siya na ang magmamayari ng Sandoval Group of Companies
Noong tinanggal siya bilang tagapagmana. Nagising si Renzy at nakita na niya ng malinaw kung sino ba talaga si Arzon Mercado. Isang oportunista at lintang gustong sipsipin lahat ng makukuha niya.
Hanggang sa dumating ang napakalaking iskandalo
Habang hinaharap ang mga hamon sa buhay.
May makikilala siyang lalaki mula sa kanyang nakaraaan.
Ang dati niyang kaklase. Si Martin Rivas
Matalino at mula sa mayamang pamilya.
Itinuring na kaibigan, pero dahil hindi pa siya handang makipagnobyo noon.
Tinanggihan niya ang pag-ibig nito.
At nang bumalik si Martin.
Ang laki ng pagbabago niya.
Hindi na siya mabait sa lahat.
At parang napakapait din ng buhay.
Hanggang nagtapo silang dalawa. At kahit pinaglalabanan ang mga damdamin sa isat-isa.
Nanaig pa rin ang pagibig.
Hanggang naging tanggulan ang isa't isa.
Sapat na ang isat-isa.
Para makabuo ng isang pamilya na walang paborito at hindi kailanman paalisin.
44