YORMI
Akala ni Calyxandra Alonte, nasa tamang direksyon na ang buhay niya—may maayos siyang career bilang doktor, fiancé na pinagkakatiwalaan, at pangarap na bubuuin nila nang magkasama. Pero nagbago ang lahat nang matuklasan niyang palihim na sinusuportahan ni Dr. Lucas Fontanilla ang isa pa nitong pamilya gamit ang perang inipon nila para sa bahay na pinapangarap nilang dalawa.
Nang komprontahin niya si Lucas, siya pa ang binaliktad nito. Sa isang iglap, nasuspinde si Calyxandra sa ospital, napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, at nawalan ng trabaho, tirahan, at ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili.
Akala niya, tuluyan nang matatapos ang career niya bilang doktor. Pero dumating si Leander Legaspi, ang istrikto at makapangyarihang CEO ng isang bagong pribadong pasilidad medikal, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong magsimula ulit. Sa tulong nito, determinado si Calyxandra na linisin ang pangalan niya at patunayang hindi kayang sirain ni Lucas ang lahat ng pinaghirapan niya.
Pero mahahanap kaya niya ang katotohanan bago tuluyang masira ang reputasyon niya? At ngayong unti-unti nang nagiging espesyal sa kanya ang lalaking nagbigay ng pangalawang pagkakataon, kaya pa ba niyang magtiwala at magmahal muli? O mananatili siyang bilanggo ng pagtataksil na minsan nang sumira sa buhay niya?
104