Danica
Ako si Amara Santos, 22 years old, taga Lipa. Pandak. Maitim ng konti. Tabingi ang pigtails nung bata. At pang 51 sa listahan ng mga inaanak ni Ninong Boy.
Dun ko nakilala si Caleb De Guzman. 18 sya nun, ako 10. Pamangkin ni Ninong Boy, Architecture student sa UST, may white na Hilux na sobrang linis, amoy fabcon at lapis. Habang lahat ng bata inagawan sya, ako nasa gilid lang. Nahihiya.
Pero lumuhod sya para magpantay kami, hinila pigtails ko at binigyan ng isang Choc-nut na mainit pa galing sa bulsa nya. Sabi nya, "Sa pang 51, special."
Mula nun, sya na yung Ninong na hindi ko kadugo pero hinintay ko every year. Every Pasko may Choc-nut ako. Nung 16 ako sabi ko gusto ko ng pink na bahay. Sabi nya pangit daw pink, white daw pang BGC.
Fast forward, 22 na ako, licensed teacher na pero walang pera sa Lipa. Sabi ni Ninong Boy, "Dun ka sa BGC kay Caleb! Malaki na firm nya dun!"
Kaya sumakay ako ng bus papuntang Manila, dala yung pink na maleta na sira gulong at pink na Tupperware na bigay ni Caleb nung umalis ako. Akala ko sasalubungin nya ako.
Hindi pala.
Pagdating ko sa BGC, iba na sya. Si Caleb De Guzman, architect ng mga glass building, naka black na kape, naka blazer, kasama si Reese — yung boss nyang maputi, matangkad, mabango, naka size 7 na heels. Ako? Size 6 lang na peke galing sa bangketa, natanggal pa takong sa gitna ng High Street. Nakayapak ako, hawak yung cactus na regalo ko sa kanya na binalot sa dyaryo, habang tumutulo aircon sa opisina nila sa mukha ko.
57