castrojasmin4
NANGAKO ANG ESTUDYANTE, TUTUPARIN NG BINATA. SINGLE PA KAYA SI MA'AM PAGBALIK NG JAPAN?
Si Ma'am Cara Del Valle, isang good girl at dedicated na guro, kilala sa pagiging strikto pagdating sa bawal na pag-ibig sa loob ng eskwela.
Sa huling araw niya bago magpunta ng Japan, isang estudyante ang naglakas-loob na umamin — si Noah, ang binatang matagal na siyang may lihim na pagtingin.
Tinanggihan siya ni Cara. "Estudyante pa rin kita."
Pero bago siya umalis, nangako si Noah: "Kapag bumalik ka at single ka pa, liligawan kita."
Akala ni Cara, isang biro lang yun. Hanggang sa bumalik siya makalipas ang sampung taon — hindi na bilang guro ni Noah, kundi bilang babaeng muling mahuhulog sa dati niyang estudyante.
Isang forbidden love na puno ng comedy, selos, at sweet love. Pero sa likod ng kilig, may sugat ng nakaraan na kailangang patawarin.
Kaya ba nilang ipaglaban ang bawal na pag-ibig, o hanggang pangako lang ang lahat? Paano kung ang guro na dating tumatanggi, siya na ngayong magiging asawa?
43