I'mUrHappyEnding
“One night. A big mistake. An event that turned her perfect life into a nightmare.”
Dapat ay pakakasalan na ni Hayley Garcia ang kanyang fiance subalit bago paman iyon mangyari, nalaman nito na naibigay niya ang kanyang iniingatang puri sa ibang lalaki ng hindi sinasadya. Agad nitong inurong ang kanilang kasal at hiniwalayan pa siya.
Akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya subalit gumuho ang kanyang mundo nang nalaman niyang dinadala niya ang anak nila ng lalaking hindi niya kilala.
At ang mas nakakalula pa, bigla nalang kumatok sa kanyang pinto ang lalaking naka-one night stand niya na nagpakilalang si Xylus Konstantin Racini at sinasabing pananagutan nito ang ipinagbubuntis niya!
May mamumuo kayang pag-ibig sa pagitan nila gayong minsan ay ibang lalaki ang minahal niya? At ano ang gagawin ni Hayley kapag tuluyan niyang natuklasan ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa?
269