Yram gaiL
Isa lang naman ang hinihiling ni Harlyz sa asawa niya.
Ang piliin siya nito.
Pero isang araw, pag-uwi niya, nadatnan niyang may kahalikang ibang babae si Raven sa sarili nilang sofa.
Ang mas masakit?
Inakala pa ng babae na katulong si Harlyz.
At si Raven?
Wala man lang sinabi.
Doon tuluyang napagod si Harlyz.
Iniwan niya ang singsing nila at tuluyang nawala sa buhay ng asawa.
Pero may isang bagay na hindi nila parehong alam noon.
Buntis si Harlyz.
Pagkalipas ng anim na taon, hindi na siya ang dating asawang nagmamakaawang mahalin ni Raven.
May sarili na siyang café.
May sarili na siyang buhay.
At higit sa lahat, mayroon siyang magandang anak na babae.
Si Jezza.
Ang anak na hindi alam ni Raven na nabubuhay.
Plano ni Harlyz na ilihim iyon habambuhay.
Pero nagbago ang lahat nang minsang umiyak si Jezza at nangakong hindi na niya hahanapin ang kanyang ama.
Hindi iyon kinaya ni Harlyz.
Kaya matapos ang anim na taon, nakapagdesisyon na siya.
Babalik siya.
Sa pamilyang iniwan niya.
Sa asawang dumurog sa puso niya.
At sa lalaking, sa kabila ng lahat, hindi niya kailanman natutunang tigilang mahalin.
Pero sa pagbabalik ni Harlyz, isang katotohanan ang malapit nang gumulo sa mundo ni Raven.
Hindi umalis nang mag-isa ang asawa niya anim na taon na ang nakalipas.
Umalis itong dala ang anak nila.
At sa pagkakataong ito...
Hindi na si Harlyz ang magmamakaawang huwag siyang iwan.
801