Boss Chef
Engaged to My Worst Enemy
Si Isabella Reyes ay may boyfriend na mahal niya at pangarap na magandang kinabukasan. Pero nagbago ang lahat nang malaman niyang ipinagkasundo siya ng mga magulang niya sa lalaking pinakakinaiinisan niya—si Adrian Montenegro, ang mayabang niyang karibal mula pagkabata.
Dahil matagal nang magkaibigan at magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga pamilya, kailangan nilang manatiling engaged habang nag-aaral sa college at magpakasal pagkatapos ng graduation. Ang problema? May kanya-kanya silang karelasyon at pareho nilang ayaw sa kasunduang ito.
Kaya nagplano silang itago ang engagement at humanap ng paraan para makatakas. Ngunit sa likod ng masasayang asaran, selosan, at mga sandaling magkasama sila, unti-unting nagbabago ang kanilang nararamdaman.
Paano kung ang lalaking ayaw niyang pakasalan ang siya palang lalaking hindi na niya kayang mawala?
227