They meet in a quiet moments at dawn, a love so deep yet so painfully wrong. But the vows they took, the rings they wear are chains of promise they both must bear. Yet in the silence, their hearts still scream for the life together that can only be a dream. This is the story of Chris and Shey, their love that is left behind.
View MorePagod na pagod na si Chris Marcelo matapos ang buong araw ng sunod-sunod na meetings at endless paperwork. Bilang Department Head ng Criminology, pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang pagpirma sa mga dokumento, pag-check ng reports, at pagsagot sa emails ng mga estudyanteng laging may “urgent” sa subject line. Minsan nga, napapaisip siya kung kailan pa huling naging simple ang trabaho niya.
Humilig siya sa swivel chair niya, tumingala sandali at huminga nang malalim. Gusto niyang i-clear ang isip kahit kaunti. Kaya kinuha niya ang cellphone sa gilid ng mesa at nag-scroll sa social media—isang maliit na pahinga mula sa nakakapagod na araw. Five minutes lang, hindi naman siguro krimen, right? napangiti siya sa sarili.
Habang nagba-browse, may isang recommended chatroom ang lumitaw: “Teachers & Aspiring Educators (PH)”. Napakunot-brow siya sandali bago ngumiti. Interesting. Baka makahanap ako ng potential applicants dito or at least marinig kung ano pinag-uusapan ng mga bagong teachers ngayon.
Isang click lang at member na siya. Agad niyang nakita ang iba’t ibang uri ng tao sa loob—may veterans na matagal na sa teaching, fresh grads na sabik makahanap ng trabaho, at iba na parang curious lang. Pero sa dami ng usernames, may isang agad na nakatawag ng pansin niya: Shey28.
Hindi niya alam kung bakit pero tumigil ang mata niya roon. Simple lang ang username, pero may dating. Para bang may light vibe na kaagad siyang na-curious. Binasa niya ang ilang posts nito at doon niya nalaman na nursing graduate pala si Shey na hindi pa nakakapag-board exam pero may Professional Education units at pasado na.
Napataas ang kilay ni Chris. Pwede magturo. Interesting… May hinahanap nga silang part-time instructor para sa minor subjects sa Criminology department, at tila fit ang qualifications ni Shey. At higit pa roon, ramdam niya sa tono ng posts nito ang eagerness na makapagsimula at makakuha ng experience.
Habang binabalikan niya ang profile picture nito—hindi man malinaw, pero may kita siyang simpleng ngiti—parang may kakaibang gaan siyang naramdaman. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero parang nabawasan bigla ang bigat ng araw niya.
Nalaman niya mula sa palitan nila ng mensahe na handa si Shey tanggapin ang trabaho kahit maliit lang ang pasahod. Para dito, mas mahalaga ang experience kaysa sa pera. At doon siya napangiti, hindi lang dahil nahanap niya ang taong hinahanap ng department, kundi dahil sa impression na iniwan nito sa kanya: isang simpleng tao na handang magsimula kahit saan, basta may pag-asa at direksyon.
Tinapos niya ang gabi na may kakaibang ginhawa sa dibdib. Simple lang ang nangyari, pero parang may na-activate na bagong energy sa kanya. Hindi niya alam kung dahil ba pagod lang siya at madaling aliwin, o may kakaiba lang talaga kay Shey. Pero isang bagay ang sigurado—may nabago sa mood niya, at iyon ay dahil sa simpleng connection na iyon.
Three Days Later – The Interview
Hindi alam ni Shey kung bakit parang mas kabado pa siya ngayon kaysa noong nag-apply siya sa first hospital niya dati. Grabe naman to, Shey. Part-time teaching lang, feeling mo board exam ulit!
Nasa waiting area siya, mahigpit ang hawak sa folder niya na parang security blanket. Kung may makakita sa kanya, iisipin nilang baka anytime e lalamunin siya ng upuan.
Kalma lang, Shey. Kaya mo ‘to. Respira. Inhale… exhale… Napahinto siya. Ano nga ulit ibig sabihin ng respira? Tama ba spelling ko? Diyos ko, bakit ba nag-iisip ako ng Spanish sa ganitong oras?!
Cold ang aircon pero parang summer sa loob ng katawan niya—pawis everywhere. Note to self: next time magdala ng tissue. Yung hindi crumpled ha, yung hindi mukhang siniksik sa bulsa for one week.
Paulit-ulit niya ring nire-rehearse sa isip ang mga sagot niya: “My teaching philosophy is blah blah blah, my strength is blah blah blah.” Pero sa bawat round ng practice, parang nawawala yung confidence niya. Anong sasabihin ko pag tinanong kung confident ba ako magturo ng criminology students? Sabihin ko na lang kaya na mahilig ako manood ng CSI?
Biglang bumukas ang pinto.
At pumasok ang isang lalaki—maong pants, maroon polo shirt, tapos yung lakad na parang siya ang may-ari ng mundo. Hindi siya mukhang intimidating na school official—mas parang galing lang sa Starbucks at nag-decide lang na, “Hmm, sige nga, interview tayo ng tao ngayon.”
Please, please tell me hindi siya yung mag-iinterview sa akin.
Pero siyempre, siya nga.
Si Chris Marcelo mismo ang nakaupo sa tapat ni Shey, nakasandal sandali sa upuan bago umusog nang kaunti paharap. Pinag-interlace niya ang mga daliri, ipinatong ang baba roon, at tinitigan si Shey na para bang isa siyang interesting experiment na gusto niyang i-analyze. May bahagyang ngiti sa sulok ng labi nito—isang smirk na parang nagsasabing, “I know something you don’t.”
“So… ikaw pala si Shey,” sabi niya, mababa at kalmadong boses na parang may kasama pang kurot ng humor.
Natawa si Shey nang awkward, hindi alam kung dapat ba siyang tumingin diretso o umiwas ng tingin. Ano ba ‘to, parang movie scene kung saan may mysterious guy na alam lahat ng secrets mo, bulong niya sa sarili, pinipilit na magmukhang composed kahit ramdam na ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso.
“Relax,” dagdag ni Chris, bahagyang umayos ng upo. “I don’t bite. Most of the time.”
Napahinto si Shey at napataas ang kilay. Most of the time? Ano ‘to, Twilight? May chance na vampire ka? Napangiti siya nang hindi sinasadya kahit pilit niyang pinipigilan ang kaba.
Binuklat ni Chris ang hawak na credentials niya at tumango nang bahagya. “Nursing graduate ka, with professional education units, licensed teacher na rin?”
“Yes…” sagot ni Shey, bahagyang nag-aalangan. “Pero hindi ko pa natake ang nursing board exam. Soon, hopefully.”
Tumango si Chris, may bakas ng paghanga sa tono ng boses. “Rare combo ‘yan, ha. Health background tapos teaching eligibility. Alam mo ba kung gaano ka-valuable nun?”
Valuable? Sana valuable din yung confidence ko kasi nawawala na siya! isip ni Shey habang napalunok at pilit pinapakalma ang sarili.
“Why the shift?” tanong ni Chris, bahagyang nakatagilid ang ulo na parang nagbabantay sa bawat galaw ng mukha niya. “From nursing to teaching?”
Shey, wag kang magkamali ng sagot. Wag mong sabihin na gusto mo ng summer vacation at walang night duty, panloob niyang bulong.
“I love nursing… pero I realized na I also enjoy teaching—sharing knowledge. I want to help people in a different way,” sagot niya sa wakas, pilit ipinapakita ang sincerity kahit naglalaban ang kaba at hiya sa dibdib niya.
Ngumiti si Chris, isang ngiting parang nagsasabing “Good, you passed that one.” “Good answer. Pero… sa tingin mo kaya mong mag-handle ng criminology students?”
Shey napahinto at bahagyang napatitig sa kanya. “…I think so?”
Natawa si Chris, isang malalim at natural na tawa na parang bumabalot sa buong opisina. “That’s the most unconvincing ‘I think so’ I’ve ever heard.”
Namula si Shey, pakiramdam niya ay parang sinasabi ng mukha niya ang “No, help, save me.” Pinilit niyang ngumiti. “I mean… I’ll try my best.”
Tumango si Chris, seryoso pero may lambing sa tono. “That’s all I need to hear. Effort. Kaya mo ‘yan.”
Habang nagpapatuloy ang interview, nasa panic mode ang utak ni Shey. Okay, Shey, huwag kang tumitig sa kanya masyado, baka isipin niya crush mo siya. Wait… bakit mo iniisip ‘yon? Focus, girl, focus. Hindi ito romcom.
Pero paano mo nga ba hindi mapapansin yung smirk niya? Parang lahat ng sinasabi niya may kasamang silent message: “Alam kong kinakabahan ka, and I’m enjoying it.”
Pagkatapos ng interview, halos lumipad palabas si Shey, mahigpit ang hawak sa folder niya na parang iyon na ang buong buhay niya. Huminto siya saglit sa hallway at napalalim ang hinga.
Okay… hindi ako nahimatay. Hindi ako nagsuka. Win na ‘yun, diba?
Nilingon niya ang pintuan ng opisina ni Chris at napailing na may halong tawa. Ano bang klaseng tao yun? Parang seryoso pero may halong comedy yung dating. At bakit parang hindi ako makagalaw pag nakatingin siya?
Samantala, bumalik si Chris sa upuan niya, nakangiti nang bahagya. Cute siya, kahit obvious na kabadong-kabado. Pero may sincerity. May something doon…
Napatingin siya sa credentials ulit. Hmm. Interesting. This might be fun.
Malungkot na ngumiti si Shey, ramdam ang bigat sa dibdib na parang may nakapatong na hindi maipaliwanag na timbang. Hindi niya alam kung dahil ba sa katahimikan nila o sa bigat ng lahat ng hindi nila nasasabi, pero naroon iyon—isang kirot na mahirap ipaliwanag.Dahan-dahang iniunat ni Chris ang kamay niya. Mabagal, maingat, parang natatakot na baka mabasag ang sandali kapag masyadong mabilis. Sa isang iglap, parang hahawakan na niya ang kamay ni Shey. Ramdam ni Shey ang init na nagmumula rito, isang anticipation na parang dumadaloy ang kuryente sa pagitan nila.Pero sa huling segundo, binawi niya iyon.At sa kung anong dahilan, mas masakit iyon kaysa kung tuluyan na lang niyang hinawakan ang kamay at tinanggihan siya ni Shey. Kasi hindi iyon rejection mula sa kanya—iyon ay sariling pagpigil, isang pag-urong na parang pagsasara ng pinto bago pa man ito tuluyang bumukas.Nagpatuloy silang nakaupo, magkatabi pero parang may invisible na pader sa pagitan nila. Tahimik ang paligid, tanging
Nagsimula lang ito sa isang maliit na pack ng cookies.Isang random na hapon, habang nasa kalagitnaan ng lecture si Shey, napansin niyang may kakaibang bagay sa mesa niya. Isang maliit na bag ng chocolate-covered biscuits, nakapatong sa tabi ng lesson plan niya na parang biglang sumulpot mula sa kawalan.Kumunot ang noo niya. Saan galing ‘to?Abala ang mga estudyante sa pagsusulat, at wala naman siyang nakitang lumapit para maglagay noon. Pero sa gilid ng paningin niya, may nahuli siyang gumagalaw—isang pamilyar na figure na sumisilip mula sa maliit na glass window ng classroom door.Si Chris.Nag-thumbs up ito, mabilis na ngumiti… at agad na naglaho.Bahagyang nabuka ang labi ni Shey, hindi makapaniwala. Did he… seriously just throw snacks at me and run away?!Tinakpan niya ang bibig, pinipigil ang tawa bago umiling nang mahina. Unbelievable.At doon nagsimula ang lahat.Kinabukasan, hindi na cookies ang nandoon. Isang maingat na naka-wrap na sandwich ang nakapatong sa mesa niya bago
Isang gabi, nagkataon na magkasama sina Chris at Shey, nakaupo sa labas ng faculty lounge. Nakapatong ang kani-kanilang coffee cups sa mesa sa pagitan nila, mainit-init pa rin mula sa afternoon sun pero may bahid na ng malamig na hangin habang humuhupa ang init ng araw. Tahimik na ang campus—kadalasan ng mga estudyante ay umuwi na, at paminsan-minsan na lang maririnig ang mga yabag na umaalingawngaw sa hallways.Isa na naman iyon sa mga after-class conversations nila, pero ngayong gabi, kakaiba ang tono. Naiba ang rhythm. Wala ang pilyong banat ni Chris, at wala ring awkward na pag-iwas ni Shey. Tahimik lang silang dalawa, parang parehong nakikinig sa tahimik na tunog ng paligid.“Do you ever regret anything?” tanong ni Chris, mababa ang boses at may bigat na parang hindi biro.Hindi agad sumagot si Shey. Sa halip, hinatak niya ang coffee cup palapit at mahigpit na hinawakan ito, nakatitig sa usok na dahan-dahang umaangat mula sa mainit na kape. Para bang doon muna siya humahanap ng l
Naging pattern na siya—isang unspoken, medyo nakakatawang pattern na kahit sila ay parang hindi agad napansin noong una. Araw-araw, pagkatapos ng bawat klase, somehow, nauuwi lagi sina Chris at Shey na magkasama. Noong una, lahat ay work-related lang. Purely professional. Walang halong malisya, walang ibig sabihin. Si Chris, bilang department head, may dahilan daw kung bakit laging “nagche-check in” sa bagong teacher. Standard protocol daw, sabi niya—pero sa totoo lang, parang hindi naman iyon ginagawa niya sa iba.“Survived another class?” tanong ni Chris isang beses, nakasandal sa pinto habang pinapanood si Shey mag-ayos ng bag niya. “May estudyanteng tumakas ba?” minsan naman, sabay tawa. At isang beses pa, bigla na lang niyang binanat, “Wala bang nahimatay sa ganda mo?” At sa bawat ganong biro, walang palya—kakurap lang si Shey, mamumula nang bahagya at titingin sa kanya na parang hindi alam kung matatawa ba o mag-aalala. “Chris… tigilan mo nga yan,” mahina niyang sagot, pilit pin
Pagod na pagod na si Chris Marcelo matapos ang buong araw ng sunod-sunod na meetings at endless paperwork. Bilang Department Head ng Criminology, pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang pagpirma sa mga dokumento, pag-check ng reports, at pagsagot sa emails ng mga estudyanteng laging may “urgent” sa subject line. Minsan nga, napapaisip siya kung kailan pa huling naging simple ang trabaho niya.Humilig siya sa swivel chair niya, tumingala sandali at huminga nang malalim. Gusto niyang i-clear ang isip kahit kaunti. Kaya kinuha niya ang cellphone sa gilid ng mesa at nag-scroll sa social media—isang maliit na pahinga mula sa nakakapagod na araw. Five minutes lang, hindi naman siguro krimen, right? napangiti siya sa sarili.Habang nagba-browse, may isang recommended chatroom ang lumitaw: “Teachers & Aspiring Educators (PH)”. Napakunot-brow siya sandali bago ngumiti. Interesting. Baka makahanap ako ng potential applicants dito or at least marinig kung ano pinag-uusapan ng mga bagong teach
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments