Schuyler
Ang lalaking minahal niya ang naging taong pumatay sa kanya.
Akala ni Ella ay nahanap na niya ang man of her dreams. Ngunit ang pinangarap niya na buhay ay nauwi sa isang malaking bangungot. Nakita niya na ang lalaking pinili niya mahalin ay malupit at napakaraming itinatago na maitim na mga lihim. Nang malagay sa panganib ang buhay niya, inakala niya na siya ang pipiliin ni Roman ngunit nagkamali siya.
Nang magising si Ella, nalaman niya na siya ay nagbalik sa nakaraan. Tatlong taon bago naging bahagi ng buhay niya si Roman. Bago nasira ang kanyang mundo. Sa binigay na pangalawang pagkakataon, pinangako niya na itatama niya ang lahat ng maling desisyon niya. At kasama sa mga iyon ang isa sa pinakamalaki niyang pinagsisisihan: ang lalaking hindi niya pinili noon—si William.
Ngunit hindi madali ang paghihiganti, at lalong hindi madali baguhin ang hinaharap. Ella must always stay one step ahead of Roman and she must somehow protect the rekindled relationship she now has with William.
Kailangang pumili ni Ella kung ano ang mas mahalaga: ang pagbayarin si Roman sa kanyang mga kasalanan o ang pagbigay ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig na sana ay una niyang pinili?
Bumalik siya upang isulat muli ang kanyang tadhana. Isang lalaki ang haharap sa kanyang poot. Ang isa naman ay maaaring magwagi sa kanyang puso sa wakas.
78