Nikkinini
"Why would I hand my own bride to him? Ano ako, tanga para ipamigay ang sa akin?"— Caius Salvatore
---------------
Si Addison ay nakatakdang ikasal kay Lucian Aurelius para sa kapakanan ng negosyo ng kanilang pamilya. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Lucian, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ang kanyang fiancé ay may relasyon sa half sister niya na si Trinity. Pinagtutulungan siya ng kanyang sakim na ina at traydor na kapatid, gamit ang kanyang amang may sakit bilang panakot.
Sa gitna ng kanyang pagdurusa, ang tiyuhin ni Lucian na si Caius Salvatore ang nagsilbing kanyang tagapagligtas. Sa mismong araw ng kasal, gumawa si Caius ng isang mapangahas na hakbang sa harap ng altar sa pamamagitan ng pag-angkin kay Addison bilang kanyang sariling nobya, na nagdulot ng malaking iskandalo at pagbabago sa kapalaran ng dalaga.
898