Mira Solenne
Dalawang taon nang kasal si Angela Santillan kay Caleb Fuentebella, pero ni minsan ay hindi nito ipinadama na mahal siya.
Ginawa ni Angela ang lahat para maging mabuting asawa. Patuloy siyang umasa na balang araw, matututunan din siyang mahalin ni Caleb.
Hanggang sa mahuli niya ito sa isang pribadong rest house kasama si Madison—ang first love nito.
Doon niya tuluyang naunawaan na kahit siya ang asawa, ibang babae pa rin ang nasa puso ni Caleb.
Pero hindi roon nagtapos ang pagkawala ng lahat kay Angela.
Natuklasan din niyang hindi pala siya tunay na tagapagmana ng pamilyang Santillan. Isa lamang siyang pekeng heiress na ipinalit noong sanggol pa siya. At ang kasal nila ni Caleb ay bunga lamang ng utang na loob ng mga Fuentebella kay Helena Santillan, ang babaeng nagpalaki sa kanya.
Binawi ng mga Santillan ang kayamanang nakapangalan kay Angela. Nawalan siya ng marangyang buhay na buong akala niya ay kanya.
Tanging ang pagiging Mrs. Fuentebella na lang ang natira sa kanya.
Pero kahit iyon, pinili na rin niyang bitawan si Caleb at nagsimulang muli.
Makalipas ang dalawang taon, bumalik siya bilang isang sikat na fashion designer, bilyonarya, at isa sa pinakakilalang socialite. Hindi na siya ang babaeng dating naghahabol sa pagmamahal ni Caleb.
Ngayon, marami nang mga lalaki ang naghahabol sa kanya.
At sa tuwing nakikita siya ni Caleb na masaya sa piling ng iba, unti-unti nitong nawawala ang kontrol. Hanggang sa siya naman ang nagsimulang humabol.
Pero huli na.
“I’m sorry, Caleb, pero ikakasal na ako sa iba.”
Bigla siyang kinulong ni Caleb sa pagitan ng mga braso nito at malamig na bumulong.
“Then tell him the wedding is off. Dahil ako lang at wala nang iba ang puwedeng maging asawa mo.”
205