Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY ASSASSIN WIFE

MY ASSASSIN WIFE

Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories. Sky POV HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito. "Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.
7.930.8K viewsCompletedAdded to Library 645 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
9.911.5K viewsCompletedAdded to Library 264 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
Betrayed Ex-wife Return

Betrayed Ex-wife Return

Si Sanjela ay isang babaeng kamuntik ng sumuko at wakasan ang sariling buhay. Ngunit hindi itinadhana dahil siya ay binigyan ng pagkakataon upang maging malakas. Ang masalimuot na nakaraan ang kanyang sandata upang siya ay maging matatag. Nilisan ang Pilipinas upang tuparin ang kanyang pangarap. Mag-ipon ng sapat lakas upang labanan ang mga taong umapak sa kanyang pagkatao. Singilin ang mga salarin sa pagpaslang ng kanyang mga magulang. Parusahan ang mga taong sangkot sa pagdukot ng kanyang tatlong nawawalang sanggol. Ang mga sanggol na alam ng kanyang puso na ang mga ito ay buhay pa. Kasama niyang sisingilin ang taong inakala niya na kanyang kakampi. Ang taong nagbigay ng sigla sa kanyang murang puso. Ngunit nalaman nalang niya na puro kasinungalingan o panlilinlang lang pala ang mga ipinapakita nito. Sa pagbabalik ni Sanjela Pilipinas hawak na kaya niya ang tugatog ng tagumpay? Kayanin kaya niya ang muling pangmamalupit ng mga magulang ni Axel kapag kinalaban niya ito sa politika? Kayanin kaya niyang hawakan ang probinsya ng Rehiyon Nuebe? Sino ang mas maging matimbang para kay Sanjela? Ang pamilya ba? Propesyon? O ang position sa politika? Si Axel ang bunsong anak ng gobernador ng Rehiyon Nuebe. Ang ahente ng anti-terorista ng Pilipinas na itataya ang buhay para sa bayan. Biktima ng panlilinlang, biktima sa kasakiman ng kanyang mga magulang. Makikita pa kaya niyang muli ang babaeng pinakamamahal niya. Sino ang kanyang mga tunay na kadugo? Mauungkat pa kaya ni Axel ang mga sekretong nakatago? Sa parating na bukas meron pa kayang maganap na pagbabago? Aayon kaya ang tadhana sa dalawang biktima, na sa kasinungalingan ay nakabilanggo? Malalaman pa kaya ni Axel ang malaking sekretong nakatago sa kanyang pagkatao? Sino ang makakatuklas? Sino ang magbubunyag? Makakamit pa kaya nila ang hustisya bago maging huli ang lahat? Ano ba dapat? Abante? O paghiganti?
187 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
His Pet Nanny

His Pet Nanny

Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?
1010.3K viewsCompletedAdded to Library 309 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
The Billionaire's Ex-Wife Returns

The Billionaire's Ex-Wife Returns

itsmauve
Matapos tumakas sa kaniyang dating asawa na si Diether Ford, ang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa bansa, namuhay nang mapayapa si Anastacia kasama ang kambal niyang anak. Ngunit isang nakakagulantang na rebelasyon ang maaaring muling magdugtong ng landas nilang dalawa. Kakayanin bang isakripisyo ni Anastacia ang kapayapaang tinatamasa niya sa kasalukuyan? O gagawin niya ang lahat upang hindi na sila kailanman magkita pa?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
The Runaway wife

The Runaway wife

NAGMAHAL lang naman siya at umasa na balang araw ay mamahalin rin siya nito. Buong akala niya ay totoo ang lahat. Buong akala niya may pag ibig na ito para sa kanya, pero mali pala siya. Muli na naman ba siyang aasa? Paano niya haharapin ang katotohanang ginamit lang siya nito? Ipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya rito o kusang magparaya na lamang?
511 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
Paghihiganti ni Emma

Paghihiganti ni Emma

Galit, poot, at paghihiganti ang nag-udyok kay Emma na pumasok sa mundo ni Edward—ang kilalang playboy na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang kapatid. Bilang sekretarya, nagtagumpay siyang mapasok ang buhay ni Edward, ngunit ang kanyang plano ba ay magiging ganap na tagumpay, o siya mismo ang malulunod sa sariling bitag? Isang kwento ng galit, pagnanasa, at mga lihim na hindi madaling limutin.
1.3K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
A Promise not to Love You

A Promise not to Love You

Taggy
Revenge? Yan ang gusto ni Kingsley Weston Bamford na gawin sa babaeng kinaiinisan niya kung saan sumira sa kanyang pamilya. Amg babaeng dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina at gagawin niya ang lahat para maging miserable amg buhay niya. Pero paano kung ang babaeng gusto niyang masira ang siyang magpapabago din ng kanyang prinsipyo sa buhay? Magagawa pa rin ba niya ang itim na balak para dito o manatiling magbulag-bulagan alang-ala sa kanyang yumaong ina?
1.1K viewsOngoingAdded to Library 22 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
The billionaire's willing victim

The billionaire's willing victim

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang Babae na naging biktima ng labis na pagmamahal sa Isang guwapong bilyonaryo na nagngangalang YVO DORCHER. hanggang saan kaya Ang kaya nilang gawin para lang sa pag-ibig? at kung umabot na sa sukdulan? kaya mo bang maging manhid para lang manatili sya? o kaya mong pumatay masigurado mo lamang na tanging sa 'yo na Lang sya? billionaire's willing victim (super SPG)
105.3K viewsOngoingAdded to Library 184 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
Love You in Contract

Love You in Contract

"No feelings involved, Kontrata lang." Malinaw iyon kay Pristenna Raye Zorajero at Stefano Ryl Ignacio. Magpapakasal sila para sa parehong interes, kapag nakuha na nila ang mga ito ay tatapusin na nila ang pekeng kasal. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduan ay may tumubong damdamin? Sa gitna ng pangangailangan ay may kumislap na pag-ibig. Kaya kaya nilang harapin ang damdamin o pipiliin pa rin nila ang hindi matapos-tapos na responsibilidad?
344 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as a/b/o meaning
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status