LOGINIsang Cardiothoracic Surgeon si Gracious Faith o mas kilala bilang Faith. Isa siyang tanga sa pag-ibig na binigay ang lahat ng luho ng boyfriend niya. Ngunit pinagtaksilan lamang siya nito dahil ayaw niyang ibigay ang sarili dito. Taas noo niyang hinarap ang boyfriend at diretsahang nakipag-break dito. Then she met Froiland. Ang lalaking nagligtas ng buhay niya. Hindi niya akalain na sa sobrang atraksyon niya dito ay ibibigay niya ang sarili dito. Ang nakakawindang sa lahat ay nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ng binata. Then she decided to raise their child on her own. Isang bagyo ang bumago sa buhay niya. Dahil sa bagyong iyon ay ipinadala siya sa Dream Guys Resort kung saan isa si Froiland sa may-ari ng resort na iyon. They met by coincidence. Nagdadalawang-isip siyang sabihin dito na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Will she tell him the truth about her pregnancy? Or will she run away again without telling him? Will she fall in love with him? Lalo pa't patuloy nitong ginugulo ang puso't isip niya?
View MoreFaith's POVNasa conference room kami ngayon. Kasama ko si Harold doon. Nagtatakang nagkatinginan kaming dalawa. Tila nagtatanong kami sa isa't-isa kung anong ginagawa namin doong dalawa. Maya-maya pa'y sabay kaming nagkibit ng balikat saka umupo na lamang.May mga nurses din doon. Naroon din ang bestfriend kong si Lalaine. Mukhang isang team ang binuo ng direktor ng ospital. Nasa norteng bahagi ng conference room ang direktor ng ospital. Medyo may katandaan na ito. Nasa aura nito ang pagiging masungit at dominante. Palagi kasi itong seryoso at hindi palangiti. Kaya lahat ng juniors katulad ni Harold ay natatakot sa kanya.He is my role model and mentor. Dr. Greg Villaluna. Triple board top notcher ito sa medisina. Espesialista ito ng tatlong sangay ng medisina. Kaya naman naging direktor ito ng ospital dahil sa angking talino nito. He is a pediatric surgeon, neurosurgeon at cardio thoracic surgeon. Tahimik lamang kami nitong tinitingnan. Tahimik lamang din kaming nakatingin sa kany
Froiland's POVHindi ko pa din makita ang kapatid ko hanggang ngayon. Nag-aalala ako ng husto sa kanya. Sapagkat iniligtas din niya ang buhay ko. Napag-alaman ko na napapaligiran pala kami ng mga armadong kalalakihan noong araw na dukutin si Freya Maurice. Mukhang hindi ob-gyne ang nakausap nito sa doctor's office. Mukhang si Ashford iyon, baka nga ito din ang ama ng dinadala ng kapatid ko.Napabuntong-hininga ako. I keep wondering who will do such a trick to get my little sister? I am beginning to doubt that he was Ashford Anderson who did it. Ashford is the only brother of my mortal enemy, Silver. Hindi ko alam kung bakit dinamay pa niya ang kapatid ko sa away naming dalawa. What the f*ck is he thingking? Should I stoop that low also to get my little sister? I know that he have been seeing this pretty doctor named Azalea for quite a month now."Should I kidnap that woman also?" I ridiculously asked myself.Napailing naman ako sa naisip ko. No, I just ne
Faith's POV Kagagaling ko lang sa ospital para ipa-check up ang baby sa sinapupunan ko. Mabait naman si Dra. Jimenez. Maayos naman daw ang lagay ng baby ko. Nasa maselan na bahagi palang daw ako ng pagbubuntis. Kailangan ko daw na palaging mag-ingat. Makakasama daw kay baby kapag hindi ako nag-ingat sa kinakain ko at kinikilos ko. Nasa condo na ako ngayon. Hinihintay ko si nanay pupunta daw kasi siya dito. Ipagluluto din daw kasi niya ako ng paborito kong pagkain. Nakaupo lamang ako sa sofa habang nanonood ng t.v. May balita na lumabas tungkol kay Loraine at kay Froiland. Hindi na daw matutuloy ang kasal dahil umatras daw sa kasal si Froiland! "Bakit siya umatras sa kasal? Ano kayang problema nilang dalawa?" sumod-sunod na tanong ko sa sarili. Hindi naman siguro dahil sa akin iyon. Baka nga hindi ako iniisip noon eh! Dinadaya ko lang ang sarili ko! Baka tawagin pa akong desperada nun kapag sinabi ko sa kanya na nabuntis niya ako. Alam kong bilyonaryo
Faith's POVNamulatan ko ang kulay puting kisame. Maingay ang paligid at nangangamoy alcohol ang paligid. Nahulaan ko kaagad kung nasaan ako. Nasa ospital ako! Anong ginagawa ko dito? Ang huli kong natatandaan ay ang pagdilim ng paningin ko. Teka! Nawalan ba ako ng malay? Dahan-dahan kong ibinaling ang aking ulo sa kaliwang bahagi ko. Nasalubong ko ang nag-aalalang mukha ni Lalaine. Hinawakan nito ang noo ko."Tell me what's wrong, besh. Anong masakit sa iyo ha? Bakit bigla ka na lang nawalan ng malay?" sunod-sunod at nag-aalalang tanong sa akin ni Lalaine.Napansin ko kung na nasa ospital na pinagtatrabahuan ako dinala ni Lalaine. Napabaling kasi ako sa kabila at mukha ni Harold at Dra. Hernandez ang nakita ko. Kapwa naka doctor's gown ang mga ito. Katulad ni Lalaine, pag-aalala din ang nakikita ko sa mga mukha nila."I am fine. Baka over fatigue at stress lang ito." pag-aassure ko sa kanila.Napabuntong-hininga na lang silang tatlo.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.