Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HER SWEETEST REVENGE

HER SWEETEST REVENGE

Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
Romance
337 viewsOngoing
Read
Add to library
A Husband's Vengeance

A Husband's Vengeance

Amadeus Hassan, isang mabait at mabuting asawa ni Venice Banville Hassan. Masaya at makulay ang kanilang pagsasama noong una subalit noong mangyari ang isang aksidente na bumawi sa kakayahan niyang makapaglakad at makapagsalita, lumabas ang totoong kulay ng kaniyang asawa at biyenan. Inapi, inalipusta at nagawa pa siyang pagnakawan ng yaman ng mga taong higit niyang pinagkakatiwalaan. Buong akala niya'y wala na siyang patutunguhan subalit nakilala niya ang dalaga na nag ngangalang Lucine Verine, isang katulong sa kanilang mansyon na nakatalagang mag-aalaga sa kaniya. Ngunit sa likod ng inosente at maamo nitong mukha, sinong mag-aakala na ito ang magiging dahilan upang makabangon sa pagkakadapa si Amadeus Hassan na handang balikan ang mga taong umapak sa kaniya at ipatikim ang ganti ng isang api.
Romance
1010.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Hey, I Think I Love You

Hey, I Think I Love You

Babidi
Sabi nila magpa-kasal tayo sa taong minamahal natin. Ano pa ang dahilan ng pagpapa-kasal kung sa hindi mo naman minamahal ang iyong pakakasalan? Dare? Responsibility? Or for business purposes only? Isasakripisyo ba ang mga sarili para sa iba? O mas pipiliin ang sariling kasiyahan? Keziah Arwen, 21, is married to Noah Oliver, 22, his best enemy since childhood. The only connection they have aside from being married is that they definitely hate each other. There is no day that they won't argue. It would be a miracle if they didn't. Can love be taught? Will they be able to meet someone they truly love?
Romance
93.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Night with Billionaire

Contracted Night with Billionaire

BABALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA MENOR DE EDAD.🔞 NAGLALAMAN ITO NG MARAMING SPG (STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY) 🔞 Dahil sa kahirapan nakagawa si Andrea ng isang di malilimutang nakaraan kasama ang taong pilit na sana niyang kinalimutan, ngunit tadhana ang humanap ng paraan para ito'y kanyang muling masilayan. Sa ikalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas nila ng lalaking unang kumuha ng pagka birhen niya. Si Tyron Madrigal ang taga pagmana ng Madrigal Group of Companies, at nag alok sa kanya ng kontrata bilang taga pag aliw nito sa kama kapalit ng trabaho at pera para sa sakit ng lolo niya. Ngunit paano kung sa kasundoang iyon ay matalo siya? Mahal niya na ang bilyonaryong boss.
Romance
1043.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10331 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10329 viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10786 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Never Lies

Love Never Lies

After running away from her wedding, Mariam finds refuge in a beautiful beach resort in Quezon. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabangga niya si Stanley, ang tagapagmana ng isa sa mga sikat na kumpanya sa bansa. Dahil sa isang misunderstanding ay nasampal ni Mariam si Stanley. Takot na baka malaman ng mga magulang kung nasaan siya kapag idinemanda siya nito, she agreed to have a contract marriage with him. It’s also for their own benefits upang hindi na sila maobligang pakasalan ang mga taong pinipilit sa kanila ng mga magulang. It’s only for 6 months and will be a fake wedding. However, a fake wedding comes with a fake relationship as well. Kailangan nilang mapaniwala ang lahat na mahal talaga nila ang isa’t isa to make it worth it. Ngunit as they spend time with each other, their pretense slowly becomes REAL… They find themselves truly, madly, deeply in love with each other. But would they get their happy ending easily knowing na may mga taong hindi makakapayag na mangyari ito? At kung magtagumpay man ang mga ito, is there a chance they find each other again and rekindled the love na sobra nilang ipinaglaban noon? No one can tell what the future holds for the both of them, but one thing is certain… LOVE never lies…
Romance
10543 viewsOngoing
Read
Add to library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10115.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status