Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother
Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa.
Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya.
Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis.
Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao.
Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?