And Then I Kissed Him
Cassandra Sayson, graduate ng apat na taong kurso ng business administration ay sumama sa  graduation party na  sponsor ng kanilang departmento  na ginanap sa beach resort. Sa isip pa ni Cassandra, she has  nothing to lose dahil  natapos na niya ang  apat na taon na pag-aaral sa college. May diploma na siya, hindi na masama ang mag-enjoy kahit isang gabi lang. Simula ng mag-aral siya mula elemtarya hanggang kolehiyo ay hindi pa niya naranasan ang gumimik, kaya sa beach resort ay tinodo na ni Cassandra ang maging masaya at malaya upang  maranasan  ang mag-enjoy sa party ng walang pakundangan 
Sa kasagsagan ng kasiyahan ay nalasing si Cassandra kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nauwi sa tuksuhan at isang dare ang nangyari. 
Ang dare ay pumili ng lalaking halikan, kahit sinong lalaki na trip niyang halikan. Napadako ang tingin niya sa isang matangkad, matipuno at  guwapo na lalaki.
Ang lalaking hinalikan ni Cassandra ay ang tanyag na Doktor Adrian Razon na mula sa bilyonaryong pamilya. Namangha si Dr. Razon ng masilayan ng masinsinan ang babae dahil kamukha ito ng kaniyang girlfriend na si Sharon, nasa Amerika at  comatose. 
Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng insidente ng halikan  sa party ay kinausap ni Dr. Adrian Razon si Cassandra at nag-offer ng proposal. Gusto niyang magpanggap si Cassandra na kaniyang girlfriend at maging  asawa. Pumayag si Cassandra , nagkasundo silang dalawa na gumawa ng kontrata na ang pagpapanggap ay  sa loob lamang ng dalawang taon. 
Isang taon  pa ang lumipas ng pagsasama nina Dr Razon at Cassandra ng malaman ni Cassandra na siya ay nagdadalang-tao. Gusto niyang sabihin Kay Adrian na dinadala Niya ang anak ng doktor,  subalit hindi Niya nagawang magtapat pa ng bigla namang nagpakita ang Isang babae na  nagngangalang Sharon.