Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
Romance
7.72.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
418 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO got me pregnant

The CEO got me pregnant

Dahil sa panloloko ng ex-boyfriend ni Luna sa kaniya nagawa niyang makipag one-night-stand sa lalaking hindi niya kilala sa bar. And to heal her broken heart sa Canada siya nag-aral not knowing na magbubunga ang isang gabing iyon. She was scared na umamin sa magulang kaya tinago niya ang bata sa mga ito sa loob ng apat na taon. Pero kung kailan handa na siyang umamin sa mga ito tyaka niya nalaman na wala na sila. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas at upang maisalba ang negosyo ng magulang hindi niya akalain na ang ka-negosyo niya ay walang iba kundi ang ama ng kaniyang anak! Mabuti nalang at hindi siya nito nakilala kaya hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag negosyo dito o hahayaang bumagsak ang kanilang negosyo lalo na kasama niya si Celine, ang kaniyang anak.
Romance
10324.9K viewsCompleted
Read
Add to library
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

Loveinyoung
Sa kagustuhang makatakas sa kamay ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya ay nabundol siya ng sasakyan dahilan kung bakit naratay siya ng matagal sa Hospital. Ngunit sa kanyang pagising ay wala siyang maalala sa nakaraan maging ang kanyang pangalan. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa sarili dahil sa malaking pinsala na natamo ng kanyang katawan. Kinupkop siya ni Carlos Montenegro ang lalaking nakabangga sa kanya inaalagaan siya nito, binihisan at binigyan ng pangalan. Lubos niyang hinangaan ang binata at hindi niya maikakailang may nararamdaman na siya para rito subalit unti-unti nang bumabalik ang kanyang alaala at patuloy siyang tinutugis ng kanyang nakaraan...nang kanyang mga nagawang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran lalong lalo na sa binata. Hindi maatim ng kanyang konsensya kaya bago pa ang lahat ay inunahan niya na ito. Sa pamamagitan ng liham ay ipinagtapat niya ang Katotohan ng kanyang pagkatao at sa kanyang pagtalikod ng gabing iyon ay kasabay na rin doon ang paglimot sa binata. Hindi rin nakaligltas sa pandinig Kay Carlos ang pag-alis ni Rose. May parte sa puso niyang pigilan ang dalaga subalit nanaig parin ang galit at pagkasuklam niya rito. Para sa kanya walang karapatang mabuhay ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang nobya na si Angelica at isinusumpa niyang magdurusa ito habang buhay subalit paano niya lalabanan ang damdaming iyon kung laging ipinapaalala sa kanya ang magandang imahe ng dalaga lalong lalo pa at dinadala nito sa sinapupunan ang nag-iisang maging tagapagmana ng kaniyang angkan.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boss Child

Carrying My Ex-Boss Child

Sa kagustuhan kong ipamukha sa ex-boyfriend ko na kaya kong magbuntis ay nagdesisyon akong sumailalim sa isang IVF procedure pagkatapos ay sa isang surrogacy. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord dahil ang naiturok sa akin ay ang sample na galing sa boss kong laging galit at sinisante ako!
Romance
192 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Mafia

My Ruthless Mafia

Si Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.
Romance
803 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
901 viewsOngoing
Read
Add to library
In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

Isa si Evangeline 'Eva' Cuestas sa mga kasisikat pa lamang na actress at model sa bansa. Pinangangalagaan niya ng maigi ang kanyang karera dahil bukod sa pinaghirapan niyang makamtan ang kalagayan niya ngayon ay pakiramdam din niya ay roon lamang siya magaling. Subalit nang dahil sa kataksilan ng kanyang fiance sa mismong araw ng kanilang official engagement party, gumuho ang lahat. Dahil sa labis na kalungkutan at pighati, basta na lamang nakipagsiping si Eva sa hindi kilalang lalaki. little did she know, na ang lalaking kanyang naka-sex ay walang iba kung hindi si Alas Constantine Fuegerro, isang tanyag na abogado sa bansa. Kilala niya ito na isang mayabang, arogante at babaero. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ba ang tingin niya sa lalaki? Paano kung may bagay siyang gagawin dahilan upang mas magtagal pa ang kanilang ugnayan? Higit pa kaya sa init ng katawan ang kanilang mararamdaman para sa isa't isa?
Romance
10389 viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status