Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
No Love Between Us (Filipino)

No Love Between Us (Filipino)

Sa edad na 32 ay hindi pa naranasan ni Andrea ang magkaroon ng boyfriend. In short, siya ay NBSB o No Boyfriend Since Birth. Hindi naman siya kapangitan ngunit napakailap ng pagkatataon sa kanya. May nagawa ba siyang malaking kasalanan sa kanyang past life? Sa edad niya ay hindi na siya umaasa pa na may lalaki na magmamahal sa kanya ngunit gusto niya na magkaroon ng kahit isang anak man lang. Puwede naman na magkaroon ng anak na walang asawa kaya naisip niya maghanap ng sperm donor. Hindi artificial insemination ang gagawin kundi natural method. Sa kalagitnaan ng paghahanap niya ay nakilala niya si Martin na isang guwapong bilyonaryo. Unang pumasok sa isip niya na perfect match ang binata para sa kanya ngunit ang problema lang ay hindi siya nito gusto. Mapapayag kaya ito ni Andrea sa nais niyang mangyari? Paano kung hindi? Itutuloy pa ba niya ang paghahanap ng sperm donor o ititigil na lang at tatanggapin na lang na kailanma'y hindi siya magkaroon ng asawa't anak?
14.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 341 Beses bilang amorío
Read
+Library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
1037.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.5K Beses bilang amorío
Read
+Library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
1024.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 722 Beses bilang amorío
Read
+Library
Taming The Heir

Taming The Heir

Sa buhay kailangan mo talagang kumapit sa patalim lalo na kung walang-wala ka. Ito ang ginawa ni Avern Dela Cruz at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan ang isang lalaking tunay na bumihag sa kanyang puso. This forbidden love drives her still. Lalabanan niya ba ang nararamdaman o bibigay sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso? A heated battle begins.
102.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 80 Beses bilang amorío
Read
+Library
A SECOND CHANCE IN LOVE

A SECOND CHANCE IN LOVE

Isang gabi lang pero nabago na husto ang buhay ni Althea. tatlong taon ang lumipas at nagtagpo muli ang landas nila. Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Magkakaroon ba ng chance na may mabuong pagmamahal sa kanilang dalawa. Magkakaroon ba sila ng pagkakataon para makilala ang isa't isa o tulad nun una ay iiwasan muli ni Althea ang binata. Vhans
10.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 289 Beses bilang amorío
Read
+Library
The Billionaire's Contracted Wife

The Billionaire's Contracted Wife

Si Amara ay isang matalinong corporate consultant na bihasa sa iba't ibang usapan sa loob ng boardroom, ngunit dahil sa biglaang problema na kinaharap ng pamilya niya ay napilitan siyang tanggapin ang isang “deal” sa lalaking hindi niya kailanman naisip na magagawa niyang lapitan for the sake of her family's survival. Para iiwas ang kanyang ama sa pagkakakulong at upang iahon sila sa pagkakalugmok sa milyones na utang na wala siyang kaalam-alam, napilitan siyang tumanggap ng tulong mula sa CEO ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan. Dala ng desperasyon na maayos ang problema nila, tinanggap niya ang alok ng nag-iisang Cadmus Saint Aleksandr, kilalang cold, ruthless billionaire ng Aleksandr Conglomerates. Ang kapalit ng papeles na pinermahan niya ay kontratang magtatali sa kanya at magbibigay limitasyon sa kalayaan na mayro'n siya. She needs to sign a contract where she is required to act as Cadmus' wife and the contract will end... ONLY if she bears a child—an heir of Cadmus' wealth, a child destined to continue the legacy of a prominent family—Aleksandr. Matatagalan kaya niya ang buhay bilang asawa ng isang bilyonaryo kung saan bawat galaw ay lantad sa publiko at madalas gawan ng issue o piliin niyang sumunod sa kontrata kung saan pagkatapos ng dalawang taon ay aalis ito at kailangan maglaho? Magawa niya kayang panindigan ang bulong ng isip na kontrata lamang ang pagsasama nila, o hahayaan na lang sundin ang puso at reaksyon sa init na nararamdaman sa bawat paglapit ng lalaki? Sa mundong pinasok, sa kontratang sinelyohan, alin ang pipiliin niya, ibabalik ba ang sakit na maaring maramdaman habang nasa puder s'ya ng lalaking ayaw niyang makasama o tatanggapin ang sinasabing pag-aalala at pagmamahal ng lalaking nagparamdam sa kanya ng mga bagay matagal pangarap maramdaman?
10150 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang amorío
Read
+Library
His Unexpected Son

His Unexpected Son

Doc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang babago sa kanyang pananaw. May isang babae na magpapakilala sa kanya at sasabibin na nabuntis siya nito. Kanya kayang tatanggapin ito o tatakasan katulad ng kanyang ginagawa sa tadhana?
108.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 280 Beses bilang amorío
Read
+Library
Taming the Gorgeous Billionaire Assassin

Taming the Gorgeous Billionaire Assassin

Two years have passed nang mawala kay Ashley o mas kilala na ngayon na Ley Salvador. Ang lahat ng bagay including the person she loves, matapos mawala ang alaala ng minamahal ay nawala na rin ang kahit anong koneksiyon nila. Si Aux na kasabay ng pagkawala ng alaala niya ay bumalik ang buhay sa pagiging bayarang mamatay tao ng lihim na orginasasyon along with her cover living as the sole heir of her billionaire family, siya na ngayon ang namamahala ng lahat ng ari-arian na iniwan sa kaniya, dahil sa pamumuhay mag-isa ay binalot siya ng galit sa mundo, naging mataray, malupit at tusong boss sa kaniyang mga empliyado. Ang isang Ley Salvador nga ba ang makakapagpalambot muli nang kaniyang puso o mas magpapatigas pa nito when she found out that Ley has also a huge part of the inheritance na iniwan ng kaniyang pamilya sa kaniya. Magkakaroon ba ng chance for a new start of love story sa dalawa or just to meet again to end things?
108.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 250 Beses bilang amorío
Read
+Library
Sweet Disposition

Sweet Disposition

risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
104.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 189 Beses bilang amorío
Read
+Library
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
10621 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang amorío
Read
+Library
PREV
1
...
1415161718
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status