Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO's Obsession

CEO's Obsession

Si Gaea ay isang romance writer, ngunit hindi kaagad ito nakakabuo ng ideya kapag walang inspirasyon. Kaya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo ay natigil siya sa pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. Dahil sa pananakot ng amo niya na matatanggalan siya ng trabaho kapag hindi pa siya nakapasa ng manuscript sa susunod na linggo ay napilitan siyang maghanap ng inspirasyon kasama ang kaibigan niyang si Samantha. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang club at hinahabol ang lalaking gusto niyang maging parte ng kanyang bagong libro na isinusulat. Sumang-ayon naman ito pero sa isang kondisyon, iyon ay ang ibigay niya ang katawan sa bawat session na kanilang gagawin. Makakaya kaya niyang ibigay ang hiling nito? Paano na siya kapag natapos ang kwentong isinusulat niya? Mau mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa?
Romance
1061.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Heiress Bodyguard

Heiress Bodyguard

Blurb: Nang malaman ni Kana Marie Ramirez Palma na bilang na lang ang araw niya sa mundong ibabaw, nagpasya siyang i-enjoy na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-travel. At hindi niya inaasahang makikilala si John Serrano sa isang bar sa Malaysia. At dito niya ipinagkaloob ang matagal na niyang iniingatang perlas. Para sa kanya, para saan pa ang iniingatan kung kukunin na siya ni kamatayan? Si Master Sergeant John Serrano ay isang sundalo na kasalukuyang may misyon sa bansang Malaysia. Pero napagbintangan siya sa isang kasalanang hindi naman ginawa. Nakulong siya ng dalawang taon ngunit nakalaya din para sa isang misyon- ang maging personal bodyguard ng anak ng isang Chief of Staff ng Pinas at ng Bilyonaryang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni John kapag nalamang ang babaeng inaakalang nasa langit na ang kanyang magiging amo?
Romance
1057.7K viewsCompleted
Read
Add to library
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Anim na taon nang tapat sekretarya si Samantha Hernandez ng CEO – pinagkakatiwalaan, iginagalang at itinuturing na rin na parang isang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng kapusukan ang siyang nagbago ng lahat. Sa kanyang paglalasing matapos ang hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo, natagpuan niya ang sarili sa bisig ni Theo Buendia – ang arogante, mapusok at black sheep na kapatid ng CEO. Ang isang pagkakamaling gustong kalimutan ni Samantha ay naging simula ng pagkahumaling ni Theo sa dalaga. Ngayon ay nagbalik na siya…hindi lamang sa buhay ni Samantha kundi pati na rin sa opisinang pinagtatrabahuhan niya, bilang kanyang temporary boss. Gusto niyang kalimutan ang binata ngunit lubos naman ang paghahangad nito sa kanya. At sa kagustuhan niyang takasan ito ay mas lalong nagiging malinaw na ayaw siya nitong pakawalan pa.
Romance
1012.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Forbidden Tycoon

My Forbidden Tycoon

Makalipas ang anim na taon, tuluyan na ngang pinirmahan ni Aurelia ang divorce papers. Ang mga papel na kailanman ay hindi niya pinangarap. Upang hindi tuluyang lamunin ng lungkot at kawalan ng pag-asa, tumungo siya sa isang club at doon nagpalipas ng sama ng loob. Isa, dalawa hanggang anim. Nilunod niya ang sarili sa alak sa pagnanais na makalimot pansamantala sa malungkot na pangyayari. Lingid sa kaalaman niya, ito pa pala ang magbubukas ng daan para sa kaniya patungo sa isang bagong oportunidad at pag-ibig. Magigising siyang hindi naaalala ang nangyari. Subalit, hindi pa man niya tuluyang naaalala ang lahat, malalaman na niya kaagad ang katotohanan mula sa gabing naganap—ang gabing hindi na niya malilimutan kailanman. Aling daan kaya ang tatahakin ni Aurelia? Ang daan ba palayo sa taong nagpapahiwatig ng pagkalinga, pagmamahal at pag-asa? O ang daan patungo sa walang hanggang kapahingahan, kasawian at katahimikan?
Romance
10151 viewsOngoing
Read
Add to library
Mort Ville (Tagalog)

Mort Ville (Tagalog)

El Celery
Isang napakalaking syudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati dito upang paghiwalayin ang magkaibang lugar sa iisang syudad. City A o tinatawag bilang 'Ordinary City'. Dito matatagpuan ang ordinaryong mga tao kung saan walang krimen na nagaganap. Mga inosente ang mga naninirahan at walang kaalaman tungkol sa kaharasan. Napaka-organisado ng kanilang pamamahala. City B o tinatawag na 'Mort Ville' na ibig sabihin ay Dead City. Mga kriminal ang naninirahan at legal ang paggawa ng krimen lalo na ang pagpatay. Hindi mo malalaman ang tunay na nakapaloob dito kung hindi ka makakaranas na tumapak dito. Think first before you step your feet inside the Mort Ville. Baka pagsisihan mo lang.HINDI KA MAKAKAWALA. WALANG MAKAKATAKAS. "Ms. Zaylee Yvette Jordin. You are now part of our city, Mort Ville. Congratulations."
9.517.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A PRETENDING HUSBAND FOR THE BLIND WIFE

A PRETENDING HUSBAND FOR THE BLIND WIFE

Isang advertisement sa internet, sa wakas ay nagdala ng isang Mike na kasangkot sa isang deal kay Dave. Ibig sabihin ay isang kasunduan na magpanggap na si Dave sa loob ng tatlong buwan. "You just need to pretend to be me. Stay at my house, with my wife. And get her pregnant! I'll give you three months. The sooner Sunshine gets pregnant, the better," paliwanag ni Dave kay Mike. Noong una, nalilito si Mike. Paano niya kaya ikakaila ang sarili bilang Dave kung magkaiba ang mukha nila? Imposible diba? Gayunpaman, pagkatapos na isama ni Dave si Mike papunta sa bahay nila para makita si Sunshine Reyes ang asawa ni Dave, sa wakas ay naunawaan ni Mike Fernandez . Isang inosenteng babae, na ikinasal batay sa isang arranged marriage kay Dave Gray. Isang inosenteng babae na napakaganda, ngunit sa kasamaang palad... Bulag siya!
Romance
1.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Mahal kita, Kuya

Mahal kita, Kuya

Akala ni Amara, simpleng trabaho lang ang aasahan niya sa Monteverde Corporation. Pero ang hindi niya alam, ang CEO mismo na si Tristan Monticello ang lalaki na babago sa tahimik niyang mundo. Cold. Arrogant. Ruthless. Perfectionist. Name it all. At higit sa lahat, galit na galit sa kanya ng hindi niya alam ang dahilan. Dahil sa isang maling akala, inisip ni Tristan na isa siyang gold digger na nilalandi ang mapapangasawa ng sarili niyang ina. Hanggang sa dumating ang araw na pareho nilang natuklasan ang masakit na katotohanan. Magiging magkapatid na pala silang dalawa. Sa pagitan ng tama at bawal, ng galit at pag-ibig, alin ba ang mas matimbang? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang damdamin na alam mong walang karapatan? “Mahal kita, Kuya… kahit alam kong hindi ko dapat ito maramdaman. Dahil bawal sa mata ng tao.”
Romance
1011.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.131.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.525.0K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S LUCKIEST WIFE

THE BILLIONAIRE'S LUCKIEST WIFE

Sa araw ng kanilang blind date. Lucky Jeanne Harry got  married to a stranger. Ang buong akala niya na magkakaroon sila na magkasama na may respeto at simpleng buhay pagkatapos ng kasal, pero hindi niya inakala that her husband was a sticky person. Ang ikinagulat pa niya nang husto, kapag may problema si Lucky na kinakaharap, siya ay lalapit at lahat ng problema niya ay malulutas. Kapag tinanong siya niya kung bakit, he always said that he was lucky.  Hanggang isang araw, nanonood si Lucky  ng interview tungkol sa pinakamayamang tao sa Pilipinas na kung saan famous for spoiling his wife. Nagulat si Lucky na makita  niya that the richest man ay kamukha mismo ng kanyang asawa. He spoiled his wife like crazy, and the one he spoiled, walang iba kundi si Lucky. Ma swerte nga ba si Lucky o may kapalit ang lahat?  
Romance
1038.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status