Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seducing The Shadow

Seducing The Shadow

Sa mundo ng matataas na lipunan, si Elena Dela Vega ay isang mahalagang piraso lamang sa laro ng kapangyarihan. Nakatakdang ikasal sa mapagmataas na si Julian Monteverde upang pagbuklurin ang dalawang higanteng imperyo, ang buhay ni Elena ay isang gintong kulungan—hanggang sa gabing nagtagpo ang kanilang mga landas ni Dante Valez. Si Dante, na kilala sa underworld bilang ang "Shadow," ay isang mersenaryong binuo ng galit at mga pilat ng nakaraan. Ang kanilang engkwentro ay hindi lamang isang pagkakataon, kundi ang simula ng isang marahas na obsesyong babago sa kanilang tadhana. Marahas na kinuha ni Dante si Elena bago ang kasal, hindi upang iligtas, kundi upang angkinin. Sa kuta ng Shadow, naranasan ni Elena ang bagsik at init ng isang lalaking hindi kumikilala sa batas. Doon, ang takot ni Elena ay unti-unting naging isang masidhing pagnanasa na hindi niya matakasan.
Romance
10176 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Cool Sweetheart

My Cool Sweetheart

Noong nakita ko siya, hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Ang kanyang mukha ay napakaamo na akala mo hindi makakabasag pinggan, ngunit hindi ko akalain na isa siyang matapang at kaya niyang gawin ang lahat, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya at kahit ako. Kaya siya simula noon hinahangaan ko na siya dahil siya ay isang cool na babae.
Romance
1020.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Changing For You

Changing For You

Miss_Myth
Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Ang nobela ay sumusunod sa buhay ni Zoey Claire Alonzo, isang babaeng nagdesisyong pumasok sa isang mabilisang kasal (marriage of convenience) matapos iwan ng kaniyang dating kasintahan. Ang kaniyang pinakasalan ay si Jasper Alexander Villanueva, isang mayamang CEO at ang ama ng kaniyang menor de edad na matalik na kaibigan. Ang best friend niya na si Luna Isabelle Villanueva mismo ang nagpumilit sa kasal, na nagpahayag na ang kaniyang ama ay walang kakayahan sa pag ibig at nangangailangan ng ina. Sa kabila ng cold at ascetic na reputasyon niJasper, napatunayan na kabaligtaran ang lahat matapos silang magpakasal. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at pagnanasa, nagiging dominante at mapagmahal si Jasper na nagpapabago sa kanilang convenience marriage tungo sa isang seryosong relasyon. Ang sitwasyon ay lalong gumulo dahil sa muling paglitaw ng ex boyfriend ni Zoey, si Liam Ethan Navarro, na nagdulot ng love triangle at matinding komprontasyon, lalo pa at nalaman ni Zoey na matagal na siyang iniibig ni Jasper. Ang kanilang kuwento ay puno ng init, possessiveness, at drama sa loob ng pamilyang mayayaman, na umabot sa mga pagsubok tulad ng paghihiwalay at sakit. Sa huli, pinagtibay ni Zoey at Jasper ang kanilang wagas na pag ibig, lalo na nang ipaglaban ni Zoey ang kanilang anak, na nagpapahiwatig na sila ay matatag na magsasama.
Romance
10554 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Playboys Series 1: Playful Man

Playboys Series 1: Playful Man

Wenwen
What if ang isang playboy ay makahanap ng isang babaeng magpapatibok ng puso n'ya at ang kagustuhan niyang maging malaya sa pagiging stick to one ay tuluyang maglaho? Ang kagustuhan ng pamilya niya ang magiging dalihan upang maghabol siya sa babae na hindi naman niya totally gawain. once na tamaan ni kupido ang isang playboy, binabago nito ang pag-uugali. Dahil nabihag ang puso ni Kent Justine kay Ziya ay hindi niya ito tatantanan hanggat hindi niya nakukuha ang loob nito. ang puso nito. Ngayon ay ang stick to one na sinasabi niya ay kusa na niyang nilamon. dahil ang nais niya ay makasama ang babaeng unang unang nagpatibok sa puso nya ngunit marami ang nangyari kaya nahirapan siyang bawiin muli ang puso nitong bumihag sa manhid niyang damdamin.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
You're Gonna Miss Me When I'm Gone

You're Gonna Miss Me When I'm Gone

Sa araw na nakipag divorce si Calista Everhart, ang divorce papers niya ay kumalas sa internet, at naging headline agad ito. Ang rason ng divorce ay nakahighlight ng pula. “Baog ang asawa, kaya hindi mabigay ang pangangailangan ng asawa.” Sa gabing yun, ang asawa niya, si Lucian Northwood, ay hinuli siya sa stairwell. Ang boses nito ay mababa habang sinabi sa kanya, “Papatunayan ko sayo na hindi ako baog…”
Romance
9.396.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Lustful Affair with my Uncle

Lustful Affair with my Uncle

WARNING: R18+ Si Savrinna Angel Dela Vega, ang unica hija ng mga Dela Vega. Sa kabila ng pagiging istrikto ng kanyang magulang ay lumaki siyang ginagawa ang gusto niya. Nang magtungo siya sa isang bar ay nakilala niya doon si Markus Axel Policarpio. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may naglagay ng party dr•gs sa kanyang inumin na muntik na niyang ikamatay kung hindi siya nailigtas ni Markus. Kumalat ang video ni Savrinna na nagsasayaw sa bar kaya pinadala siya ng magulang niya sa probinsya sa bahay ng kanyang lolo at lola. At doon ay muli niyang nakita si Markus, na nagpakilala bilang uncle niya. Nagulat siya sa nalaman dahil ang lalaking nakahalikan niya sa bar ay uncle niya pala. At mukhang wala itong planong magustuhan siya kaya naisip niyang gumawa ng paraan para makuha ang atensyon nito. Ang simpleng pagpupustahan kung sino ang unang matutupok sa laro ng pag-ibig, ay nagbunga ng hindi inaasahang pagmamahalan. Hanggang sa pareho na nilang hindi kayang layuan ang isa’t isa.
Romance
1096.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HER SUFFER RING

HER SUFFER RING

May gustong-gusto si Calynn na singsing. Subalit isang araw ay binili ito ng isang lalaki para sa nobya nito. Simula niyon ay animo'y heartbroken na si Calynn. Hindi niya matanggap na pag-aari na ng ibang babae ang singsing na inasam-asam niya. Ang hindi niya alam ay muling magkukurus ang landas nila ni Reedz at walang anumang ibinigay na lang nito ang singsing sa kanya dahil ni-reject daw ito ng nobya. Subalit imbes na matuwa ay nakonsensya si Calynn. Hinanap niya si Reedz para ibalik ang singsing. Ang hindi niya inasahan, sa isang iglap, dahil sa singsing ay siya na ang na-engage sa binata, kay Reedz Rovalez na isa palang bilyonaryo. Anyare? At ano pa kaya ang mangyayari oras na siya ay mabuntis?
Romance
1016.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5135.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status