LOGINSi Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
View MoreKinaumagahan maagang nagtungo si Alex sa kanilang company. Bago pumasok sa loob ng building ay inayos muna niya ang kaniyang buhok na medyo basa pa dahil sa pag mamadali. Agad siyang dumiretso sa office kung saan naroon ang kanyang ka meeting. Kumatok siya sa pinto at nakita si Director Lance. Baguhan itong Director sa Company at hindi pa niya ito nakatrabaho."Come in Ms. Rivera," paunang bungad sa kaniya ni Director Lance."Good morning Director Lance," bati niya rito.Papasok na siya ng office ng makita na hindi lamang si Director Lance ang naroon. Laking gulat niya ng makita na naroon din si Tyler. Nakupo ito sa receiving area ng office. Sa gulat ay napahinto siya sa pagpasok sa loob."Goodmorning Alex. How are you?" bati ni Tyler sa kaniya.Hindi siya sumagot at ngumiti lamang dito bilang tugon."Sit down Alex. Para masimulan na natin ang meeting," wika ni Director Lance.Naupo na ito sa upuan at sumunod na rin si Alex. Binigyan ang dalawa ng fi
"Hello Abby, bakit hindi mo sinabi sa akin na lalaki pala ang housemate ko? Sa lahat ng tao bakit siya pa?" natatarantang sabi ni Alex habang nasa kwarto niya at kausap sa cellphone si Abby."Ano ba ang sinasabi mo Alex? Lalaki? Sino?" sunod-sunod na tanong nito."Yung housemate ko na inirekomenda ninyo ni Mike. Lalaki siya!" wika ni Alex."Teka sandali lang Alex kausapin ko si Mike tapos tatawagan kita. Naguguluhan din ako sa sinasabi mo," sagot ni sa kaniya.Doon na natapos ang pag-uusap nila. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.Sa kabilang kwarto naman ay kausap ni Sam si Carlos."Ano na naman itong kaguluhan na dinala mo sa bahay ko. Wala ka bang matinong housemate na ibibigay sa akin?" wika ni Sam."Look hindi ko alam na babae siya. Walang sinabi sa akin si Mike o baka hindi namin napag-usaoan talaga haha," natatawang sabi nito."May gana ka pa na tumawa talaga. Ang laking problema nito. Hindi siya pwede dito. Babae siya," naiinis na wika n
Halos ayaw tumigil ng agos ng luha ni Alex sa kaniyang mga mata. Parang pinipiga ang kaniyang puso. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganito. Ang buong akala niya ay gusto din siya nito dahil sa mga ipinakikita at ikinikilos nito kapag kasama siya. Napaka maasikaso sa kaniya at sweet nito. Sa kaniya lamang ni Tyler ito ginagawa. Bakit si Ms. Amber pa sa lahat ng tao.Unti-unti siyang tumalikod at naglakad palayo habang pinupunasan ang mga luha. Dumiretso siya ng Comfort room dahil natatakot siya na may makakita sa kaniya sa ganoong itsura. Maigi na lamang at palabas na ang mga taong naabutan niya doon. Nakayuko siyang pumasok at dumiretso sa harapan ng salamin. Kumuha ng tissue upang pahiran ang kaniyang mga luha. Huminga siya ng malalim at binuksan ang kaniyang bag. Kinuha niya ang face powder at inayos ang kaniyang mukha. Iiyak na naman siya ng may pumasok sa CR. Mga kasamahan niya ito sa company."Oh Alex nandito ka pala. Hinahanap ni Director Allan ang lahat ng writ
Alas dos na halos ng madaling araw. Sa kwarto ni Alex ay nakatulugan na niya ang kaniyang ginagawang pagsusulat. Sa working table na rin siya nakatulog. Sa wakas ay natapos na niya ang kaniyang auditioned story. Finishing na lang ang kailangan at proofreading. Kailangan na niya itong maipasa upang makasali ang story niya sa audition. Samantalang si Sam naman ay pauwi pa lamang ng bahay mula sa trabaho. Binuksan niya ang pintuan ng bahay at nakita niya si Snow na nag-aabang sa kaniya. Kinuha niya ito at agad na dumiretso na sa kanyang silid. Agad nahiga si Sam sa kama at mistulang pagod na pagod."Hay naku Snow napakahaba ng araw na ito at nakakapagod," tumagilid siya ng higa upang tingnan si Snow. Nagpunta ito sa carpet at nahiga na tila handa ng matulog. Parang hinintay lamang nito na dumating si Sam. Ngumiti lamang si Sam at unti unti ng pumikit ang mga mata. Nakatulog na lamang ito ng hindi man lang nakapagpalit ng damit. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod.Kinaumagahan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews