Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Taming the Dangerous CEO [Tagalog]

Death Wish
((( Julius POV’s )))Napabangon ako dahil sa bungangang yun. Tinignan ko yung babae.“Huwag kang lalapit sa akin!” Bigla akong ngumit at natawa sa sarili ko. Kung gano'n ang babaeng 'to ay walang iba kundi si Janine.“Seems I have a “good” Morning. Good morning Janine.”Bigla akong pinaghahampas ng unan ni Janine. Ewan parang ang saya eh. Nakalapit ako sa kanya. Pinigilan ko ang kamay niya saka hinila ko siya palapit sa akin.“Bitiwan mo ako Julius!” Hinalikan ko siya sa noo. Natigilan siya sa kakapalag.“Now, your mine.” Saka ko siya hinalikan sa labi.Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kaya bigla niya akong sinampal. Ngumiti lang ako bilang tugon...“I know. I deserve it.” At muli ko siyang hinalikan.“Julius! Gumising ka nga!” At pinagsasampal ako ni Janine, magkabilaang pisngi. Pinigilan ko ang kamay niya.“Gising na gising ako. Gusto mo pa?” Pak!Aww...yun ang masakit.“Di ako nakikipaglokohan sa'yo!” Ngumiti ako.“Sa tingin mo niloloko kita?”“Ahhhh....hmmm..” Hinalikan ko eh.At bago ako bumangon, hinalikan ko siya sa pisngi. Natulala siya.Bumangon na ako. Tinali ko ang robe ko at kinindatan siya bago ako pumunta ng banyo.Nang makapasok ako, narinig ko ang pagsisigaw ni Janine.Nakita ko naman ang refleksyon ko sa salamin. Ngiting-ngiti na napapailing. Naghilamos ako. Iniisip ko kung sino sa dalawang ama-amahan ko ang gumawa nito.
8.9193.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The baby maker of heartless mafia boss

The baby maker of heartless mafia boss

Yunnashane
Disclaimer:THIS STORY IS PURELY WORK OF FICTION. ALL CHARACTERS, NAMES, PLACE OR EVENTS MENTIONED IN THE STORY ARE USED FICTITIOUSLY, PLEASE DON'T ASSOCIATE THE CHARACTER TO THE ACTUAL PORTRAYER. >>> Naglalakad ako ng may marinig akong ingay sa bandang kusina. Nung una benaliwala ko lang yun pero ng may narinig ako iyak ng batang babae ay agad ko tinungo ang kusina dahil alam ko kung sino yung batang babae umiiyak. Pagdating ko ng kusina nakita ko umiiyak ang kapatid ko at bukod dun nakita ko rin na pinapagalitan s'ya ni Beatrice. Agad ko naman nilapitan ang kapatid ko para tanongin kung bakit s'ya umiiyak. "Yana anong ngyari? bakit ka umiiyak?" nagaalala tanong ko. Pinunsan nito ang mga pisnge n'ya bago ako sagutin. "A-Ate ako po kasi sinisisi ni ate Beatrice na kumuha ng necklace n'ya kahit hindi naman po talaga ako ang kumuha." sagot nito sa tanong ko habang umiiyak. "At talagang masisinungaling kapa bata ka! eh! Ikaw lang naman ang pumasok sa kwarto ko bago mawala yung necklace ko!" asik ni Beatrice sa kapatid ko. Hindi ko maiwasang hindi s'ya patulan sa pagbibintang n'ya sa kapatid ko. Alam ko hindi magagawa ng kapatid ko ang binibintang n'ya dahil hindi ko ganon pinalaki ang kapatid ko. "Ano ba Beatrice? Bakit mo naman pinagbibintangan yung kapatid ko? Eh wala ka naman ebendinsya na s'ya ang kumuha ng necklace mo!" sabi ko sa galit na tuno. Pagak itong tumawa bago muling nagsalita. "AT TALAGA KINAKAMPIHAN MO PA YANG KAPATID MO MAGNANAKAW" asik nito sa akin at sa kapatid ko. "Opss! Nakalimutan ko palang anak kayo ng mga magnanakaw! Mga mukang pera! gold digger!" sambit nito sa mapangasar na tuno. Sa puntong yun hindi ko na napigilan ang galit ko. Idamay na n'ya ang lahat wag lang ang kapatid ko at lalong-lalo na
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1012.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
107 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound To Be Yours

Bound To Be Yours

Sebastian was a coward, letting fear steal the woman he loved. "If mahal mo talaga ako. Pirmahan mo ang divorce paper na ito at mawala ka na sa paningin ko. Iwan mo na ako at huwag ka na ulit magpapakita sa akin!" sigaw ni Sebastian sa babae a walang buhay ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Tinapon ng lalaki ang divorce paper sa ere at puno ng pagdisgusto nakatingin sa asawa. "Alam mo hindi ko kaya gawin iyon Sebastian." Gumuha ang mundo ni Sebastian noong may makita siya na babae sa loob ng kwarto. Nakahiga ito sa kama na natutulog lang at may hawak na maliit na bote. "Haven!" Now, given a second chance by a twist of fate— Nagising si Sebastian sa isang hospital. Madaming nakakabit na apparatus. Noong inalis niya ang oxygen narealize niya na nabuhay pa din siya. Gusto na niya mamatay. Sebastian travels back in time to right his wrongs. Sa labas ng hospital room nakita niya su Haven Bree Nicastro. Ang first love, childhood friend at pinakamamahal niya. Bumalik siya sa past kung saan buhay pa ang asawa niya at bata pa sila ni Haven. But the past is never as simple as it seems, and winning back Haven's heart might cost him everything. "Binago ko ang pinaka-key point sa pagkasira ng mga Nicastro at Volkov— siguro ito ang kapalit." Maliit ang chance na makalakad pa si Sebastian that's why nanganganib naman ngayon ang posisyon niya bilang tagapagmana at maging asawa ni Haven. Will he conquer all the things its supposed to be his and prove that Haven Is Bound to Be his? "Marry me, Haven."
Romance
808 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Divorce Now, Marry Me Later

Divorce Now, Marry Me Later

"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
Romance
1091.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MAKING MY EX-HUSBAND BEG: THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

MAKING MY EX-HUSBAND BEG: THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

"Pabigat ka Maya! Kinuha na ng bangko ang bahay na ito at ginamit ko na ang savings natin para sa bagong condo ni Chloe. Lumayas ka na!" Itinapon ako ng asawa ko sa gitna ng malakas na ulan pinalitan ng sarili kong best friend at iniwang walang wala habang nag aagaw buhay ang nanay ko sa ospital. I thought my life was completely over. Handa na sana akong sumuko. Hanggang sa huminto ang isang itim na Rolls Royce sa harap ko at bumaba ang lalaking magbabago ng buong mundo ko. "I need a wife to inherit my empire. You need money and a reason to live. Marry me and I will give you the power to crush everyone who put you in the mud. Deal?" Maya gave everything to her husband Anton only to be betrayed in the most painful way possible. Walang pera walang bahay at kailangang magbayad ng dalawang milyong piso para sa hospital bill ng kanyang ina. Naiwan siyang nag iisa sa madilim na kalsada. n Enter Heinrich Feldway. A cold ruthless and devastatingly handsome billionaire who rarely speaks but commands absolute power. Inalok niya si Maya ng isang marriage contract. Babayaran niya ang ospital at bibigyan niya ito ng yaman para maghiganti. Ang kapalit? Kailangan nitong magpanggap na tunay niyang asawa magbigay ng tagapagmana at sumunod sa nag iisang mahigpit na rule nila. Mandatory physical contact. Now Maya is back. Hindi na siya ang kaawa awang asawa na madaling tapakan. With the most powerful billionaire strictly holding her waist she is ready to make her ex husband and her traitor best friend beg on their knees. She is ready to become the queen of his dark empire. Pero paano kung sa kalagitnaan ay silay magkahulugan. Can they live up to it?
Romance
56 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status