Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?
Romance
10241 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pretending To Be His Wife

Pretending To Be His Wife

Nang tumawag sa kanya ang kakambal na si Avery at nagsumbong na bugbog sarado na naman ito sa asawa ay doon naantala ang binalak sana ni Aviona na umalis ng bansa. Her twin sister was married to the most anticipated Billionaire around Asia. Kilala lamang niya ang lalaki sa pangalang Creed Morgan at bukod doon, wala na. "I was humiliated. I was in a deep cut slice of pain if I continued to be with him. Can you do me a favor, Ava. Pretend that you are me. Save me in the brink of my death." Avery Rodriguez was her twin, her friend and her companion noon pa man. Bagaman siya ang mas bata, Aviona Rodriguez inherited this personality as strong and untamable. Ngunit nang tinanggap niya ang alok ng kakambal ay naroon na sa kanyang utak na ipaghiganti ito, subalit nang lubusang nakilala niya na si Creed Morgan ay doon pa nagbago ang pananaw niya sa lalaki sa gitna ng binalak niyang basagin din sana ito. Aviona Rodriguez was tempted. Ngayon ay hirap na siyang makalabas dahil nakakulong na siya sa mapangahas at makamandag na mga bisig ng isang Creed Morgan.
Romance
1012.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1037.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love Revenge

Love Revenge

Ms. Chy Chy
Do good to all people and Be merciful that's my daddy words.One night my bestfriend invited me to hangout, I'll go. I do secured the area first, I know we're safe then, pero hindi pala lahat maproprotektahan mo. Tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang siyang nagpakaba saakin mabilis ang mga kilos ko ng bumagsak ang kaibigan ko nilibot ng mga mata ko kong saakin galing ang putok nayukom ko ang kamay ko. It cant be, I do love my job because I trained it, I wanna all perfect but I was wrong.Tumulong ang mga luha ko nong ngumite siya saakin at may hiniling and I said Yes!Akala ko okey lang pero nagkamali ako, pinasok ko ang buhay na malayo sa profession ko at tanggapin ang pabor ng kaibigan ko kasabay ng alok ng lalaking siya rin ang dahilan kong bakit andito ako ngayon. Kailan kaya ako makakalaya sakaniya? Kailan kaya ako mabubuhay ng normal katulad ng dati? Kailan ko masasabi sa taong mahal ko simula noon kong siya ang dahilan ng paghihirap ko ngayon.
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
Romance
10367 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia. Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez. Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata. Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
Romance
1021.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?
Romance
9.816.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY SON'S DADDY is a MAFIA

MY SON'S DADDY is a MAFIA

WARNING ⚠️ SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! READ AT YOUR OWN RISK ...!!! Dala ng matinding bugso ng damdamin sa pagdadalaga Amber Rizalyn Joy got pregnant at the age of seventeen, without knowing who is the man she slept with on that night. Paano kung isang araw ay makakaharap niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kan'yang anak? Would it be possible that the man in front of her is the father of her son? Paano kung bigla na lang itong sumulpot sa kan'yang harapan kasama ang kanilang anak at yayain s'yang magpapakasal? Kaya n'ya bang tanggihan ang alok nito sa kabila ng nasaksihan n'yang pagmamakaawa ng kan'yang anak sa ama nito na pakasalan s'ya at buoin ang kanilang pamilya. Ano ang naghihintay na buhay sa kanilang mag-ina sa piling ng isang mafia? Magiging reyna kaya s'ya sa puso ng lalaki o magiging asawa lang dahil sa anak nila? Paano kung isang pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama? Pagsubok na s'yang sisira sa tiwala nila sa isat-isa kasama na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mananaig kaya ang nabuong pagmamahalan laban sa tiwala na nasira at nawasak?
Romance
10267.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

Ang maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya. At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila. Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo. "You want me to help him? Then, marry me." Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.
Romance
103.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
7891011
...
14
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status