Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
8.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 256 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
Play with me, Mr. Rafa

Play with me, Mr. Rafa

Isang mabuting anak si Nathalie Jimenez sa kanyang mga magulang ngunit pinipilit siya ng mga ito na magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Isang matagumpay na business man si Rafael Blake. Halos nasa kanya na ang lahat. Nagtatrabaho si Nathalie sa Blake Company at may lihim na pagtingin kay Rafael ang pinsan ng kanyang boss. Isang gabi ay may nangyari sa kanila dahil sa truth or dare na laro ng kanilang mga kaibagan. Pagkatapos nang gabing iyon ay naging friends with benefits na sila. Magbabago ba kasunduan nila? Paano kung may sekreto si Rafa, matatanggap kaya ito ni Nathalie?
1025.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 834 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE

BILLIONAIRE SERIES: MY KIDNAPPER IS A BILLIONAIRE

"W-what the fudge am I gonna do?” Citrine found herself in a panic as she saw the blood flowing in Rivers"s stomach. “Don"t you dare die on me! I'm telling you River!"She hasted in a very panic tone because she can’t afford to see a person dying in front of her. P-pwede tumahimik k-ka?” Nahihirapang salita ni River sa kanya habang sapo-sapo nito ang kanyang tiyan na may tama ng bala. Kinuha nito ang kanyang kamay upang ipangtakip sa sugat nito na mas lalo niyang ikinataranta. “F-fuck! Come on, Ill take you to the hospital! "She shouted when she felt his body was hot. Sinapo pa niya ang noo nito but River refused to be touched. She was stunned to speak again when she noticed how River gave him a look while breathing heavily. “Kapag pumunta tayo ng hospital, Tatakasan mo ko, Hindi pwede. D-dito ka lang," Sagot nito habang tinitiis ang sakit. River was one of the members who tried to kidnapped him. In his state, she could easily leave him and escape but how could she leave the person who also tried to keep her safe? She was about to move her hands when she felt River had passed out. She slowly moved near to his heart to check if there is any heartbeat. Muli siyang nag-panic ng hindi niya maramdaman ang tibok ng puso nito kung kaya't napahawak siya sa magkabilang pisngi nito at tinignan ang nakapikit na binata. She automatically pressed her lips against him to give him a CPR but he wasn't moving! She was lost when she suddenly felt his lips was moving and there! She just kissed her hot kidnapper! How on earth and heaven that this gorgeous, fine young man, good-looking and stud-muffin guy became her kidnapper?
103.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 126 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
Unwanted Wife (Taglish)

Unwanted Wife (Taglish)

"Kasal kana Thunder!" malakas na sigaw ko rito at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha. "Shut up, you bitch! Ano ngayon kung kasal na tayo? Sa tingin mo magbabago ang pakikitungo ko sayo? Huwag kang umasa Jewel! Kasal lang tayo sa papel, dala mo lang ang apelyido ko pero hindi mo ako pag mamay ari at kahit kailan ay hindi kita mamahalin! Itaga mo 'yan sa isip mo!" sigaw niya sabay alis. Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon, pilit hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli siya ay pikit matang iiling, itatabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang pagmamahal para sa kanyang asawa. Para sa lalaking kailanman ay hindi niya nakikitaan ng pagmamahal sa kanya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag ibig? Hanggang kailan niya kayang magtiis at lumabang mag isa? Hanggang kailan niya ilalaban ang isang laro na pilit pinapatalo ng taong mahal niya? Jewel Dawson, nag iisang anak at tagapagmana ng pamilyang Dawson, nakatakda na maging asawa ni Thunder Alcantara na nanggaling din sa mayaman na pamilya. Isang taong pagdurusa. Isang taong sakit. Isang taong pagiging miserable. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pagmamahal?
9.8347.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 7.7K Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Ipakita ang mga Review (95)
Read
+Library
Inkfusion
Ito yong story na mapapa question ka sa worth mo as a woman. if you want to leave for yourself, or you'll stay because you love that person. No matter what his reason was, insulting your partner doesn't give you the right or to deserve her. she's pure, innocent and loving woman you couldn't ask for.
imJanKenneth
Aside from the minor technicalities that I noticed, I would like to congratulate the author for giving the exact amount of emotions needed. Especially, the “hugot” lines of every characters. Para kang nakasakay sa roller coaster kapag binasa mo ang istorya na ito. BEWARE: NAKAKA-HIGHBLOOD! Grr.
Basahin ang Lahat ng Review
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
1023.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 511 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
The CEO Dirty Little Contract

The CEO Dirty Little Contract

Alam ng lahat ng empleyado sa Siam Industries — huwag mong titigan si Khun Theerak Kivatzkhi sa mata. Malamig. Walang awa. At naniniwala na lahat ng bagay — pati tao — ay nabibili ng pera. Takot na takot sa kanya ang lahat. Lahat maliban kay Neng Dawin. Isang gabi, hindi sinasadyang marinig ni Neng ang isang bagay na hindi dapat. Isang usapan. Isang transaction. Isang bagay na maaaring makasira kay Khun Thee. Dapat niyang tawagan ang pulis. Pero bago pa siya makaalis — nahuli siya. Akala niya katapusan na niya. Pero imbes na saktan siya, inalok siya ni Khun Thee ng isang kontrata: "Pretend to be my wife for six months. In return — your mother's hospital bills. Everything." Walang choice si Neng. Pumirma siya. Pero hindi niya alam na ang demonyong ito ay may sariling multo. May babaeng nagngangalang Xia — maganda, makapangyarihan, at baliw na baliw kay Khun Thee. At handa niyang sirain ang lahat — kasama si Neng — para lamang makuha ang lalaking hindi naman kanya. Habang nagaganap ang lahat ng ito, may isa pang kuwento na tahimik na umiikot sa paligid — sina Rheya at Mike. Dalawang Thai na tila may kanya-kanyang dinadalang bigat. Hindi mo alam kung magkaibigan, magkaribal, o may nakaraan na hindi pa tapos. Paano kung ang kasunduang dapat ay anim na buwan lang... ay maging dahilan para mahulog ang isa't isa? At paano kung ang babaeng dapat ay peke lang... ang siya palang magiging totoo?
77 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 90 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO

THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa.  Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa  niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
6.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 208 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
107.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 189 Beses bilang answer logic tagalog na may sagot
Read
+Library
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
16 viewsOngoing
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status