Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE NIGHT STAND WITH A CEO

ONE NIGHT STAND WITH A CEO

Si Diane ay isang simpleng mahirap na dalaga lamang na lumaki sa isang squatter area ng Metro Manila. Ang tanging gusto niya ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya at maging isang inhinyero. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana nang isang gabing kalakasan ng ulan ay nagkrus ang landas nila ni Gerald, isang mayamang CEO. Nagkaroon sila ng one night stand. Nang sumunod na araw na pumasok si Diane sa kanyang trabaho, hindi niya inaasahang magkrus muli ang landas nila. Nagulat siya na ang boss niya ang matagal na pala niyang hinahanap na naka-one night stand niya. Si Gerald ay nagulat din. Ang isang babaeng di niya makalimutan ay siyang magiging Office Assistant niya. Mabubuo kaya ang pag-iibigan sa pagitan ng CEO na hindi naniniwala sa relasyon at sa kagaya ni Diane na isang hopeless romantic? Paano niya mailalaban ang pagmamahal niya sa kanya mismong boss?
Romance
15.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage of Convenience with the Billionaire.

Marriage of Convenience with the Billionaire.

Sa mismong araw sana ng kasal ni Amelia ay hindi sumipot ang lalaking mapapangasawa niya. Pero hindi inaasahan na isang estranghero ang lumapit sa kanya at basta na lang siyang inalok ng kasal. Ayaw sanang tanggapin ni Amelia ang alok na kasal pero kinakailangan niya iyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Pagkatapos ng kasal, saka lang niya nalaman ang pangalan ng estranghero na hindi mawala sa kanyang isipan. His name is Cormac. Pero hindi niya inaasahan ang lalaking napangawa niya ay isa palang bilyonaryo.
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Rewritten Vow

The Billionaire's Rewritten Vow

Pakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi. Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé. Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya. Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
Romance
1016.8K viewsOngoing
Show Reviews (27)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hmm..mukhang panahon na pra magtagpo Sila ni Marco at Kara at kambal pa ata SI Raspberry haha pero dpat this time close SI victor sa twins para nmn masaktan ntin SI Marco haha mag over think din Siya haha kung anak ba ni Kara sa iBang lalaki or Kay victot ung kambal naku cgurado nababaliw SI marco
Analyn Bermudez
thank you Ms Lilian sa maagang update !! ang ganda!!! malalagpasan niyo din Marco at Kara pagsubok sa inyo..gagaling din si baby Kyros na yan...naku Marco kailangan mo tlga ligawan si Kara para bumalik ung tiwala niya sa Yo...Kara wag marupok hayaan mo ligawan at suyuin ka ni Marco ..pahirapan mo
Read All Reviews
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.818.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Untainted Love (Tagalog)

Billionaire's Untainted Love (Tagalog)

Yohanna Leigh
Ethan Montenegro is Allison Garcia's impossible dream. Ito iyong sikat na heartthrob sa campus, at siya naman iyong saktong tahimik na nag-eexist lang sa background. Hindi siya napapansin at okay lang iyon sa kanya. Ethan and Allison's paths were never meant to cross until a mere nanosecond of eye contact changed everything. Since then, Ethan has become like bubblegum stuck on her shoe. Hindi na niya ito maipagpag dahil pirmi na itong nakadikit lagi sa kanya. Hanggang sa ang pagkakaibigan nila ay nauwi sa pagmamahalang noong una ay confident si Allison na kahit anong mangyari ay ipaglalaban nila ang isa't isa. Hindi niya akalaing isang araw, siya ang mismong gagawa ng paraan para kamuhian siya ng lalaking minamahal. She broke his heart and made sure the sin she committed was beyond redemption. When fate brings them together again, would Ethan find it in his heart to forgive Allison?
914.7K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1017.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Pet Wolf

My Pet Wolf

I love dogs! Ngunit lumaki ako na hindi man lang nagkaroon ng aso. My parents wouldn't let me. Magastos at mahirap daw mag-alaga. Ngayong hindi na ako nakatira sa poder ng mga magulang ko, pwede na akong mag-alaga! Parang nakikisama ang langit dahil isang araw, may natagpuan akong isang aso. Isang malaking aso! Nanghihina ito at may mga sugat rin. I brought it home to tend to its wounds. Pinakain ko rin ito and I decided to take care of it. But, one day, my dog started acting weird. Palagi itong nagpupumilit na sumama sa loob ng banyo kapag maliligo ako. He would always sit still and watch me while I take a bath. It's kinda creepy.
Other
1013.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Dispensable Woman

The Mafia's Dispensable Woman

Pinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo

Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo

“Kung pareho tayong nasa panganib, sino sa tingin mo ang unang ililigtas ni Jared?” Bigla niyang tanong. “Ano?” Wala akong pagkakataon na iproseso ang mga salita niya dahil sa sumunod na sandali, nakaramdam ako ng pagtulak sa likod ko at nawalan ako ng balanse, gumulong ako sa hagdan at bumagsak sa ibaba. ***************** Na kay Arielle na ang lahat–magandang career bilang talentadong chef at tagumpay na pagsasama kasama ang isang Bilyunaryo. Habang ang asawa niya ay malayo, naniniwala siyang nagmamalasakit ito sa kanya ng husto. Kuntento na siya sa kanilang relasyon, at naappreciate niya ang napagsamahan nila. Isang araw bago ang ikatlo nilang wedding anniversary, nadiskubre niya na buntis siya at sabik na sabik at puno ng pag-asa. Umaasa siyang maibabalita niya ito sa kanyang asawa, sigurado siya na magdadala ito ng positibong pagbabago sa pamilya at maaari pang lumambot ang ugali niya. Pero, iba ang plano ng tadhana. Bago pa niya maisiwalat ang pagdadalangtao niya, isang hindi inaasahang tao ang nagpakita mula sa nakaraan ng asawa niya–”ang dati niyang kaibigan”. Habang papasok ang bagong dating na ito sa buhay nila, lingid sa kaalaman ni Arielle, ang hindi inaasahang pagdating ay hahamunin ang lahat ng alam niya tungkol sa kanyang pagsasama, sa asawa niya, at kanyang sarili.
Romance
6.515.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

Si Beatrice ay niloko at ipinahamak ni Minda, ang dapat ay kanyang magiging biyenan. Dinala sya nito sa kwarto ni Marcus, ang tiyuhin ng kanyang fiance na noon ay nakawheelchair dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito. Napilitan syang pakasalan si Marcus upang mabawi ang dangal na nawala sa kanya. Ang inaasahan nyong miserableng mangyayari sa buhay nya mataposa maipakasal kay Marcus, ay kabaliktaran pala ng tunay na mangyayari. May tangi lamang syang problema sa kanilang pagsasama, si Marcus ay may sakit at mahina na. Ngunit isang araw matutuklasan nya ang isang sekreto ng kanyang asawa na ito pala ay palihim na nagpapagamot. Ito na kaya ang magiging umpisa ng kanilang perpektong pamilya o ito kaya ang magiging dahilan upang mas gumulo pa ang kanilang buhay.
Romance
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status