Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1021.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Don't touch the Billionaire's wife

Don't touch the Billionaire's wife

Makikipaghiwalay si Sarah sa asawa upang mahanap ang mga anak. Lingid sa kaalaman ng lalaki ang katotohanan na iyon at mayroon siyang triplets na pagka-anak niya ay ibinigay sa kaibigan. Paano kung isang araw ay malaman niya na ang ama ng mga anak ay ang siya rin palang naging asawa niya ngunit huli na ang lahat dahil nawawala ang mga ito.
Romance
9.116.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night With My Ex-Husband

One Night With My Ex-Husband

Sa loob ng dalawang taon, hindi akalain ni Jessy Flores na lokohin siya ng asawang si Philip Montana sa araw pa mismo ng wedding anniversary nila.  Simula rin ng araw na iyon ay nakipaghiwalay siya sa asawa at nagpasyang pumunta ng Baguio kung saan, muling nagkrus ang landas nila ng kaibigang si Niko Alonzo na siyang handang bumuo sa nawasak niyang pagkatao.   Paano kung bawiin siya ni Philip mula kay Niko? Manunumbalik pa ba ang naglahong pag-ibig para sa dating asawa? O haharapin si Niko at kakalimutan si Philip na unti-unting nagising sa katotohanang mahal pa siya nito?
Romance
1015.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Anna

Anna

Galing sa pinakamahirap na isla ng Isla Verde si Anna Matumbakal, galing sa mahirap na pamilya at mayroong anim na kapatid. Mahirap ang buhay kaya nangarap na sana balang araw makapunta ng Maynila para makapagtrabaho. Pero nangangamba siya kung makakahanap nga eh highschool lang naman ang tinapos nya at higit sa lahat hindi naman sya kagandahan at maliit din siyang babae, na matatawag mo nang bansot, pandak o kung ano pa. Ang ina niya lang ata ang laging nagsasabing napakaganda niya. Pero dahil sa tulong ng kanyang best friend na lumipat ng maynila limang taon na ang nakakaraan ay natupad na ang kanyang pangarap na makapunta ng maynila at makapagtrabaho para matulungan ang kanyang amang pangingisda lang ang alam na hanap buhay at inang naglalabada. okay naman sana ang lahat, kaso sa hindi inaasahan tumibok ang puso nya sa isang lalaking nag ngangalang Marcus John Maxwell, ang nagiisang tagapagmana ng Maxwell group of company. Sa tuwing makikita nya itong kumakain sa restaurant kung saan sya nagtatrabaho bilang waitress ay mabibilis ang tibok ng kanyang puso at para syang nasa paraiso kasama ito. kaso ngalang napakasungit nito at TAKEN na! sampung taon na daw ang relasyon nito sa long time girlfriend nitong si Meghan Lim. Lagi nalang akong nangangarap na sana maging akin nalang siya, sana magkatulad kami ng mundo. Pero alam ko kahit baliktarin pa ang mundo mananatiling langit sya at lupa ako, na sana ako nalang! pero isa lang naman itong pangarap na kahit kailan hinding hinding mangyayari.
Romance
1020.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1019.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Mort Ville (Tagalog)

Mort Ville (Tagalog)

El Celery
Isang napakalaking syudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati dito upang paghiwalayin ang magkaibang lugar sa iisang syudad. City A o tinatawag bilang 'Ordinary City'. Dito matatagpuan ang ordinaryong mga tao kung saan walang krimen na nagaganap. Mga inosente ang mga naninirahan at walang kaalaman tungkol sa kaharasan. Napaka-organisado ng kanilang pamamahala. City B o tinatawag na 'Mort Ville' na ibig sabihin ay Dead City. Mga kriminal ang naninirahan at legal ang paggawa ng krimen lalo na ang pagpatay. Hindi mo malalaman ang tunay na nakapaloob dito kung hindi ka makakaranas na tumapak dito. Think first before you step your feet inside the Mort Ville. Baka pagsisihan mo lang.HINDI KA MAKAKAWALA. WALANG MAKAKATAKAS. "Ms. Zaylee Yvette Jordin. You are now part of our city, Mort Ville. Congratulations."
9.516.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Conrad Lexus Farris. All he wanted is to skip his toxic life away from the city for a while. Dawn Zelena Augustino. All she wanted is to finish her studies and find a great job to achieve her dreams in life. But when their paths crossed, kapwa nagulo ang payapa nilang buhay. Hindi man maganda ang una nilang pagtatagpo, naging daan naman iyon upang makilala nila ang isa't-isa. But the summer that made their heart extremely happy, was also the summer that made their heart empty. Akala ni Dawn, kaya niyang ibaon sa limot ang lahat. Ngunit paano niya magagawa iyon gayung sa init na kanilang pinagsaluhan, may nabuong sanggol na mag-uugnay sa kanila ng lalaking bigla na lamang siyang iniwan sa ere at naglaho na parang bula? At sa di inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Yun nga lang, hindi siya nito kilala. Malamig at arogante ito makitungo sa kanya na parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya limang taon na ang nakararaan. Ayaw niya na sanang ipaalala ang masaya at mapusok na pinagsaluhan nila noon. Ayaw niya sanang umeksena sa buhay nito lalo pa't nalalapit na itong ikasal sa ibang babae. Kaso nang makita ni Conrad ang anak niya, di maipagkakaila na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. At ang masaklap pa nito, ang bata mismo ang umamin sa lalaki. "You're my dad right? Mama has many photos of you together and told me a lot of stories about you!" Connor screamed in excitement. Napaawang si Conrad at di makapaniwala sa natuklasan! At nang magtama ang mata nila ng lalaki, alam ni Zele na ito na ang magiging simula ng kalbaryo niya.
Romance
1022.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
Romance
1019.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Stolen Innocence

Stolen Innocence

Opacarophile26
We thought that if you're from the province, Manila could change your life. Ivory Belle, who lived in the province of Batangas, went to Manila for work. She believes that risking her life to visit places she has never heard of is the best thing she can do to help her family. She had no idea that Manila would change her life and herself. She has no idea how to love, what it feels like, or what to do in a relationship. Ivory Belle, the innocent woman who works as his secretary in her boss's evil world. The evil Boss who becomes stressed as a result of Ivory's presence. Hindi inaasahan ni Ivory na sa isang iglap ay magiging secretary siya ng isang lalaking nabangga niya sa labas ng isang malaking building. Ang kilalang CEO ng Montemayor Company na si Lucas. Ang kilalang terror boss, ang walang pusong boss na hindi tinatagalan ng secretary. Pero hindi ito naging hadlang kay Ivory upang makapagtrabaho. Sa inosente nitong mukha at pagkatao, pinasok niya ang buhay sa Manila na wala siyang kaalam-alam. Dahil sa inosente niyang utak, sa paglipas ng mga araw ay hindi niya nararamdaman ang pagkahumaling sa kaniya ng kaniyang Boss. Ang pagiging seloso nito, possessive at ang pagpipigil sa sarili ay hindi napapansin ni Belle. Pinag-aral siya ni Lucas ng kolehiyo nang malaman ng lalaki na pangarap niya ito, ang makatapos. Days, months and years has past and everything between the two of them went well. They fall in love to each other, they're happy to each other even though Belle makes her Boss stressed sometimes. But, when Mrs. Montemayor, Lucas mother heard about the relationships of them. That's the time that Ivory Belle felt the pain that she never felt before.
Romance
1019.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Sister My Lover

My Sister My Lover

Sa isip mo magkapatid kayo pero paano kung tumitibok ang puso mo sa tuwing kasama mo siya? Sa pag iwas mo mas lalong lumalalim ito. Alam mong may mali sa nararamdaman mo pero nagiging tama ang lahat kapag sa kanya na lang umiikot ang mundo mo. Paano kung isang araw mahal mo na pala siya pero hindi pwede dahil magkadugo kayo. Anong gagawin mo? Ikukubli mo ba ito o bibigyang hustisya kung anong nasa loob mo? Paano kung ganun din pala siya sayo? Tatalikuran niyo ba ang masakit na katotohanan at tatakbo para magsama ng higit pa sa magkapatid o ibabaon na lang sa limot ang minsang nagbigay sayo ng labis labis na saya?
LGBTQ+
1017.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status