The Ruthless CEO's Forced Wife
Mabilis akong humarap sa kabilang direksyon, nagtalukbong ulit ng kumot hanggang balikat, at pinabagal ang paghinga para magkunwaring tulog.
Mayamaya ay ang papalapit na niyang mga yabag ang narinig ko naman. Sumunod ay ang bahagyang paglubog ng kutson sa tabi ko, indikasyon na naupo siya. Pinakiramdaman ko kung nahiga pa siya pero tingin ko'y hindi pa.
"I know you're awake, Paola," aniya sa mahinang boses pero ikinagulat ko. "You're breathing too fast for someone who's supposedly asleep."