Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Under My Father In-Law's Touch

Under My Father In-Law's Touch

“I can treat you better than my son, Eve.” —MAGNUS GULLIERMO Akala ni Eveline "Eve" Evazco ay magiging masaya na siya sa piling ni Eros Gulliermo matapos silang ikasal. Ilang taon rin silang naging magkasinatahan hanggang sa maikasal sila, ngunit sa loob lamang ng anim na buwan na pagsasama nila bilang mag-asawa ay doon lang nakita ni Eve ang tunay na ugali ni Eros, ni hindi siya nito tinatabihan sa pagtulog na labis na ikinaiinis ni Eve dahil may pagkakataon na gusto nito makipagséx sa asawa ngunit bigo siya. Hanggang sa biglang umuwi ang ama ni Eros, si Magnus Gulliermo, and father in-law ni Eve na magpaparanas sakaniya ng matagal na niyang gustong maranasan. Mapupuno ng pagnanasa si Eve at Magnus sa isa't isa matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila, matatapos kaya iyon sa isang beses lang? o masusundan pa, hanggang sa hindi na nila kayang pigilan ang bugso ng damdamin nila.
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

Isa lang naman ang gusto ni Cathy Xyra Garcia at ito ay si Grey Sanford, ang lalaking kinahuhumalingan niya ngunit sa kasamaang palad, hindi siya mahal nito kaya naman sa sobrang pagmamahal niya sa binata, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan at kinulong ito sa isang kasal. Akala ni Cathy ay ito na ang magiging daan para sa kanilang happy ever after na ending, ngunit siya ay nagkakamali. Dahil sa kasamaang palad, imbis na makatanggap ng pagmamahal, nakatanggap siya ng pang-aabuso mula sa kaniyang asawa. Ngunit dahil mahal niya ito, nanatili parin siya sa piling ng asawa at piniling magpakamartyr. Hanggang kailan siya magtitiis? May pag-asa pa bang mahalin siya ni Grey? abangan....
Romance
1029.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Exclusively for the Mafia

Exclusively for the Mafia

Sizzling hot in red pair of swimsuit, Raya walks confidently in the runway. She smiles genuinely and owns the stage like a queen. Napakuyom na lamang ng kamao ni Damielle Villacorda. Paanong ang namayapa niyang asawa ay nasa national Television ngayon at rumarampa bilang contestant sa beauty pageant? Soon, his question was answered. Ang nasa likod ng lahat ng iyon ay walang iba kundi si Rio Costor, ang pinuno ng kalaban nilang Mafia. But no one can stop Damielle, not even danger. Hindi siya papayag na hindi niya makuhang muli ang babae. By hook or by crook ay aangkinin niyang muli ang kanyang misis. Ngunit ang tanong, paano niya sisimulang makalapit sa kanyang asawa kung wala itong maalala sa nakaraan at ang kinikilala nitong pamilya ngayon ay ang pinuno ng kalaban nilang Mafia? Ano ang kayang isugal ni Damielle sa ngalan ng pag-ibig? Handa ba siyang palitan ang kanyang katauhan, maangkin lamang muli ang kanyang mahal? At mapapanindigan niya kaya ang kanyang desisyon kung ang kapalit ay ang unti-unting pagguho ng organisasyong pinaghirapan niyang itatag?
Romance
1015.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.323.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8240.4K viewsCompleted
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6463.2K viewsOngoing
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hahaha naku Ms A masyado pala kami naexcite noong nlaman ni Geoff na Meron Sila anak ni Allyson at nlaman na Rin sa wakas Ang totoong pagkatao ni allyson..Hindi pa pla tapos dhil Meron pa pala kontrabida sa buhay nila..sana Ms A maikulong Ang mga dapat nakulong kapag ginawan nila ng masama
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Read All Reviews
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1012.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-aari Ako ng CEO

Pag-aari Ako ng CEO

Matapos malaman ni Lorelay ang katotohanan na may kaugnayan si Mr. Shein sa pagkamatay ng papa niya, iniwan niya ito ng walang pagdadalawang isip. Nabuo ang galit sa puso niya para sa kaniyang asawa kaya kailangan niya ng oras para makabangon siyang muli. After she spent her last night with her husband, she decided to leave without leaving any traces behind. Because of her disappearance, maraming pagsubok ang dumaan sa kanila. Many third parties involved na naging daan kung bakit napagdesisyunan ni Lorelay na huwag ng bumalik sa asawa. After 5 years, bumalik si Lorelay. With the lawyer in front, she signed the contract stating that she'll be Mr. Shein's assistant kapalit ang isang milyon. Lorelay knew that the contract is not on her favor. She knew what will gonna happened to her while staring at Mr. Shein's cold eyes. Gone with the loving husband. Gone with the caring husband. All she can see now is the ruthless, and cold-hearted CEO. 'Para sa mga anak ko at kay auntie Lorena, lahat ay gagawin ko.' Ang sinasabi ni Lorelay sa isipan niya habang tinatahak ang daan papunta sa asawa niyang minsan na niyang nilayasan. She’s back in his husband’s embrace, knowing that she’ll taste his wrath for leaving him 5 years ago.
Romance
9.8107.9K viewsCompleted
Show Reviews (38)
Read
Add to library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Ani Ca
pa publish po sa novela Hanggang addss la po kaya ko🥹 but maganda Ang story kahit Hanggang chapter 4 lang abot ko no monar kaya dikona mabasa Ang iba but I want to read it sana ma publish sa novela in adds lang Ang kilangan hehe thank u...
Read All Reviews
Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Pagkatapos ng pag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika, bumalik si Aricella Vermillion sa Pilipinas para magbukas ng isang financial company kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay parehong shareholder at direktor. Siya ay kinidnap noong isang taon at iniligtas ni Igneel Mauro, isang pulubi. Upang mabayaran ang kanyang kabaitan ni Igneel, inalok niya si Igneel na maging asawa niya. - Ang tagapagmana ng pamilyang Rubinacci ay pinaalis sa pamilya 10 taon na ang nakakaraan para sa isang pagsubok na ibinigay ng pamilya. Naging pulubi sa loob ng 9 na taon sa ilalim ng interbensyon ng pamilya hanggang natagumpayan niya ang pagsubok. Matapos siyang mailigtas ay pumasok siya sa buhay ni Aricella at naging manugang ng pamilya ni Aricella. Ano nga bang mangyayari sa buhay ni Igneel sa puder ng bagong pamilya o pamilya nga ba ang turing sa kanya? Alamin ang kuwento ni Igneel at ni Aricella .
Romance
9.675.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status