Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HER SECRETLY STONGER HUSBAND

HER SECRETLY STONGER HUSBAND

RRA
Hindi alam ni Veronica Atienza, kung saan napulot ng kanyang ama ang isang lalaking nagpakilalang Samson Pelaes, pilit silang ipinakasal at naging asawa nga niya ito, nagkalayo sila dahil nadistino si Veronica bilang isang police woman sa malayong lugar, upang lutasin ang isang kaso tungkol sa isang sindikato, hindi niya alam na involve rin ang asawa niyang inaapi ng lahat, basura, hampas lupa, at kung ano-anong mababang salita ang tinamo nito sa kanyang pamilya, ngunit nanatili ito sa kanyang tabi, kaya naman hindi niya namamalayan na ang dating galit at inis para sa mahirap na asawa ay naging pag-ibig, lingid sa kaalaman ng lahat na anak pala ito ng pinakamayamang tao sa Europe, sa bansang France ito lumaki at nagka-isip. At hindi niya alam na ang lalong ikagugulat niya ay ang espesyal at naiiba pang katangian ng kanyang asawa, ang lakas nito na hindi matatawaran, kaya nabansagang si Samson. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat kung sa muli nilang pagkikita matapos ang limang taon ay babalik itong napakayaman na at hindi na nila masasaling pa? Maghihiganti ba ito? O pag-ibig ang paiiralin?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
BETRAYED & SOLD BY MY HUSBAND (SPG)

BETRAYED & SOLD BY MY HUSBAND (SPG)

Veena Morales Segovia loved Sixto for years. Kaya nang ipagkasundo sila para ikasal, she thought she was finally getting her happy ending. Pero isang gabi lang, gumuho ang lahat. Sa isang party na dinala siya ng asawa, she was drugged, dragged into a hidden room, and violated… because Sixto sold his own wife in exchange for a billion-peso project. At ang hindi alam ng lahat ay virgin pa si Veena. Ni minsan, hindi siya ginalaw ng asawa niyang mas abala sa kabit nito. At doon pumasok si Hudson Del Fierro. Ang lalaking dapat bibili lang ng proyekto… pero ang natagpuan niya ay isang babaeng durog, niloko, at ipinagbili ng taong dapat nagmahal sa kanya. Nang malaman niyang siya ang nakauna kay Veena, something in him snapped. Hudson wants answers. Sixto wants the deal. And Veena? She just wants to survive. Pero habang unti-unti siyang binubuo ni Hudson, she begins to realize one dangerous truth— Sometimes, the man who saves you… becomes the one you can’t live without.
Romance
128 viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife

The Billionaire's Ex-Wife

Lumaki si Angela mula sa bahay ampunan dahil sanggol pa lamang siya nang iwan siya ng kanyang mga magulang. Simula nang magkaisip siya ay si Donya Cynthia na ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan pati na rin ang nagpaaral sa kanya hangang kolehiyo. Ngunit nang maka-graduate siya sa kursong business administration ay tuluyan na siyang inampon ni Donya Cynthia. Upang ipakasal sa nag-iisa nitong apo na si Rafael Valdez. Matangap kaya ng binata si Angela upang maging asawa? Paano kung bumalik ang kasintahan ni Rafael na dalawang taon nang nang-iwan sa kanya ng walang dahilan? Kaya bang panindigan ni Rafael ang sapilitang kasal?
Romance
10104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Dispensable Woman

The Mafia's Dispensable Woman

Pinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
Romance
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Stained Love

Stained Love

Perpekto, ito ang paglalarawan ni Rosario sa kaniyang nobyo na si Raiden, na sa kabila ng kaniyang estado at sa kabila ng mga hadlang at problema na kinaharap ng kanilang relasyon ay nagawa siya nitong ipaglaban. Kaya naman nang alukin siya nito ng kasal ay mabilis siyang pumayag. Ngunit paano kung ang perpektong buhay may asawa ay malayong-malayo sa pinangarap niya?
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Expect The Unexpected Marriage

Expect The Unexpected Marriage

Katana
Synopsis  Mapipilitang umuwi si Brianna upang dumalo sa kasal ng kaniyang kakambal na si Lilianna. Ngunit ang inaasahang okasyon ng kapatid ay siyang magiging kasal pala niya, malalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya kayang lusutan pa. Magiging asawa siya pansamantala ng lalaking rason kung bakit siya nagpakalayo-layo noon.  Mapaglabanan pa kaya ni Brianna ang sariling damdamin na noon ay pinaubaya sa kakambal?  O tuluyan nang mahuhulog sa lalaking una niyang minahal?  Paano kung sa pagbabalik si Lilianna ay bawiin ang asawa?  Ibibigay niya ba ito sa kakambal sa pangalawang pagkakataon? O, ilalaban kung alam niyang una pa lang ay pagmamay-ari na niya.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status