Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila. Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan. Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw. Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Assassin Series 1: Chasing Contract

Assassin Series 1: Chasing Contract

sheenxinxin
Payne Nivanna Warwick never imagined that she will be following a man, just to get the partnership she was aiming for so many years. As a business woman, para kay Payne ay walang kasing halaga ang partnership na ito kumapara sa iba. She badly needed this partnership to secure her good spot in the business industry. Isa pa ay ito ang pangarap ng mga magulang niya kaya kaylangan niya itong tuparin. Akala ni Payne ay magiging madali lamang ang lahat sa kanya, pero mukang hindi lang sabi-sabi ang titulo ng binata na sinusuyo niya. Hindi nga ito tinawag na Ruthless Businessman dahil lang sa wala, at ultimo ang karisma niya ay hindi tumatalab sa lalaking iyon. Lahat ng paraan ay ginawa na ni Payne pero talagang nagmamatigas ang binata. Kung tutuusin nga ay madali lang ito para sa kanya, kayang-kaya niyang gumamit ng dahas makuha lang ang gusto niya. Pero hindi niya malaman kung bakit ba pagdating sa binata ay tila nakakalimutan niya kung sino ba talaga siya.
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Affair with my Uncle

Lustful Affair with my Uncle

WARNING: R18+ Si Savrinna Angel Dela Vega, ang unica hija ng mga Dela Vega. Sa kabila ng pagiging istrikto ng kanyang magulang ay lumaki siyang ginagawa ang gusto niya. Nang magtungo siya sa isang bar ay nakilala niya doon si Markus Axel Policarpio. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may naglagay ng party dr•gs sa kanyang inumin na muntik na niyang ikamatay kung hindi siya nailigtas ni Markus. Kumalat ang video ni Savrinna na nagsasayaw sa bar kaya pinadala siya ng magulang niya sa probinsya sa bahay ng kanyang lolo at lola. At doon ay muli niyang nakita si Markus, na nagpakilala bilang uncle niya. Nagulat siya sa nalaman dahil ang lalaking nakahalikan niya sa bar ay uncle niya pala. At mukhang wala itong planong magustuhan siya kaya naisip niyang gumawa ng paraan para makuha ang atensyon nito. Ang simpleng pagpupustahan kung sino ang unang matutupok sa laro ng pag-ibig, ay nagbunga ng hindi inaasahang pagmamahalan. Hanggang sa pareho na nilang hindi kayang layuan ang isa’t isa.
Romance
1093.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10118.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10401 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
Romance
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

BLURB: Judge Elias Reid Perez Salviejo; virgin wrecker, innocent hooker. Walang humihindi sa kaniya. He could easily capture every woman's heart regardless of their age because of his cool personality. Pero wala siyang sineseryoso. Para sa kaniya, tama na ang isang gabing puno ng aliw at pantasya. Vhanessa Anne Dizon; old maid at palaging kinakantyawang malapit na sa expiration. Ang masaklap pa, isa siya sa mga babaeng tinaguriang NBSB, o no boyfriend since birth. Hindi sa takot siyang magmahal, ayaw niya lang na maiwan sa bandang huli. Ngunit, nang pagkatuwaan si Vhanessa ng dalawang kaibigan, hindi niya akalaing mahuhulog siya sa kamay ni Elias. Ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya pingarap.
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Young Bride of Mr. Alaric Levine

The Young Bride of Mr. Alaric Levine

Walang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa mansyon ng hindi niya kilalang magiging asawa? Ang dinig niya pa ay matanda na ito at mahilig pa raw sa mga babae. Handa kaya siyang harapin ang pagsubok sa kanya ng kapalaran? Kaya niya bang mag isa na harapin ang pait at kasakiman ng mga may ayaw sa kanya? O sasamahan siya at poprotektahan ng lalaking nagpakilalang anak ng matandang mapapangasawa niya?
Romance
11.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status