Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY CHEATING HEART

MY CHEATING HEART

Desperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at galit na galit na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napatayo at takot na napaatras ng galit na lumapit ito sa kanya. Agad na pinisil nito ang panga niya. "Magpapakasal ako sa 'yo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na naisipan mo akong idamay ako sa kagagahan mo!" Nagngangalit ang panga nito at nanlilisik ang mga mata. Kahit takot at nasasaktan hindi niya maiwasang sumaya. Magpapakasal ito sa kanya! Well, magsasama sila sa impiyerno, till death to their part.
107.1K viewsOngoingAdded to Library 227 Times as ayaw mo na
Show Reviews (12)
Read
+Library
Analyn Bermudez
dumaan lang sa wall ko kaya sinubukan ko open haha mag uumpisa plang ako magbasa sana lang Hindi ako biguin ni Ms Author sa expect..mukhang mabait nmn ata SI Amelie kahit pinikot lng niya SI Tristan haha unlock na ntin Ang 16 chapter agad agad para Malaman kung okay ba
chalk83
At first, hindi ko talga nagustuhan yong story, naiinis ako sa ugali ng FL, nagskip ako ng mga chapters until i find it maganda pala ung story kaya ang ending bumalik ako sa mga previous chapter. Maganda ang pagkagawa ng author nabigyan niya ng buhay ang estorya na akala ko ay sobrang pangit.
Read All Reviews
The Billionaire's First Love

The Billionaire's First Love

“Papunta na tayo sa exciting part,” mapanukso ang tonong sabi ni Natalia rto. Wala siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi iparamdam kay Timothy kung gaano kasakit para sa kanya ang kataksilang ginawa nito. Unti-unti niyang kinalas ang butones ng suot niyang blusa. Tahimik lang si Matt habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi, “ Ibibigay ko saiyo ng buong-buo ang katawan ko. Damn, paligayahin mo ako. Paligayahin mo ako na para bang wala ng bukas. Gusto kong makalimutan ang kahayupang ginawa sa akin ni Timothy. Gusto kong kalimutan ang katarantaduhang ginawa nila sa akin,” nanginginig ang mga kalamnan na sabi niya rito. “Natalia. . .” “Angkinin mo ako, patunayan mo na hindi lang si Timothy ang lalaki sa mundo!” Yamot na sabi niya rito.
1025.8K viewsCompletedAdded to Library 824 Times as ayaw mo na
Read
+Library
You're Mine, My Best Friend

You're Mine, My Best Friend

Paano kung masira ang kasal mo at ng taong mahal mo dahil lang sa kagagawan ng best friend mong may lihim na pagtingin sa 'yo, ano nga ba ang gagawin mo?
1019.2K viewsCompletedAdded to Library 575 Times as ayaw mo na
Read
+Library
Ecstasy

Ecstasy

SoeilLuna
Marriage -the state of being united as spouses in a consensual and contractual relationship recognized by law Imagine all your life you are taught not to speak to strangers and suddenly right now you are asked to sleep with one ! "I never imagine this ikakasal sa isang katulad mo " She mumbled while burning in anger "Pasalamat ka Nga inililigtas ko ang pangalan ng Pamilya mo sa kahihiyan na kagagawan mo rin " Nakangisi at Dahan Dahan na umupo sa Kama nila
101.7K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as ayaw mo na
Read
+Library
Cold Stare (Tagalog)

Cold Stare (Tagalog)

Isang pangyayari sa gabing 'yon na hindi kailanman makakalimutan ni Melina. Dahil doon lahat ng mga bagay na mayroon siya ay nawala na nang saysay. Tila pati ang buhay niya. Laging nag-iisa at ayaw makipagkaibigan. Ganyan si Melina, binago siya dahil lamang sa isang trahedya na naranasan niya. Mababago pa kaya ang buhay niya? Buhay na may sigla at may saysay? Tila hindi pa pala ito ang hangganan. Hindi pa pala tapos ang lahat. ---------
1032.2K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as ayaw mo na
Read
+Library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
10756 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as ayaw mo na
Read
+Library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
2.1K viewsOngoingAdded to Library 84 Times as ayaw mo na
Read
+Library
CEO's Triplets On A Secret Mission

CEO's Triplets On A Secret Mission

“Gusto mo akong maging sa ‘yo ulit? Then, kailangan mong mamili. Ako o ang asawa mo?” “Gusto mo bang ikaw ang piliin ko?” “Kung tunay kang lalaki, alam mo kung sino ang pipiliin mo.” Napangisi si Warren at bumulong sa kaniyang tenga. “It doesn't matter if I am a man or not. Mas alam ng katawan mo kung gaano ako kalalaki, kaysa ng bibig mo.” **** Lubos ang sakit at paghihirap na dinanas ni Allison nang siya ay manganak, habang ang kaniyang asawa na si Warren ay nagpakasal sa bago nitong asawa. Ang akala ng lahat ay namatay siya noong araw na 'yon, ngunit ang totoo ay buhay siya sa ibang pangalan at pagkatao. Ngunit ang akala niyang kambal na anak, ay triplets pala! Hindi siya papayag na ibang babae ang kikilalanin nitong ina. Ngayon, ay gagawin niya ang lahat makuha lang ang anak niya, kahit pa isang Warren Harrison na isang bilyonaryo ang makakalaban niya. Pero paano kung hindi lang ang tadhana ang gagawa ng paraan para sa kanila? What if ang triplets nilang anak ay tila nasa isang secret mission para magkabalikan sila? OMG! Triplets On A Secret Mission!
102.0K viewsOngoingAdded to Library 57 Times as ayaw mo na
Read
+Library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
8.819.9K viewsOngoingAdded to Library 617 Times as ayaw mo na
Read
+Library
Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

Reynang Elena
Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.
3.9K viewsOngoingAdded to Library 137 Times as ayaw mo na
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status