Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1023.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Agam ng Kahapon

Agam ng Kahapon

Ukiyoto Publishing
4.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Ang boyfriend ko ay itinuturing na prince charming sa aming social circle, ngunit sa selebrasyon ng kaarawan ko sa isang yate, tinulak niya ako sa dagat para lang magpakitang-gilas sa isa pang babae mula sa aming university, pinagtawanan nila ang takot ko sa tubig. Lingid sa kaalaman niya, mayroon akong aquaphobia. Dahil dito, sinugod ako sa ICU habang nagawa naman niyang makuha ang puso ng campus belle. Noong nagising ako, nasa tabi ko siya at humihingi ng kapatawaran, ngunit wala akong ideya kung sino siya. “Pasensya na, kilala ba kita?” Tanong ko, takang-taka ako. Pinaliwanag ng doktor na nawala ang ibang alaala ko. Subalit, patuloy niyang ipinagpilitan na siya ang boyfriend ko. Hindi ko napigilang makipagtalo sa kanya. “Imposible! Si Raleigh Landon ang boyfriend ko!” Alam ng lahat na si Raleigh Landon ang pinakamumuhian niyang kaaway.
Short Story · Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
MAMAW: Pahiram ng Kasalanan

MAMAW: Pahiram ng Kasalanan

Armand Panday
May pangit na mukha ng isinilang si Banjo Canoy. Makakapal na mga kilay, maitim at busargang mga labi at ang pisngi ay tinadtad ng pimples. Kaya sa kanyang kabataan siya ay tinawag na Mamaw or pinaiklig Halimaw. A face that only a mother can love. Dahil sa itsura ay nilait siya ng mga tao. Ngunit ang mas masakit ay hinamak at pinagtawanan siya ng babaeng kanyang minahal. Naitanong tuloy niya sa sarili kung bakit siya nasasaktan at nag-durusa gayong wala naman siyang nagawang mali. Hindi naman niya ginustong isilang na pangit. Okay lang sana ang magdusa kung may nagawa siyang kasalanan kaya’t nausal niya ang mga katagang, “Pahiram na lang sana ng kasalanan” upang justified naman ang sakit. Ngunit nang mag-iba ang takbo ng kanyang kanyang buhay at hinangaan at kinabaliwan na siya ng halos lahat ng babae ay unti-unti na niyang pinakawalan ang poot sa kanyang dibdib. Ang galit na naipon dahil sa panlalait sa kanya noon ay tila apoy na tutupok sa mga nang-api at nanlibak sa kanya lalo na ang babaeng dumurog sa kanyang puso. It’s payback time. Sila naman ang luluha sa kanyang mga bisig.
Urban
104.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagtibok ng Puso

Muling Pagtibok ng Puso

Jam Mike
Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Asawa Ako ng CEO

Asawa Ako ng CEO

Zeym wants Sico to stop pursuing her, so she hired Rachelle Remadavia to seduce Sico so that he won't bother her anymore; she loves someone else, and that is Lyrico "Rico" Shein. In exchange for a million, Rachelle agreed to seduce Sico but in an unexpected turn of events, Rachelle ended up seducing Sico's twin brother, whom Zeym was in love with. Magkakaroon ba ng pag-ibig sa pagitan ni Rachelle at Rico? O magugulo lang ang buhay nila dahil kay Zeym?
Romance
9.967.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
674 viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Debut Ng Socialite

Ang Debut Ng Socialite

Matapos mag-graduate ng socialite training course, ang aking kapatid na babae ay nanumpa na magpakasal sa isang mayamang pamilya. Upang lumikha ng mga pagtatagpo kay Pierce Holden, ang prinsipe ng mga socialite, ang kapatid ko ang nagmaneho ng aking kotse, na gustong i-tailgate si Pierce at bumunggo sa sasakyan nito. Tinapakan ko ang preno at sinabi sa kapatid ko na hindi tanga ang mga Holden. Hindi namin kayang bayaran ang sasakyan ni Pierce, kahit na isuko namin ang lahat ng mayroon kami. Pagkatapos, nagkaroon si Pierce ng isang marangyang kasal na ikinagulat ng bansa. Nababaliw na ang kapatid ko sa selos, sinabing siya na sana ang bride kung hindi dahil sa pagpigil ko sa kanya noon. Dahil sa sama ng loob, binunggo niya ang kanyang sasakyan sa akin at pinatay ako. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking sarili sa front passenger seat. Kumpiyansa na ngumiti si ang kapatid ko, napako ang tingin niya sa mamahaling sasakyan sa harapan namin. "Sigurado akong mabibighani sa akin si Pierce kapag nakita niya ako. Hindi ko na kailangan magmaneho ng isang basura na ganito kapag nakasama ko na siya." Ngayon naman, hindi ko na siya pinigilan. Tinapakan niya ng madiin ang pedal ng gas, na naging sanhi ng pagbangga ng kotse laban sa sports car na may presyo na napakalaking halaga ng pera.
Short Story · Rebirth
828 viewsCompleted
Read
Add to library
Binili Ako ng CEO

Binili Ako ng CEO

'Once you sign the paper, you are already bound by him. There’s no escape, only death. ’ Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa kapatid niya. Sa bayan nila ay may isang lalaking tinatawag ng lahat na ‘madman’. Ayon dito, isa itong baliw na matanda na nakatira sa malaking bahay sa kanilang lugar. Ang sinasabi nilang "madman" ay naghahanap ng mapapangasawa na sasamahan siya sa buhay. Maraming nag apply dahil sa malaking pera na kapalit. Isa na doon si Lorelay. Sa daan-daang babae na nag-apply, siya ang napiling e purchase ng madman na kilala sa tawag na Ho Shein o Mr. Shein. Nang malaman ni Lorelay na siya ang napili ni Mr. Shein na pakasalan ay pumayag agad ito na ikasal sila ng alkalde ng kanilang lugar sa lalong madaling panahon. Ang hindi niya alam, ang taong madman na sinasabi ng bayan ay isa palang mayamang binatilyo na nagtataglay ng angking kagwapuhan ngunit may madilim na nakaraan. Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. But was everything just a coincidence? Or was it meant to entice her into a trap?
Romance
10405.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1022.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status