Ganti Ng Isang Inapi (SPG)
Paano kung ang babaeng itinuring mong basura noon ang siya palang magpapaluhod sa'yo ngayon?
"You're nothing without me." Ito ang huling sinabi ni Miguel sa asawa niyang si Betty bago niya ito ipagpalit sa ibang babae.
Matapos ang lahat ng sakripisyo, pagmamahal, at taon na ibinigay ni Betty, isang pagtataksil lang ang sumira sa lahat. Ang mas masakit? Nangyari iyon habang dala niya ang pinakamalaking himala ng buhay nila.
Akala ni Miguel tapos na ang kwento niya. Pero, nagkamali siya. Dahil nang bumalik si Betty, hindi na siya ang dating babaeng madaling apihin at balewalain. Isa na siyang Moretti-Bergman, tagapagmana ng isang billion dollar empire na kinatatakutan sa mundo ng negosyo, at may dalang sikretong kayang wasakin ang lahat ng pinaghirapan ni Miguel.
Ngayon, baliktad na ang laro.
Habang desperadong pinoprotektahan ni Miguel ang kanyang kumpanya, reputasyon, at mga kasinungalingan, isa-isa namang winawasak ni Betty ang pundasyon ng kanyang mundo. At sa bawat hakbang niya palapit sa paghihiganti, mas lumalalim ang tanong:
Paano kung ang babaeng itinapon mo noon ang siya palang may hawak ng susi sa iyong tagumpay at sa iyong tuluyang pagkawasak?
Sa larong ito ng kapangyarihan at pagtataksil, may isang bagay na hindi alam ni Miguel: Hindi lang si Betty ang bumalik. Pati ang nakaraan na pilit niyang nilibing.