Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10549 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Ang nobela ay sumusunod sa buhay ni Zoey Claire Alonzo, isang babaeng nagdesisyong pumasok sa isang mabilisang kasal (marriage of convenience) matapos iwan ng kaniyang dating kasintahan. Ang kaniyang pinakasalan ay si Jasper Alexander Villanueva, isang mayamang CEO at ang ama ng kaniyang menor de edad na matalik na kaibigan. Ang best friend niya na si Luna Isabelle Villanueva mismo ang nagpumilit sa kasal, na nagpahayag na ang kaniyang ama ay walang kakayahan sa pag ibig at nangangailangan ng ina. Sa kabila ng cold at ascetic na reputasyon niJasper, napatunayan na kabaligtaran ang lahat matapos silang magpakasal. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at pagnanasa, nagiging dominante at mapagmahal si Jasper na nagpapabago sa kanilang convenience marriage tungo sa isang seryosong relasyon. Ang sitwasyon ay lalong gumulo dahil sa muling paglitaw ng ex boyfriend ni Zoey, si Liam Ethan Navarro, na nagdulot ng love triangle at matinding komprontasyon, lalo pa at nalaman ni Zoey na matagal na siyang iniibig ni Jasper. Ang kanilang kuwento ay puno ng init, possessiveness, at drama sa loob ng pamilyang mayayaman, na umabot sa mga pagsubok tulad ng paghihiwalay at sakit. Sa huli, pinagtibay ni Zoey at Jasper ang kanilang wagas na pag ibig, lalo na nang ipaglaban ni Zoey ang kanilang anak, na nagpapahiwatig na sila ay matatag na magsasama.
Romance
1011 viewsOngoing
Read
Add to library
Escape Marriage

Escape Marriage

vintaegexmc
Talulla Fay Zelda, nag-iisang anak ng isang sikat na mag-asawa na may-ari ng malaking kumpanya sa may Cavite. Lagi siyang sunod-sunuran sa bawat sabihin ng mga magulang niya at alam niya sa sarili na nakakasakal na ang gano'n na sitwasyon o sistema, kaya nang sabihin sa kaniya ng mga magulang niya na ikakasal siya sa isang anak ng mga Osvaldo, ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya 'yon. At ang lalaking iyon ay si Sebastian Kenji Osvaldo, na siyang magiging Heir ng isang sikat na magazine company sa buong bansa at kilala rin internationally na, Dazzle Company. Kilala si Sebastian na mabagsik at hindi napapaamo sa kahit sino man. Wala itong pinapansin kung hindi naman trabaho ang usapan. Giginhawa kaya ang buhay niya sa piling ni Sebastian? O mas lalo lang gugulo ang inaasam niyang kalayaan sa buhay?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
Romance
68.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hey Little Girl

Hey Little Girl

roseZy
Rose Fuevo isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay ang katahimikan at ang makatulong sa kanyang pamilya ay sadyang pinaglalaroan ng tadhana. Hindi niya akalain na ang kanyang mga pinapangarap ay hahadlangan ng napakaraming mabibigat na trahedya. Marami siyang makikilala na magiging parte din sa kanyang buhay kasama na doon ang unang magpapatibok sa kanyang puso na si Kristoff Guerrero kasama ang pinsan nitong si Henry Simson. Ngunit dahil nga'y mapaglaro ang tadhana ay tila pati din sa kanyang pag-ibig ay dadanas siya nang matinding pagsubok para lamang dito. Higit pa dyan ay makikita niya na ikakasal na ang kanyang pinakamamahal sa ibang babae. Makakamit ba niya ang kanyang mga hinahangad na makapiling ang kanyang minamahal sa kabila ng mga hirap na dinanas niya? Tuklasin ang kabuuan na storya ni Rose Fuevo.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
Romance
10645 viewsOngoing
Read
Add to library
ILLICIT AFFAIR

ILLICIT AFFAIR

(SPG) Nang malaman ni Celeste na ipinagbili siya upang ikasal sa isang mayaman na matandang lalaki ay tinanggap niya na lang na iyon na ang kapalaran. Comfortable and luxurious life, handa ulit siyang maranasan ang lahat ng iyon. Ngunit paano kung malaman niyang anak ng kanyang pakakasalan ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal?
Romance
440 viewsOngoing
Read
Add to library
The Wild Heiress (tagalog)

The Wild Heiress (tagalog)

Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa Manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wild na dalaga? O Magawang wild ng dalaga ang isang nerd na binata?
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status